Published on

Showbiz Extra • Marso 1-15, 2023

 

     nora himala
 
Nora Aunor in Himala
  nora award
 
Nora Aunor
  ISKO JOAQUIN
 
Isko Moreno & Joaquin Domagoso
  LUIS AND VILMA
 
Luis Manzano & Vilma Santos

Nora Aunor’s Himala, classic movie of all time

“NOONG wala pa ako sa showbiz ang pinaka idol kong artista ay si Amalia Fuentes,” ito ang binitiwang salita ng National Artist na si Nora Aunor nang mag-guest sa Fast Talk ni Kuya Boy Abunda via GMA 7.

Tinanong kasi ni Kuya Boy ang nag-iisang Superstar kung sino sa mga artista ang kaniyang hinangaan. Walang kaabug-abog na sinagot ni Ate Guy na si Amalia raw. “Noong nag-artista na ako, nakita ko siya sa bahay ni the late Artemio Marquez. Siyempre excited ako makita ang aking idol. Lumapit ako at hahalik sa kaniyang mukha pero hindi ko maabot ang pisngi niya.”

Hindi malinaw ang kuwento ni La Aunor sa nasabing interview kung iniwas ba ng veteran actress ang kaniyang ulo para hindi siya makahalik.

Basta ang sabi niya lang simula raw makaharap niya si Amalia, lumipat na ang paghanga niya kay Susan Roces at hanggang ngayon daw ay solid siya sa asawa ni Da King Fernando Poe Jr.

Wala naman siyang gustong iparating sa mga taong ito dahil parehong namayapa na at humingi pa nga ng paumanhin si Ate Guy. Ibinahagi niya lang daw ang kaniyang mga karanasan noong siya ay baguhan pa lang at base iyon sa mga tanong ng King of Talk.

Isa pa sa hindi malilimutan ni Nora, sinabi niya inisnab daw siya sa MMFF 1982 at kaya raw hindi siya nanalo sa Himala kasi nga wala siyang ginawa sa movie kundi ang dumipa at manalangin.

Nag-research kami at nakita namin sa mga files na nagwagi siyang Best Actress sa MMFF ‘82 at naging top grosser ito na tinalo ang entry ni Fernando Poe na Panday. Humakot pa nga ito ng nine awards including Best Director and Best Picture.

Siguro ang sinasabi ng Superstar, inisnab siya ng ibang award-giving body kung saan ni isang award as Best Actress sa Himala ay hindi siya nagwagi noong 1983.

Pero sampal iyon sa mga award giving body dahil kinilala ang nasabing movie sa ibang bansa at humakot ito ng parangal after two years kasi nga mahalaga pala ang papel ni Elsa at ngayon isa na itong classic movie.

Mag-amang Isko at Joaquin, pilit na pinagsasabong?

NAKAPANAYAM namin si Yorme Isko Moreno sa grand presscon ng Martyr or Murderer na ginanap last February 20 salas Casas Filipinas de Acuzar in Roosevelt, Quezon City.

Pilit kasing pinagsasabong ang mag- amang Isko at Joaquin Domagoso na kasama sa isang pelikula.

Hindi ko na idedetalye kasi nawala sa isip ko ang title.

Ayon kay Yorme, nasa edad na aniya si Joaquin at kaya na niya magdesisyon kung ano ang nararapat para sa kaniya.

“Lagi ko nga sinasabi tuwing tinatanong ako, move on na tayo.

Yung sinasabi ko nga kanina during our interview, move on tayo, kasi nga my son is on the other side. I’m on the other side. Pinapakita lang namin na wala sa amin iyon at trabaho lang ito. He can do whatever he wants to do as an artist,” dagdag pa ni Isko.

Nilinaw rin niya na dapat panoorin nila pareho ang pelikula at siyempre panoorin din ang kanilang pelikula para malaman ang tunay na istorya sa likod nito kung bakit ang inilagay na title ni Direk Darryl Yap ay Martyr or Murderer.

“Ako naman bilang papel na Ninoy ginampanan ko nang husto kung ano ang nasa script. Siguro wala naman silang masasabi sa akin. Pero nagulat lang ako kay Direk Darryl kasi nga yung first scene namin ni Ruffa Gutierrez in New York, rehearsal pa lang sasabihin niya agad sa amin na pang trailer ito. Sinabi ko, Direk naman breaking the ice pa lang kami tapos yun na agad ang sasabihin niya, so nakaka-pressure, but I hope you will like it and I hope everyone likes it also.”

Sinabi pa nga ni Ruffa, parang nasa That’s Entertainment days lang daw siya. So wala na kaming magawang dalawa kundi sumunod dahil ganoon naman talaga noon kung ano ang sinasabi ni Kuya Germs kailangang sundin mo.

Luis Manzano, sangkot sa isang malaking scam?

MASAKIT kay Miss Vilma Santos ang nangyayari ngayon sa anak na si Luis Manzano na nasangkot sa gulo ng Flex Fuel.

Bigla na lang kasi sumingaw itong kontrobersiyal na scam na sumugod sa NBI ang mga biktima at ang tinuturo nila ay si Lucky.

Sinasabi nilang si Luis daw ang tumatayong Chairman of the Board ng nasabing kompanya.

Pero ayon naman sa anak ng Star for All Seasons, siya raw ay biktima lang ni Mr. Ildefonso Medel, company President ng Flex Fuel at naghahabol din siya ng 66 milyong piso.

Nilinaw rin niya na noon pang February 2022 ay nag-resign siya as Chairman of the Board sa nasabing company ni Mr. Medel.

Maganda na sana ang image ni Luis simula nang dumating sa buhay nila si baby Peanut kung saan lagi silang masaya ng kaniyang asawang si Jessy Mendiola.

Pati nga si Ate Vi ay natutuwa rin kasi nga matagal na niyang inaantay na magkaapo sa mag-asawa.

Hindi lang ang buhay nina Luis at Jessy ang nagulo ngayon kundi pati rin ang asawa ni Congressman Ralph Recto, kung paano nila pahuhupain ang galit ng 50 katao na naghahabol ng kanilang investment.

Nagkataon pa namang ginanap ang kaniyang 60th anniversary in showbiz na palabas sa telebisyon.

Pero nagpapasalamat si Miss Vilma Santos-Recto sa mga taong nakakaunawa na ang kaniyang anak ay walang kasalanan.

Lalo na sa entertainment industry na sila ang nakakilala kay Luis kung gaano ito kabait at marespeto.

Sa usaping pera ay talagang wala kang maririnig na siya ay nagpasasa.

Maganda ang image ng anak ni Edu Manzano, kaya marami ang nagtiwala sa kaniya, lalo na pagdating sa endorsements.

– ni Wendell Alvarez (Guest Columnist)


Maganda at magaling na aktres, bad breath?

NANG mabasa ng isang kilalang personalidad ang kuwento ng pagkakaroon ng bad breath ng isang magaling na aktor kahapon ay kinambalan nito ng female version ang nasabing blind item.

Ang kaniyang kuwento, “Pabahuan ba ng hinihinga ang pinaglalabanan dito? Eh, hindi magpapatalo sa kaniya ang sobrang bantot ng hininga ng isang maganda at magaling na aktres! Aysus, hindi lang amoy imburnal ang hininga niya, parang may nagtapal ng echas sa mismong tungki ng ilong mo!

“No exags, totoong-totoo ito. Noong minsang makaeksena ko siya, eh, parang gusto ko nang magpakamatay! Grabe! Parang nanggagaling ‘yun sa bitukang nabubulok na sa baho!

“Sayang, ang galing-galing pa naman niyang umarte, ang ganda rin niya, pero kapag nagbuka na siya ng bibig, patay kang bata ka! Maghanap ka na ng pagtataguan mo!” kuwento ng aming kausap.

Isang kasamahan naman naming reporter ang nagkuwento, “Nagkita kami noong minsan sa lobby ng isang five-star hotel. Nilapitan ko siya, nagkumusathan kami. Pero put*#@&; na! Amoy na amoy ko ang mabaho niyang hininga!

“‘Yung ganda ng lobby ng five-star hotel, parang hindi ko na makita dahil para akong nahilo! Masuka-suka ako, kaya ang sabi ko sa kaniya, eh, dumating na ang ka-meeting ko!” paaksiyun-aksiyon pang kuwento ng aming kasamahan sa trabaho.

Mismong mga doktor na ang nagsasabi na ang pag-inom ng slimming pills ay kadalasang nagkakaroon ng epekto sa bituka ng gumagamit. Nagkakaroon sila ng halitosis, bumabaho ang kanilang hininga, tulad ng maganda at magaling na aktres na ito na napapanood natin ngayon gabi-gabi sa isang serye.