Published on

 
 
Nora Aunor
 
 
Maja Salvador
 
 
Kim Chiu
 
 
Xian Lim
 
 
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla

Frankly speaking

   Setyembre 16 - 30, 2012
 By Vinia Vivar
 

Editor’s note: Babalik ang Cristy per minute ng ating entertainment columnist na si Cristy Fermin sa susunod na isyu ng Pilipino Express.

Nora Aunor – Best actress ayon sa Italian film critics

Kahit pagod mula sa flight from Venice to Manila last week ay dumiretso ang Superstar na si Nora Aunor sa thanksgiving presscon na inihanda sa kaniya ni Laguna Governor Jorge “ER” Ejercito sa Club Filipino.

Matatandaang dumalo si Guy sa 69th Venice International Film Festival sa Italy para sa pelikula niyang Thy Womb na idinirihe ni Brillante Mendoza kung saan ay nagkamit ang Superstar ng Bisato d’Oro Award na iginawad ng Premio Della Critica Indipendente, a jury of independent film critics from an independent award giving body in Venice

Bagama’t hindi pinalad na masungkit ni Guy ang Best Actress award sa Venice International filmfest, ayon kay Guy ay masayang-masaya na raw siya sa karangalang ibinigay sa kaniya.

“Kung hindi man ako ibinoto ng jurors, nauna na akong nabigyan ng award ng mga kritiko at ang sabi nila, iyong mga kritiko ang pinaka-importante sa lahat na nagbigay ng award. Hardest to please (ang mga kritiko), sabi nga nila,” pahayag ng Superstar.

Nahingan din si Guy na i-share ang experience niya sa Venice meeting the press and critics at aminado siyang medyo kinabahan daw siya.

“Pero lahat naman kami, nag-Tagalog, eh kaya wala namang problema dahil marami rin sa mga tao doon na hindi rin masyadong nagi-Ingles kaya mayroon kaming nagi-interpret ng mga salita. Kaya hindi naman mahirap at iyong mga tanong naman ay tungkol sa Thy Womb at karamihan naman ay tinatanong si direk (Brillante).

“Pero maraming press ang nag-attend at sabi nga nila, first time na nakakita sila ng ganoon karaming press na nag-attend sa isang kasaling pelikula,” she said.

Natanong din kay Guy kung kumusta na ang plano niyang pagpapa-opera sa kaniyang lalamunan dahil matatandaang nagpunta siya sa US kamakailan para sumailalim sa operasyon pero ayon sa Superstar, hindi pala ito natuloy.

“Hindi pa, mahal, eh. Aabot ng mga $50,000. Nag-iipon pa po,” say niya.

Sa nasabing presscon ay nanawagan din si Guy sa ating gobyerno na bigyan ng suporta ang ating mga pelikulang nasasama sa kumpetisyon sa mga international film festival.

“Nanghihinayang po ako sa mga pelikula nating naisasali abroad. Sana po, nananawagan din po ako na sana, madagdagan iyong suporta ng gobyerno sa lahat ng mga producers natin na gumagawa ng ganitong klaseng pelikula katulad nga ni Gov, at iyong iba pang mga pelikula para mag-produce uli ang mga producers ng pelikulang kapupulutan ng aral ng ating mga kabataan at nang sa gayun ay hindi pare-pareho ang napapanood natin,” sabi ni Guy.

Samantala, kaunti na lang ang nalalabing shooting ni Guy ng El Presidente kung saan ay ginagampanan niya ang papel na Maria Agoncillo, the second wife of Emilio Aguinaldo. Ang isa pang leading lady ay si Cristine Reyes na siya namang gumaganap na first wife. Ang nasabing pelikula ay kasama sa darating na Metro Manila Film Festival sa December mula sa direksyon ni Mark Meily.

Sa TV5 naman, ayon sa executive na si Joan Banaga ay marami raw uumpisahang proyekto ang Superstar sa kanila pero mapapanood daw muna ang Superstar sa Untold Story of Nora Aunor at sa Third Eye.

Maja Salvador – Single again but very contented

As we all know, kagagaling lang sa break-up ni Maja Salvador with Matteo Guidicelli. Pero kahit wala raw siyang love life ngayon, masaya naman daw at balanseng-balanse ang buhay niya.

“Hindi naman porke’t wala kang love life, may kulang na sa ‘yo. Minsan nga, pag single ka, mas doon mo natatagpuan iyong pagiging ano mo… iyong doon ka magiging kumpleto. Hindi natin kailangan ng ka-partner sa buhay para (maging) masaya at para sabihin na ‘kumpleto ako at mas nakilala ko na ang sarili ko’,” say ni Maja na malapit nang mapanood sa kaniyang bagong teleserye sa ABS-CBN na Ina, Kapatid, Anak.

Ano naman ang kumukumpleto sa buhay niya ngayon?

“Trabaho, pamilya. Kasi, para sa akin, iyong happiness, depende iyan sa actions mo, eh. Ikaw mismo iyon, eh. Kapag pinili mo na ‘hindi naman ako ganito kasaya, tama lang,’ iyon talaga ang lalabas. Pero kung pipiliin mo na ‘masaya ako, masaya ako kahit ako lang,’ lalabas iyon,eh.”

Naka-move-on ba siya from the break-up?

“Yes, kailangan,” say niya.

Kim Chiu – May bagong teleserye katambal ni Xian

Pagkatapos ng My Binondo Girl last year, muling magkakatrabaho sina Kim Chiu at Xian Lim sa bagong primetime teleserye na handog ng ABS-CBN, ang Ina, Kapatid, Anak.

Sobrang excited na rin ang kanilang mga fans na kung ilang buwan nasabik na makita ulit sila sa isang serye. Not only their fans kundi maging sila mismo ay aminadong excited na sa pagsisimula ng show.

“Happy ako na magkakasama ulit kami ni Kim and siyempre, sina Enchong (Dee), sina Maja (Salvador),” say ni Xian nang makausap namin siya sa cast pictorial ng serye.

Aminado rin ang young actor na compared sa My Binondo Girl, mas malalim na ang friendship nila ngayon ni Kim.

Friendship lang ba talaga or hanggang ngayon ba ay naghihintay pa rin siya na sagutin ni Kim?

“Ah, ayoko namang sabihin na naghihintay. Di ba, mas magandang sabihin na we’re enjoying every moment na kung anuman ang dumating. Enjoy the show, enjoy our work, di ba, kasi pag nage-enjoy, iyon na iyon, eh.”

Pwede ba niyang sabihin na more than friends sila ni Kim ngayon pero walang commitment?

“Hindi, wala po akong sinasabing ganoon. Ang sinasabi ko is, mas malalim na friendship. Same thing as mas malalim ang friendship namin ni Enchong, mas malalim ang friendship namin ni Maja because mas nakikilala namin ang isa’t isa.”

Samantala, isang kakaibang serye na naman ang handog ng Kapamilya via Ina, Kapatid, Anak. Tatalakayin sa drama series ang surrogacy in the Philippines.

Surrogacy is defined as an arrangement in which a woman carries and delivers a child for another couple or person. This woman, the surrogate mother, may be the child’s genetic mother (called traditional surrogacy), or she may be genetically unrelated to the child (called gestational surrogacy).

Bukod kina Xian, Maja at Enchong ay kasama rin sa serye ang mga veteran stars na sina Cherry Pie Picache, Pilar Pilapil, Janice de Belen, Ronaldo Valdez, Ariel Rivera at Eddie Gutierrez mula sa direksyon ni Don Cuaresma at Jojo Saguin.

Kathryn Bernardo – Hindi raw selosa

Umamin si Kathryn Bernardo na selosa siya pero natatawa na lang daw siya sa mga babaeng nagpapa-cute sa ka-loveteam na si Daniel Padilla.

“Nakakatuwa sila panoorin, lalo na iyong iba, parang tingnan lang sila ni DJ (tawag niya kay Daniel), parang puwede na silang mamatay, nakakatawang tingnan,” sabi ni Kathryn.

Walang kahit katiting na selos?

“Hindi kasi, kilala ko naman si DJ. At saka, wala rin akong right na magselos,” say niya.

Sumingit naman si Daniel at sinabing “hindi, may karapatan ka nang magselos.”

Have a comment on this article? Send us your feedback