
Opinions
![]() |
|
Shaina Magdayao |
|
![]() |
|
Isabelle Daza |
|
![]() |
|
Gerald Anderson, Marco Masa & Shaina Magdayao |
|
![]() |
|
Carla Abellana |
Ni Isagani Bartolome
Tiyak na kagigiliwan ng mga teleserye fanatics ang bagong prime time drama series ng ABS-CBN na Nathaniel.
Ito ay pagbibidahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at ang pinakabagong child actor na si Marco Masa. Ito ay magsisimula na sa Abril 20.
Sa ginawang celebrity screening nito kamakailan ay pinalakpakan nang husto ang mga eksena ng mga major stars na sina Gerald Anderson at Shaina Magdayao.
“Siguradong gagaan ang loob ng mga manonood sa kuwento ng Nathaniel, lalo na sa panahon ngayon kung kailan maraming pinagdadaanang pagsubok ang mga Pilipino,” pahayag ni Gerald.
“Swak na swak para sa buong pamilya ang kuwento ng Nathaniel dahil sa mga aral at inspirasyon na maibibigay nito hindi lang para sa mga kabataan, kundi para sa lahat ng tao,” ani Shaina.
Subalit ang ikinagulat ng lahat ay ang mga scenes ng bagong child star na ipakikilala sa series na ito na si Marco Basa.
Marami ang humanga sa galing ng bata at dahil doon ay hinuhulaan ng mga nakapanood na malaki ang potensyal na maging big star.
Telegenic si Marco sa screen at bagay na bagay siya sa role bilang Nathaniel. The camera just loves him. Marami ang humuhula na siya na ang next child wonder.
More on drama ang seryeng ito na hahaplos sa puso ang bawat eksena. Revelation si Gerald bilang isang batang ama na struggling to make ends meet. Kitang kita ang husay ng aktor sa kaniyang role dito sa Nathaniel. Marami ang nakapuna ng improvement ng acting niya sa drama series na ito.
Maging si Shaina ay hindi rin nagpahuli at kitang kita rin ang emotional commitment lalong lalo na sa mga important scenes. Maganda ang chemistry nina Gerald at Shaina.
Kasama din si Isabelle Daza sa bagong handog na ito ng ABS -CBN at ayon sa magandang dilag ay bida-kontrabida ang magiging role niya dito.
Siya bale ang magiging third party na mamamagitan sa mga character nina Anderson at Shaina.
“Challenging role so far, exciting!” ayon sa kaniya.
First time ni Belle ang Nathaniel kaya naghahanda siya nang husto sa kaniyang mga dramatic moments.
Sa kasalukuyan ay puro sina Coney Reyes at Gerald pa lang ang kaniyang mga nakakasama sa eksena, pero she is looking forward sa mga scenes nila ni Shaina.
Sinundot din ng press people na naroroon sa screening kung may balak na rin ba silang magpakasal ng kaniyang boyfriend na si Adrien Semblat, pero ngiti lang ang sinukli ng magandang aktres.
“Ay no plans. Hayaan na muna natin ang mga friends ko ang maunang magpakasal. In time naman darating din ako sa stage na yan. I am not rushing. My mom got married at 36,” pagtatapos ni Isabelle.
Bahagi rin ng powerhouse cast ng Nathaniel sina Pokwang, Benjie Paras, Jayson Gainza, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, Yesha Camile, David Chua, Young JV, Fourth at Fifth Pagotan. Ito ay sa ilalaim ng direksyon nina Darnel Joy Villaflor at Francis Pasion.
Ang official soundtrack ng Nathaniel na Lupa Man ay Langit na Rin ay inawit ng King of Teleserye theme songs na si Erik Santos.
Mapapanood na sa GMA Pinoy TV ang pinakabagong drama anthology, ang Karelasyon simula ngayong Abril 18. Ito’y hango sa iba’t ibang karanasan ng mga taong umiibig at kanilang pinagdadaanan upang mapanatili ang relasyon at ang pag-ibig na iyon.
Ipapakita ng Karelasyon na sa bawat pag-iibigan – hindi lamang sarap at kaligayahan ang nararanasan – sa halip ay may mga kalbaryo din, sakripisyo, pagdaramdam at kalungkutan. Mahirap man tanggapin, hindi lahat ng relasyon ay may happy ending.
Ang host ng Karelasyon ay ang sikat na Kapuso premier leading lady and TV host na si Carla Abellana. Ito ay sa panulat at direksyon ng acclaimed independent film director Adolf Alix, Jr.
Para sa unang episode, mapapanood sa Karelasyon ang istorya ni “Minda” na portrayed by actress Mylene Dizon: Isang babaeng desperadong magkaroon ng karelasyon kung kaya mabilis na umibig kay “Daniel” played by Mark Herras.
Isang kasayasayan ng heartache and betrayal. Panoorin kung paanong ang lalaking minahal ni Minda ay naging isang monster lalo na nang pumasok sa buhay nila ang kaniyang gay son na si “Ryan” played by Martin del Rosario.