Published on

    Fuel filter

Ang fuel filter ay matatagpuan sa may fuel line ng sasakyan. Ang pang-unahing tungkulin nito ay salain o i-filter ang mga dumi tulad ng mga kalawang na nanggagaling sa fuel tank. Ito ay matatagpuan sa may engine compartment o di kaya ay sa ilalim ng sasakyan, malapit o sa loob ng fuel tank ng sasakyan.

Kapag ang fuel ay hindi nasala o na-filter, ito ay papasok sa fuel system ng sasakyan na may mga halong contaminants tulad halimbawa ng paint chips o duming nakakapasok sa tangke ng gasolina habang nagpapakarga ng gasolina. Maaari rin itong may halong kalawang na nagmula sa moisture sa tangke kapag laging halos empty ang tangke. Kapag ang mga contaminants na ito ay hindi nasala at pumasok sa fuel system ng sasakyan, magkakaroon ng mabilis na pagkasira o rapid wear at pati na failure ng fuel pump at fuel injectors ng sasakyan.

Ang fuel filter ay kinakailangan ding regular na pinapalitan upang mapanatili ang optimum performance ng makina. Karaniwang pinapalitan ito tuwing nagpapa-tune up ng sasakyan. Karamihan sa makabagong sasakyan ang fuel filter ay hindi serviceable o hindi kinakailangang palitan, maliban na lamang kung magpapalit ng fuel pump dahil ito ay nasa loob ng tank.

Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.

Have a comment on this article? Send us your feedback