
Opinions
ni Vuvü at Eng Eng
![]() |
|
Mark Bautista (Photo credit: Mark’s IG) |
Inihayag ni Mark Bautista na lumayo ang ilan niyang mga kaibigan at nagkaroon ng limitasyon sa kaniyang roles bilang aktor mula nang aminin niya na isa siyang bisexual. Sa kabila nito, hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang pagpapakatotoo.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 11, tinalakay ni Mark ang mga naranasan niyang tagumpay matapos lumabas ang kaniyang librong Beyond the Mark, na naglalahad ng kaniyang tunay na sekswalidad.
“The freedom.. Ang hirap mag-apologize sa isang bagay na totoo, like my truth. Wala akong regret,” sabi ni Mark.
Kahit na tuloy-tuloy ang kaniyang singing career, sinabi ni Mark na nagkaroon naman ng limitasyon sa mga natatanggap niyang offer sa telebisyon.
“In terms sa music, I feel like nagkakaroon ako ng shows naman, it’s the same, parang walang nagbago. But I think dahil uma-acting ako nagkaroon na ng limitation iyong binibigay na offers or mas stereotyped iyong role na puwedeng ibigay sa akin,” paglalahad niya.
“Isn’t that unfair to you as an actor?” tanong ni Tito Boy.
“I think so kasi gusto ko pa ring gawin na like normal na role or iyong straight na role. After noong nag-book ako, marami ring nag-offer sa akin na movies but puro BL. Pero ang Viva, hindi sila nag-agree kasi depende rin sa content, sa material,” saad ng singer-actor.
Kahit hindi nanamlay ang kaniyang career matapos ilabas ang kaniyang libro, nagkaroon naman ng takot si Mark kung may manonood pa ng kaniyang mga concert.
“I don’t think so Tito Boy,” tugon ni Mark sa tanong kung nanamlay ba ang karera niya. “May changes. Sa film, sa offers na binibigay. Ngayon kapag nagco-concert ako lagi nang, may fear ako na, ‘May manonood ba or something?’“
Samantala, umamin din si Mark na isinara niya muna ang comments section sa kaniyang mga social media matapos maglahad sa kaniyang pagiging bisexual, dahil nakatanggap siya ng “harsh” comments.
“Hindi rin ako nagbabasa noong time na ‘yon dahil sa sobrang takot ko, hindi ako nag-o-open ng reviews. iyong friends ko lang na nakabasa, iyong mentors ko before na nagbasa. iyong people I trusted na magsasabi sa akin nang totoo, iyon ang pinaniwalaan ko,” paliwanag niya.
Sa kabila ng lahat, nagpasalamat si Mark sa mga taong hindi niya inaasahang susuporta sa kaniya sa kaniyang paglalantad.
“Mas na-shocked ako sa mga taong hindi ko in-expect na magsu-support sa akin. Mas ‘yon ang pinanghahawakan ko,” anang singer-actor.
Sinabi rin ni Mark na may ilan siyang kaibigan na ang tingin nila ay para sa publicity lang ang kaniyang ginawa.
“Mayroon akong kaunting friends na parang naging distant. Mayroon naman sa showbiz na naging distant dahil feeling nila I was just doing it for publicity. Medyo doon ko [sila] nakilala,” ayon kay Mark.
By: Jamil Santos,GMA Integrated News
Kailangang magdobleng ingat ang mga kilalang personalidad sa mga Boogie Wonderland. Sa mga pimp. Sa mga bugaw. Ang mga sikreto nila sa buhay ay kadalasang nanggagaling sa mga inoorderan nila ng karneng buhay.
Takang-taka ang isang male performer kung saan nagmumula ang mga kuwento tungkol sa kaniyang tagung-tagong milagro. Sila lang naman ng Boogie Wonderland ang magkatransaksiyon pero kung bakit lumalabas ang kanilang usapan.
Kuwento ng isang source, “Mag-iwan ka ba naman ng balanse sa pinagkunan mo ng kalalakihan, sinisingil ka, eh, ayaw mong magbayad, puro saka na lang ang isinasagot mo?
“Ano’ng inaasahan mo mula sa bugaling, ang purihin ka pa? Natural, tatawag iyon sa mga kapuwa niya Boogie Wonderland, magbibigay ng babala na huwag ka nang pagkatiwalaan dahil hindi ka marunong magbayad ng utang!
“Mahilig kasing mag-iwan ng balanse si ____(pangalan ng male performer na pinagdududahan ang gender), madatung naman siya, pero kung bakit nakasanayan na niya ang ganoon?
“Eh, ang kuring-kuring pa naman niya, wala siyang ibinibigay na tip sa dyugaling, malayung-malayo siya kay ____(pangalan ng isa pang closet queen) na nagbibigay na ng tip, eh, may giveaways pa ng mga products na ine-endorse niya!” nakairap na kuwento ng aming source.Ha! Ha! Ha! Ha! Ang mga milagrosang singers!
Inirereklamo ng mga estudyante ng isang unibersidad ang isang bagitong personalidad na may kaangasan at ang kaniyang manager. Iniimbitahan kasi ng mga ito ang usung-usong personalidad ngayon para maging speaker sa kanilang kolehiyo tungkol sa napapanahong isyu ng cyber bullying.
Malaking halaga nag hinihingi ng manager, 60K, sisenta mil na kailangang pagtulung-tulungang ipunin ng mga estudyante pero nabigo silang kalapin.
Para silang nagtatawaran sa palengke. 20K na lang daw. Kailangan na raw magdeposito ng downpayment ng mga estudyante sa bank account number na ibinigay ng manager ng bagitong personalidad.
Nagdeposito nang ten thousand ang mga ito, pero hanggang doon na lang ang kaya nila, kaya ang sagot ng manager ay limang minuto na lang daw na magsasalita ang kaniyang talent.
Hindi natuloy ang speaking engagement ng bagitong ewan, dala ang deposit slip ay binabawi ng mga estudyante ang pinaghirapan nilang ipuning halaga, pero sa halip na ibalik iyon ay pinagsisigawan pa sila at pinalayas sa opisina ng talent manager.
Nakakaloka! Wala naman silang kontratahan, wala namang kasunduan na kapag hindi natuloy ang kanilang pinag-usapan ay hindi na ibabalik ng manager ang perang pinaghirapang ipunin ng mga estudyante, ano nga naman iyon?
HIndi dito natatapos ang kuwento. Makararating sa malaganap na programa ng isang male TV-radio anchor ang senaryo, magsusumbong ang mga estudyante, ipaglalaban nila ang kanilang karapatan.
May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabantot na basurahan sa panghuhula kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito?
Hula na!