Published on

Write On! by Lucille NolascoGaya gaya – kayang kaya!

ni Lucille Nolasco

Kaya mo ba’ng gayahin si ka Freddie Aguilar? Si Aiza Seguerra? Si Yeng Constantino kaya? How about Elvis Presley or Michael Jackson? Lady Gaga kaya or Adele? Narito na ang pagkakataon mong magpakitang-gilas at manalo ng malalaking premyo!

May kasabihan nga na magaling manggaya ang Pinoy. At huwag naman nating mamasamain lalo na at kung ito ay para sa pagpapasaya ng kapuwa.

Una sa Manitoba

Hatid ng DRL Productions, sa pakikipagtulungan ng media partners na Pilipino Express News Magazine at CKJS 810 Radio, ang kauna-unahang Double Double: Gaya Mo ‘To, Panalo! talent contest.

Bukas sa lahat ng amateur Filipino-Canadian singer impersonators sa Manitoba. Tinatawagan ang lahat ng kababayang may lahing Pinoy na magpakitang-gilas sa panggagaya sa paborito ninyong artists! Mapa-local man or international, puwede!

Kailangan lang magpa-register para makasali sa live open audition na gaganapin sa March 17, 2018, araw ng Sabado, sa 1045 Erin Street sa Winnipeg.

Paghandaan ang pagsali

Sa gagawing open audition sa March 17 ay pipili ang DRL selection committee ng sampung contestants na ia-announce sa March 31, 2018. Ipapakita at ipaparinig ng mga ito ang kanilang talent sa panggagaya sa finals night on May 19, 2018! Gaganapin ang Double Double: Gaya Mo ‘To, Panalo! finals sa Jubilee Place Concert Hall sa Winnipeg.

Exciting prizes to be won!

Bukod sa maipapakita ang natatanging galing sa panggagaya, mananalo pa ng malaking cash prizes at iba pang premyo ang Top 3 contestants!

Sa tulong ng ating panel of judges, ang grand prize winner ay mananalo ng $700 cash plus other awesome prizes. And the bragging rights for being the first-ever Double Double: Gaya Mo ‘To, Panalo! champion!

Lahat ng Top 10 finalists ay bibigyan rin ng premyo, at mayroon ring special awards na aabangan!

Pati pamilya at mga kaibigan, mananalo rin!

Masisiyahan na, mananalo pa! Pati manonood na mga kapamilya at barkada, may tsansang manalo ng samutsaring premyo sa finals night. Kaya huwag bibitawan ang ticket at baka ikaw ang suwertehin!

Promoting and giving back to the community

Sa paghahatid ng Double Double: Gaya Mo ‘To, Panalo! nais ng DRL Productions na maipakita ang galing at talent ng mga Pinoy. Sabay rito ang paghahatid ng tuwa at galak sa mga manonood, and to give back to the community. Bahagi ng kikitain sa event ay ihahandog sa Building A New Church project ng St. Peter’s Church, 748 Keewatin Street.

Halina, sumali at suportahan ang kauna-unahang Double Double: Gaya Mo ‘To, Panalo! Masisiyahan na, mananalo, at makakatulong pa!

Para sa karagdagang impormasyon, mag-email sa akin, Lucille Nolasco, sa lucillern@gmail.com Mabuhay!

Lucille Nolasco is an announcer and creative writer at CKJS Radio 810 AM in Winnipeg. She hosts Afternoon Pasada, Monday through Friday, from 3:00 p.m. to 7:00 p.m. She is an ardent believer that “health is wealth” and she is a certified Zumba instructor. You can send your message or comments to Lucille at lucillern@gmail.com.

DD STAR

Have a comment on this article? Send us your feedback