
Opinions
![]() |
|
Bea Alonzo |
|
![]() |
|
Angeline Quinto |
|
![]() |
|
John Lloyd Cruz |
|
![]() |
|
Alden Richards |
|
![]() |
|
Pops Fernandez |
Hindi kami nagsasawang tutukan ang vlog ni Bea Alonzo tungkol sa kaniyang Beati Farm sa Zambales. Sinusundan namin ang bawat kuwento niya tungkol sa naipundar niyang malawak na lupain.
Napakaganda ng kaniyang farm, si Mommy Mary Anne at ang kaniyang stepdad ang puring-puri ni Bea kung paano natupad ang kaniyang pangarap, masipag si Ronald na katuwang ng kaniyang ina sa pagpapaganda ng kaniyang farm.
Nakakatuwa ang kuwento ni Mommy Mary Anne noong minsang bumagyo, “Nabuwal ang pitong puno ng mangga, iyak ako nang iyak! Imagine, ganito lang sila kaliliit noong itanim namin, tapos, noong malalaki na, e, biglang ibinuwal sila ng bagyo!
“Pumasok ako sa kuwarto, iyak ako nang iyak! Lumabas na lang uli ako noong masuhayan na nila at maitayo ang mga puno!” kuwento ng dakilang ina ni Bea.
Ayon kay Bea ay tanggap niya ang katotohanan na ang pagpa-farm ay parang buhay rin ng tao. May mga darating na pagsubok, pero ang mahalaga ay tuloy ang buhay, hindi tayo dapat sumuko.
Nagtanim ng calamansi si Bea nitong huli, nagpundar na rin siya ng mga makinaryang pambukid tulad ng traktora, namitas siya ng mga gulay sa bakuran at nagluto siya ng pakbet.
Sa susunod ay magluluto naman siya ng ginataang tilapya na mahuhuli lang sa kanilang bakuran, tuturuan siyang magluto ni Mommy Mary Ann, PWD na ang ina ni Bea.
Napakasarap niyang magmahal, ang CR ng kaniyang ina ay ipinadise n’yo niya para sa isang hindi na nakapaglalakad, may konkretong upuan sa paliguan ng kaniyang mommy.
Napakaganda rin ng ipinatayong bahay ni Bea sa Beati Farm, kitang-kita ang kaligayahan sa kaniyang pagkukuwento na kapag gumigising siya ay sinasalubong siya ng sariwang hangin, habang iniikutan niya ng tingin ang mga puno ng mangga sa bintana.
‘Yun ang katuparan ng pangarap ni Bea Alonzo. Ginamit niya ang kaniyang pinaghirapan sa pagbili ng mga ari-ariang puwede niyang asahan kapag gusto na niyang magpahinga sa pag-aartista. Ganoon din katindi ang pasasalamat niya sa kaniyang ina na naging susi sa tagumpay ng kaniyang farm.
Walang kasingsarap ang buhay sa bukid. Sariwang hangin, mga sariwang pagkain, isang kapaligirang parang dinise n’yo bilang pampalimot sa mga problemang bumabagabag sa atin.
Tamang panahon lang ang hinintay ni Angeline Quinto para aminin ang pinagdadaanan niyang pagdadalantao ngayon. Wala siyang planong itago ‘yun nang habampanahon.
Matapang si Angge. Kaya niyang panindigan ang mga nagaganap sa kaniyang buhay. Pero may kakambal ‘yun na matinding lungkot dahil sa pagkawala ng kaniyang Mama Bob.
Ekstensiyon ng buhay ni Angge si Mama Bob. Ito ang nagpalaki at sumubaybay sa buong buhay niya. Pero ngayong nasa estado na siya ng pagdadalantao ay wala na si Mama Bob na unang-unang gusto niyang pagsabihan ng katotohanang nagdadalantao na siya.
Dumating ang ama ng kaniyang dinadala sa panahong matindi ang kaniyang kalungkutan dahil sa pagkawala ni Mama Bob. Masayahin siya kapag nasa li niya ng trabaho, pero kapag umuuwi na siya ay puro luha ang kaniyang kasama, ang pagkawala pa rin ni Mama Bob ang dahilan.
Dati na niyang kaibigan ang lalaki, lumaki sila sa iisang lugar sa Sampaloc, pero pagkatapos ng mahabang panahon ay saka lang uli sila nagkita.
At naganap na nga ang kaniyang pagdadalantao. Ang dami-dami niyang inalala. Paano na ang kaniyang singing career? Paano na ang pag-aartista niya? Kailan niya aaminin na nagdadalantao na siya? Ibebenta ba niya ang kaniyang bahay para sa Amerika siya manganganak?
May mga kaibigan siyang pinagtapatan ng kaniyang lihim. Iniyakan niya ang mga taong mahal siya at hindi naman siya pinabayaan.
Ayon sa aming kaibigan na kaibigan din ni Angeline ay lalaki ang kaniyang ipinagdadalantao. Kaya raw pala hindi siya mahilig mag-ayos, kaya raw pala medyo namamaga ang kaniyang mukha at medyo lumapad ang kaniyang ilong, baby boy pala ang binhing pumipintig sa kaniyang sinapupunan.
Hindi nag-iisa si Angeline sa ganitong kalagayan. Marami sila. Komento nga ng isang singer na nakakuwentuhan namin ay mas gaganda pa ang boses ni Angge pagkapanganak niya.
May kung anong elemento raw na nagbubukas sa babae kapag nanganganak siya. Ganoon ang kapaniwalaan ng mga singers.
At itinuloy ni Angeline Quinto ang kaniyang pagdadalantao. Hindi siya kailanman nag-isip ng kahit anong negatibong aksiyon para mawala ang bata dahil sa kaniyang singing career.
Doon pa lang ay kahanga-hanga na ang magaling na singer. Hindi lang ang maganda niyang boses ang dapat hangaan at palakpakan kundi pati ang kaniyang paninindigan.
A baby is always a blessing. Everybody deserves a birthday.
Ayon sa isang source na nakakuwentuhan namin ay maselan pala ang pagdadalantao ni Angeline Quinto. Nagkakaroon siya ng spotting na tulad ng nangyari kay Jenylyn Mercado.
Talagang mangyayari ‘yon dahil kahit nagdadalantao na si Angge ay tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang pagkanta, wala siyang pamimilian kundi ang mag-perform pa rin, dahil nakasagot na siya.
Bago pa lumabas ang balitang buntis si Angeline ay marami na siyang tinanggap na komprimiso. Hindi niya puwedeng bitinin ang show dahil wala naman sa usapan na kapag nagdalantao siya ay hindi na ‘yon matutuloy.
“Gusto niyang magkaanak, alam niyang ‘yon ang kukumpleto sa pagiging babae niya, pero hindi niya inasahan na ngayon na pala mangyayari ‘yon. Natural, marami siyang inalala.
“May mga nasagutan siyang shows, masaya siya dahil kahit pandemic, e, mayroon siyang mga projects, pero nawindang siya noong malaman niyang pregnant pala siya,” kuwento ng aming kausap.
May mga anak sa ibang nakarelasyon ang boyfriend ni Angeline, hindi ‘yon itinago sa kaniya ng lalaki, pero ‘yon din ang inaalala ng mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Angge.
“Sana nga, e, pakasalan siya ng guy. Sana nga, panindigan siya. Pero paano kung matulad din siya sa mga babaeng inanakan lang noong karelasyon niya?” makahulugang sabi pa ng aming source.
Kinumpirma ng aming regular na tagapanood sa Cristy Ferminute at Take It, Per Minute… Me Gano’n ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos.
Si Tita Nene Ulanday na parang kapamilya na namin ay pinsan ng misis ng namayapang magaling at sikat na pintor na si G. Mauro Malang Santos.
Si Isabel Santos ay anak ng mga kilalang pintor na sina Soler at Mona Santos, anak ni Mang Mauro si Soler, nagsisimula na rin sa kaniyang karera bilang pintor si Isabel.
Matagal nang alam ni Tita Nene ang relasyong JLC at Isabel, pero kahit minsan ay wala itong binabanggit sa amin, hinintay muna ni Tita Nene na lumabas sa mga pahayagan ang balita bago nito kinumpirma ang relasyon.
Sabi pa ni Tita Nene, “Madalas si John Lloyd kina Soler. Nasa Amerika silang mag-asawa ngayon, dinalaw ang panganay nilang si Carina.”
Malaking impluwensiya kay Lloydie sa pagpahalaga sa sining si Isabel. Nangongoleksiyon na rin ng mga obra ngayon ang magaling na aktor at baka nga isang araw ay matuto na rin siyang magpinta dahil kay Isabel.
Magandang impluwensiya. At panahon na rin naman para muling lumigaya si John Lloyd. Hindi naman puwedeng huminto na lang ang kaniyang mundo sa paghihiwalay nila ni Ellen Adarna na nagpakasal na kay Derek Ramsay.
Hindi dapat kinakalimutan ang magmahal. Kapag nakita na natin ang tamang taong makapagpatibok ng ating puso ay ‘yun na ang hudyat.
At noon nagkakilala sina Lloydie at Isabel Santos. Sa pagkakaalam namin ay madalas magpunta noon sa gusali ng gallery ng mga Santos sa West Avenue si Lloydie.
Akala nami’y bumibili lang siya ng mga likhang obra ng namayapang si Mang Mauro, pero ang apo na pala ng pintor ang kaniyang binabalik-balikan, hanggang sa maging sila na nga.
Ang sining na biswal ay parang pag-aartista rin dahil parehong publiko ang tumatangkilik sa kanilang produkto.
Magandang kumbinasyon ang pagmamahalan nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos dahil ang pag-ibig ay isa ring sining.
Labing-isang taon na ang pagiging artista ni Alden Richards. Mga taon na nagkaroon ng saysay at kabuluhan. Ang kaniyang mga dasal ay nagkaroon ng positibong sagot.
Isa lang ang ikinalulungkot ng Pambansang Bae. Sana’y buhay pa ang kaniyang ina para magkasama nilang pinagsasaluhan ang tagumpay.
Makulay ang buhay-artista ni Alden Richards, puring-puri siya ni Senador Bong Revilla, nakita kasi ng aktor-politiko ang kaniyang pagsisimula.
Kuwento ni Senador Bong, “Kapag tapos na kami sa shooting, nag-uuwian na ang lahat, pero naiiwan pa si Alden. Hinihintay pa kasi niya ang mga crew. Makikisabay siya sa pag-uwi.
“Napakatagal niyang naghihintay dahil nag-aayos pa ng kable ang crew. Ganoon siya katiyaga, kaya Alden deserves this success,” kuwento ng senador.
Nakikisabay lang siya noon sa mga crew, pero ngayon ay meron na siyang magagarang sasakyan na mula sa kaniyang pagpapagod at pagsisikap, dininig ng langit ang kaniyang mga panalangin.
Ganoon naman talaga. May mga hiling tayo na may tugon agad. Mayroon namang napakatagal ng sagot. Pero ang mahalaga ay naririnig ng Diyos ang ating mga bulong.
At matindi ang kapit ni Alden Richards sa Diyos. Wala siyang inaangkin, ang lahat ng meron siya ngayon kahit pa siya naman talaga ang nagpagod at nagsikap kung bakit hawak niya ngayon, ay dahil sa tulong sa kaniya ng Diyos.
Totoong-totoo naman.
Ngayon na lang literal na umamin si Pops Fernandez na naging mag-boyfriend sila ni Piolo Pascual. Dekada muna ang pinalampas ni Pipay bago niya ‘yon inamin.
Bago sila naging magkarelasyon ni Piolo ay si Carmina Villaroel muna ang palaging nakaka-date noon ni Papa P. Naging close sila ni Piolo sa kanilang musical variety show sa ABS-CBN tuwing Sunday.
Pero hindi sila nagtagal, agaran ding natapos ang sinasabing relasyon ni Pops, alam na alam namin ang dahilan kung bakit pero pang-blind item na lang ‘yon! Ha! Ha! Ha! Ha!
Alam din siyempre nina Piolo at Pops kung bakit hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Pagkatapos ng show nila noon ay sa van ni Pops sumasakay si Piolo.
Nasa harapan ng van ang PA ni Pops, katabi ng kaniyang driver, sila naman ni Piolo ang magkatabi sa unang hilera ng upuan sa likuran ng van.
Kuwentuhan lang sila nang kuwentuhan. Tawanan sila nang tawanan. Ayon sa aming source ay hindi naman sila malambing sa isa’t isa.
May isang karakter na pumasok sa eksena. Kilala ang nasabing male personality. Kaibigan din nilang dalawa.
Pagkatapos noon ay wala nang sumunod pang eksena tungkol sa relasyon nina Piolo at Pops. Hiwalay na raw sila.
Haaaayyyy!
Sa kabila ng mga kuwento ng kalungkutan dahil sa paghihiwalay ng mga personalidad na matagal nang nagmamahalan ay may mga istorya rin namang nakakapagpasaya ng puso dahil sa pagbabalikan ng mga pusong nagkasakitan.
Maraming maligaya sa muling pagkakasundo nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia. Nanaig ang pagmamahal nila sa isa’t isa, hindi nila sinayang ang pitong taon nilang ipinuhunan sa kanilang relasyon, dalawang anghel ang masayang-masaya ngayon dahil sa pagbabalikan ng kanilang mga magulang.
Naging masidhi si Alwyn para makuhang muli ang tiwala ni Jennica, hindi siya nagsayang ng panahon, nakapanghihinayang naman talagang mauwi na lang sa wala ang kanilang relasyon.
Hindi pa sila magkasama uli sa isang bubong ayon sa aming source, pero nabasag na ang pader sa kanilang pagitan, nagkikita na sila nang mata-sa-mata ngayon na kalaunan ay mauuwi na rin sa muli nilang pagsasama-samang mag-anak.
Kahanga-hanga ang relasyon nina Alwyn at Jennica dahil napakabata pa nilang nagpakasal. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Hindi perpekto ang kanilang pagsasama kaya hindi sila nakaiwas sa paghamon na karaniwang nagaganap sa mga mag-asawa.
Ang mahalaga ay ipinaglaban nina Alwyn at Jennica ang kanilang pagmamahalan, maiiwasan na nila ngayon ang mga bagay-bagay na naging dahilan ng pansamantala nilang paghihiwalay, matindi ang leksiyong natutuhan nila sa nangyari.
Sana, all.
“What is beauty if your panty is dirty?” Gasgas na gasgas ang linyang ‘yan sa showbiz na ipinatutungkol sa magandang personalidad pero basura naman ang ugali.
Minsan pa naming nabasa ‘yun sa social media, si Barbie Imperial ang tinutumbok ng mga Maritess, aanhin daw ang kagandahan kung ganoon naman ang ugali ng dalaga?
Kahit kami ay hindi nagkakagusto sa tulis ng dila ng babaeng ito kung makapagsalita laban kay AJ Raval na kinaiinsekyuran niya, matinding magsalita si Barbie, pakiramdam niya ay inaahas ni AJ ang boyfriend niyang si Diego.
Literal na niyang inaari si Diego na boyfriend pa lang naman niya. Binabakuran niya ang marespetong aktor na para bang asawa na niya.
Dapat malaman ni Barbie na hindi itinuturing na pag-aari ang isang tao. Ang inaari lang ay ang ating pangalan. Atin lang ‘yun at hindi maaaring angkinin ng iba.
Ang bahay at lupa, inaari rin ‘yun, ang damit, ang sapatos, anumang bagay na tayo ang bumili. Pero ang tao ay hindi. Hindi niya pag-aari si Diego, boyfriend lang niya, nagmamahalan lang sila.
Kung ‘yung asawa na nga ay nakalulusot pa, nagkakaroon ng third party, kabit o mistress. Galit na galit siya kay AJ Raval, gusto raw nitong maging kabit ni Diego, e, ayaw nga raw ng boyfriend niya ka AJ!
Ay, kasal na sila, kaya kabit ang ginamit na termino ni Barbie? Hindi maganda ang tubo ng dila ng dalagang ito na isinunod pa naman sa magandang manyika ang pangalan.
Tanong ni Prop na iritado kay Barbie, “Saan ba lumaki ang babaeng ‘yun? Bakit masyado siyang butangera? Bakit hindi kagandahan ang mga salitang ginagamit niya?
“Sayang na ganda, beauty is deceiving talaga. Maganda nga siya, kung mga basurang salita naman ang lumalabas sa bibig niya, sayang!” madiin pang komento ng kaibigan naming propesor.
Oo nga. Palaaway si Barbie. Mahilig siya sa kontrobersiya. Magulo ang mga kuwento ng lovelife niya. Gusto ba ni Diego na ganoon ang imahe ng kaniyang girlfriend?
Naalala tuloy namin ang dating PA ni Barbie na nagreklamo sa programa ni Kuya Raffy Tulfo. Ibinando nito ang ugali ni Barbie Imperial, maganda lang daw siya, pero pangit ang ugali niya. – CSF