
Opinions
![]() |
Mga sagot sa automotive quiz |
Narito ang mga kasagutan sa nakaraang Automotive Quiz na ating inilabas noong nakaraang Disyembre, kasama ng ilang explanation kung bakit.
Tanong #1
Tuwing kailan kailangan ipa-check ang oxygen sensor?
a) Kada-tune-up
b) kada 50,000 kms
c) Kada 100,000 kms
d) hindi kailangan
Paliwanag:
Ang makabagong pagtu-tune-up ng comprehensive ay isinasama ang pagpapalit ng oxygen sensor. Hindi na hinihintay ang pagkakaroon ng check engine light. Mas magiging maganda ang performance ng engine kapag name-maintain ang oxygen sensor. Maliban sa nababawasan ang paglalabas ng harmful emissions, nakakatipid pa ng halos 10% sa taunang fuel cost kapag regular na napapalitan ang oxygen sensor ng sasakyan.
Tanong #2
Ang recommended na tire depth ay 3mm. Kapag ang goma ninyo ay 1.6mm na lamang ang tire depth, ang inyong braking distance ay nadaragdagan ng _______%
a) 25%
b) 50%
c) 60%
d) 35%
Tanong #3
Anong component ng sasakyan ang dapat na ipa-check tuwing ikatlong buwan o di kaya ay tuwing kukunsumo ng 5,000 kms?
a) Spark plugs at wire set
b) Gulong, windshield at power locks
c) Engine Oil, Filter at tire Inflation
Tanong #4
Tuwing kailan dapat palitan ang wiper blades?
a) Kada taon
b) tuwing ika-6 na buwan
c) Kada-ikalawang taon
Paliwanag:
Depende sa gamit at sa condition ng panahon, pangkaraniwang nire-rekomenda ang pagpapalit ng wiper blades tuwing ika-6 na buwan o di kaya ay the soonest na magkaroon ng pagpalya o pag-streak ang wiper blades.
Tanong #5
Kailan dapat palitan ng winter tires ang inyong mga gulong?
a) Kapag nagbelow 0º degrees Celsius ang temperature
b) Kapag nagmamaneho sa mga mountain roads
c) Kapag bumaba sa 7º degrees Celsius ang temperature
Paliwanag:
Kapag ang temperature ay 7º degrees C, ang pangkaraniwang gulong ay nawawala ang tinatawag na elasticity kaya ang kapit ng gulong ay nababawasan. Samantalang ang winter tire compounds ay kumakapit ng mas maige kapag mababa ang temperatura.
Tanong #6
Kapag nagbawas ng 10% na bigat sa sasakyan, makakatipid ng gas ng _______%
a) 5 – 7%
b) 10-15%
c) 25-30%
Paliwanag:
Kapag may karagdagang bigat ang sasakyan gawa ng mga nakakargang gamit na di naman kailangan, mas kailangan ng puwersa o
lakas upang mapatakbo ang sasakyan. Ibig sabihin nito ay karagdagang gasoline ang kailangang gamitin.
Tanong #7
Ang isang litro ng gasolina ay nagpo-produce ng gaano kadaming Carbon Monoxide?
a) 1.5 Kg
b) 2.4 kg
c) 3.6kg
Tanong #8
Kung nagpakarga ka ng $50.00 worth na gas, subalit ang iyong fuel filter ay clogged o barado, alin sa mga sumusunod ang mangyayari?
a) I-ilaw ang inyong check engine light
b) $5.00 or 10% ng ikinarga mong gas ay masasayang
c) $15.00 or 30% ng ikinarga mong gas ay masasayang
Tanong #9
Kapag ang inyong gulong ay under inflated, lalakas ang iyong konsumo ng gas ng________
a) 10%
b) 15%
c) 30%
Tanong #10
Ang ilang tell-tale signs na may diperensiya ang inyong steering at suspension components ay:
a) Parang pigil ang takbo ng sasakyan
b) Di pantay na kain ng gulong at matalbog na ride
c) May matinis na tunog kapag tumatapak sa preno
Para po sa mga nagpadala ng kasagutan, marami pong salamat. Subalit wala pong nakakuha ng 100% na tamang kasagutan. Ang nakakuha ng may pinakamataas na score ay tatanggap ng libreng Regular Oil Change mula po sa AutoHann. At ito po ay tatanggapin ni Noel Cornelio ng Toronto Street, Winnipeg. Congratulations, Noel Cornelio!