Published on

Charice: The Interview

LISTEN TO THE COMPLETE
INTERVIEW WITH CHARICE

 

 

ChariceCharice on her self-titled album

PE: How were the songs chosen for your debut album?

Charice: Noong time na nagde-decision pa kami [ni David Foster, executive producer] tungkol sa album, siyempre, yung Oprah audience is medyo older, di ba? Kaya ang mga kinakanta ko [noon] ay Bodyguard medley, mga I Will Always Love You. So itong album na ‘to, gusto naming ma-reach ‘yung younger [fans], like mga Mylie Cyrus fans, Justin Beiber fan. So itong album na ‘to, it’s actually more on pop R&B. ‘Yon po talaga ang pinili namin from the younger song writers.

PE: Did they present to you a list of songs? Paano at sino ang pumili ng mga kanta paras a iyong album?

Charice: Actually, tulong-tulong kaming pumili – kami ni Mommy, tapos si sir David [at] yung kapatid [niya] pumili din. Originally, sinend nila sa amin 20 songs at ang napili namin ay 12 to 14 songs.

PE: ‘Yung song na Reset, may Tagalog lyrics ‘yon. Whose idea was that?

Charice: Ako po. I actually co-wrote the song, kasi, siyempre, alam po naman natin na madami talaga ang mga Pilipino. Siyempre, importante talaga na kahit na maliit na section lang, at least, naaalala pa rin na mayroon Filipino language, which sabi nga nila na medyo mas “cool” daw at rap [pa].

PE: Do you have a favourite song on this album? Does one of the songs have any special significance for you?

Charice: Well, right now, medyo na-addict kami ni Mommy sa All That I Need. Kasi, ang ganda po ng lyrics at halos lahat makaka-relate. Medyo sad ‘yung song pero talagang maganda.

charicePE: Who wrote that song?

Charice: Carole Bayer Sager. Siya po ang nagsulat ng The Prayer and That’s What Friends Are For.

PE: Where did you record the album?

Charice: Mostly sa L.A. [pero nag-record din sa] New York, Las Vegas…

PE: How long did it take?

Charice: Almost one and a half years.

PE: How does recording in a studio compare to performing live for you?

Charice: For me, mas mahirap talaga pag sa studio kasi, ang lalaking producers ang nasa harap mo. At parang mas close na naririnig yung voice n’yo. Tapos, siyempre kailangang iparinig na your voice is deserving para sa song na iyon. So talagang napaka-intense, unlike pag nagper-perform po [ako ng] live, magpe-perform ka lang kahit anong gawin mo. So mas mahirap talaga sa studio.

PE: Marami ka nang narating. Do find any difference between performing live before a Filipino audience and a non-Filipino audience?

Charice: Mas kinakabahan ako pag nagpe-perform ako sa harap ng mga Filipinos. Kasi, siyempre, kapwa Pilipino ko, and parang kinakabahan [ako] kung magugustuhan ba nila but very happy naman ako na lagi silang nandiyan every time I perform.

PE: Does that mean you find na mas appreciative yung hindi nating kababayan?

Charice: Actually, halos pareho lang kasi pagka nagpe-peform ako ang reaction nila at yung reaction din ng mga ibang lahi pareho pero, for me, iba talaga ang suporta ng mga Filipinos.

PE: Pero doon ka mas kinakabahan.

Charice: Oo, mas kinakabahan [laughs].

PE: Are you going on a concert tour to promote this album?

Charice,  Iyaz, David FosterCharice: Nagpaplano pa rin kami kasi magkakaroon din ng David Foster and Friends ulit pero sa Asia. Siyempre, I have to be there but we’re planing to do a tour para naman sa album ko.

PE: Kailan ang start ng tour mo?

Charice: Sa Philippines, around the middle of October. Pero yung Asia tour [ni David Foster] mag-start sa July.

PE: So, do you have a house now in the States or do just stay in hotels?

Charice: Wala po kasi, talagang parang two days lang dito tapos lipad na naman sa kabila, lipad sa iba.

PE: Do you plan to settle outside of the Philippines?

Charice: Nakabili kami ng bahay sa Philippines … sa Tagaytay, kaya, siyempre, doon pa rin.

PE: Where do you spend most of the time these days, Charice?

Charice: L.A.

Charice on her vocal training

PE: Let’s go to your beautiful voice. How do you take care of your voice? Are you getting professional vocal training?

Charice: Actually, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng vocal coach. Kasi siyempre, si Mommy lang ang naging vocal coach ko nang matagal. Pop ang genre ko and R&B pero ang kinuha nila para sa akin is a Broadway vocal coach kasi parang lahat na nandoon – diction, yung mga expressions and all that.

PE: Ano ang pangalan ng vocal coach mo?

Charice: Eric Vetro. Siya ang nagtuturo sa mga Broadway stars like Hugh Jackman, Anne Hathaway, the Highschool Musical cast.

PE: How do you work your training into your busy schedule? Is it every day?

Charice: Almost every day.

PE: So, kasama mo siya maski saan ka magpunta?

Charice: Hindi naman. Minsan ang pinaka-cool talaga na ginagawa namin ay on line. Nagii-Skype kami pag hindi siya makasama.

Charice and her relationship with famous people

Charice,  Justin Bieber, Oprah WinfreyPE: Tell us about your relationship with the celebrities you have met. How is your relationship with Oprah?

Charice: Very happy naman ako na talagang nandoon pa rin siya – from the very beginning hanggang ngayon, involved pa rin siya. Advisor ko siya. Siya ang nagsasabing, “Hindi, huwag ‘to, o ito gawin n’yo.” So, laging involved pa rin siya sa lahat ng nagyayari sa akin.

PE: So, she’s a friend na puwede mong tawagan pagka mayroon kang gusto itanong, ganoon?

Charice: [Laughing] Siguro po.

PE: What about David Foster? Ganoon din?

Charice: Oh, si David Foster? Ninong ko po ‘yan, eh. Kasi magkakaroon ako ng baptism sa Philippines at binigyan ko sila ng invitation – si Miss Oprah, ‘yung executive producer ng Oprah Winfrey Show, … pati si sir David. Tuwang-tuwa sila.

PE: Ano ang tawag mo kay Oprah? Ninang?

Charice: Hindi po. Ayaw niyang tinatawag nang [ganoon]. Kasi, una kong tawag sa kaniya, “Miss Oprah” … pero sabi niya tawag ko lang daw sa kaniya, “Oprah” lang daw.

PE: What about David? OK lang siyang tawaging “Ninong”?

Charice: [Laughs] OK lang sa kaniya kasi alam niyang tawag ko kay Micheal Bublé, “Ninong.” So, narinig na niya iyon pero, siyempre … tawag ko lang sa kaniya, “David”. Ganoon lang.

PE: Sinu-sino pa ang mga ninong at ninang?

Charice: Oh, madami. Sa Philippines, sila Ms Kris Aquino si Tito Boy Abunda … lahat ng nakatulong sa akin, magiging godfather at saka godmother.

PE: Kailan gagawin ito?

Charice: May 22.

PE: Do you still have contact with Ellen DeGeneres?

Charice: Nagkakaroon [pa rin] ako ng contact with her [pero] wala pa akong schedule kung kailan ako puwedeng mapunta sa show niya.

PE: Si Justin Timberlake…?

Charice: [Laughs] Ah, na-meet ko siya last year. Napakabait siya.

PE: What about the fan who first put your performance on YouTube noong araw? Do you still have contact with him?

Charice: Actually, umpisa pa lang naman, hinanap ko na siya, so … magkakilala kami.

PE: Ano ba talaga ang pangalan niya?

Charice: Dave Dueñas. Nasa Philipines siya ngayon. Medyo busy siya kasi kaka-graduate lang niya [ng] Nursing.

PE: Mayroon pa ba kayong contact kay Willie Revillame sa atin?

Charice: Oo, pag umuuwi ako. Nakakapag-guest pa rin ako sa show nila. Then pagka mayroon naman tour, pupunta ako… pero ngayon, concentrate muna ako sa album ko.

Charice on her personal life

Charice's  home in TagaytayPE: Congratulations on your 18th birthday on May 10. Did you have a debut in the Philippines?

Charice: Thank you po. Ang plan lang namin sa Philippines, magse-celebrate ako ng birthday with the underprivileged children.

PE: Any date set for that?

Charice: May 22 rin, sabay ng binyag.

PE: So, kailan ang uwi mo sa Pilipinas?

Charice: Siguro around [May] 21 kasi mga three days lang kami sa Philippines. Gagawin ‘yon, tapos fly na ako ng Japan then L.A na ulit.

PE: Then you also have a concert in Toronto, di ba? [Eaton Centre]

Charice: Opo, sa June 4.

PE: Now let’s get very personal. Mayroon ka na bang steady boyfriend?

Charice: Wala po! [laughs]

PE: Do you have a crush?

Charice: J.T. [Justin Timberlake] po.

PE: What do you do to relax? What do you enjoy doing most during your free time?

Charice: On line lang, talking to fans, gano’n lang. Naglalaro pa rin naman ako … on line.

PE: Ano ang favourite games mo?

Charice: Naku po, eh, brutal ako maglaro… [laughs]. ‘Yung mga on line games … na nilalaro usually ng mga kabataan.

PE: Ano ang favourite song mo ngayon, other than your own songs?

Charice: ‘Yung mga bagong songs ngayon like mga B.O.B., Justin Bieber, Mylie Cyrus…

PE: Kasama mo si Justin Bieber noong May 11 sa Oprah Winfrey Show. What was he like?

Charice: Mabait siya, mabait. Nagpunta siya sa dressing room … at nagpakilala pa siya.

PE: Isang question ko: How is your name pronounced now?

Charice: Charice, parang S-H.

Charice on her blooming career

PE: Back to your career. What direction do you want to take for your career?

Charice: Dream ko talaga ang makakanta ng pop/R&B … As an 18-year-old, ‘yun talaga ang genre. Siyempre, gusto ko pa rin ‘yung mga ballad. Gusto ko rin mag-try ng iba pang genre, like jazz and Broadway, mga ganiyan.

PE: So, Charice, is it possible that you might be able to have a live concert again in Winnipeg, some day?

Charice: Oo possible, siguro pag nag-start na ako ng tour.

Charice’s message to her fans

PE: Any special message for your fans, Charice?

Charice: Thank you sa support and sana ipagpatuloy [ng mga fans] ‘yung support na ibinibigay nila – huwag nilang kakalimutan kumuha ng album ko. Especially sa mga Filipinos, maraming maraming salamat po kasi kahit saan ako magpunta, talagang hindi nawawalan ng mga Filipinos na nananood at sumusuporta. Salamat po.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Charice CD advertisment