Published on

Showbiz Extra • Setyembre 1 – 15, 2015

    Tom and Megan
 
Tom Rodriguez & Megan Young
  Julia Montes
 
Julia Montes
  Julie Anne San Jose
 
Julie Anne San Jose

Marimar – Binuhay muli nina Tom at Megan

Nagsimula nang mapanood sa GMA Pinoy TV ang revival ng isa sa mga pinaka-successful na telenovela sa TV history, ang Marimar. Ang primetime series na ito ay tampok ang tambalan ng Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Megan Young.

Binigyan ni Tom ng bagong buhay ang role ng makisig at charismatic na Sergio Santibañez. Samantala, si Megan naman ang muling bumuhay sa maganda at determinadong si Marimar.

Kasama sa cast ng Marimar ang mahuhusay na A-list actors tulad nina Jaclyn Jose as Señora Angelika Santibañez; Zoren Legaspi as Gustavo Aldama; Lauren Young as Antonia; at ang nagbabalik na Kapuso, Alice Dixson, as Mia Aldama, bilang biological mother ni Marimar. Kasama rin ang makulay na si Nova Villa as Lola Cruz; Tommy Abuel as Lolo Pancho: Carmi Martin as Esperanza Aldama; Ina Raymundo as Brenda; Dion Ignacio as Nicandro; Ricardo Cepeda as Renato Santibañez; Jaya as Corazon; Cris Villanueva as Padresito Porres; Candy Pangilinan as Perfecta; Frank Magalona as Franco; Ashley Cabrera as Cruzita Santibañez; at si Boobay – na siyang magiging tinig ng adorable dog na si Fulgoso.

Tuwang-tuwa ang mga fans ng popular na teleserye sa muling pagbabalik ng Marimar at mga characters nito.

 Doble Kara – Tampok si Julia Montes

 Mas magningning na ang panonood ng mga TV viewers sa pagbubukas ng pinakabagong Kapamilya Gold drama series ng ABS-CBN na Doble Kara – tampok ang tinaguruang “Royal Prinsesa ng Drama” na si Julia Montes sa kaniyang pinakamahirap na pagganap.

Mula sa kaniyang markadong pagganap sa mga dekalibreng teleserye tulad ng Mara Clara, Walang Hanggan, Muling Buksan Ang Puso, at Ikaw Lamang, bibigyang buhay naman ni Julia sa Doble Kara ang mga karakter ng magkakambal na sina Sarah at Kara.

“Sa dami ng mga role na nagampanan ko na hindi para sa edad ko, masasabi ko talaga ngayon na ito ang pinaka-challenging na proyekto na ibingay sa akin. Dahil hindi lang puso at isip ang kailangang ibigay ko dito kundi pati na rin ang buong pagkatao ko,” pahayag ni Julia.

Iikot ang kuwento ng Doble Kara sa buhay nina Sarah at Kara, ang kambal na nabuhay sa isang masayang pamilya sa kabila ng kanilang kahirapan. Ngunit dahil nagkaroon ng malubhang sakit si Kara, mapipilitan ang kanilang ina na paghiwalayin ang kambal at ibigay si Kara sa kanilang tunay na ama dahil wala silang sapat na pera para maipagamot ito.

Ang powerhouse cast ng Doble Kara ay binubuo nina Carmina Villarroel, Ariel Rivera, Mylene Dizon, Gloria Sevilla, John Lapus, Allen Dizon, at Alora Sasam. Ipinakikilala rin sa teleserye ang bagong leading men ni Julia na sina Edgar Allan Guzman at Anjo Damiles. Kasama rin si Alicia Alonzo para sa kaniyang espesyal na pagganap. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Palo at Jon Villarin.

 Julie Anne San Jose – Celebrity Advocate for Children ng World Vision

 Nitong nakaraang Agosto 25, inihayag ng World Vision bilang kanilang Celebrity Advocate for Children ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

Ang GMA Artist Center star ay magkakaroon ng maraming charity at community outreach efforts, especially those promoting children’s rights, well-being and education sa ilalim ng World Vision, isang international child-focused non-government organization.

“We are very honoured to now have as part of our family a staunch advocate for children, Julie Anne, who we all know started in her career as a child. We have been witness to how she genuinely cares for the children and we know that this will be the beginning of a beautiful journey with her in ensuring that every child lives his or her life to the fullest,” sabi ni World Vision Manager for Public Awareness and Experience Pamela Millora.

Bago naging World Vision Advocate si Julie Anne, na-involve na siya sa maraming World Vision initiatives, tulad ng Bangon Pinoy, a concert for the benefit of Typhoon Yolanda survivors in 2013; at kamakailan lamang ay ang White Event, isang online celebrity auction for a cause. She also sponsors two children with World Vision.

Bukod sa kaniyang charitable projects, busy rin si Julie Anne sa comedy-musical variety program Sunday PinaSaya, Pepito Manaloto and afternoon Prime series Buena Familia sa Kapuso Network.

Have a comment about this article? Send us your feedback.