
Opinions
![]() | Ano ang alam mo sa iyong gulong? |
Alam mo bang may expiration ang mga gulong? Tumpak! Huwag kang mag-alala dahil bibihira ang nakakaalam talaga nito. Bibigyan din natin ng kaunting paliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga numbers na ating nakikita sa ating mga gulong.
Ang mga gulong ay nag-e-expire four years magmula ng ito ay i-manufacture. Subalit paano natin ito malalaman? Tulad din sa mga pagkain na ating binibili, may apat na numero na nakatatak sa ating gulong na nagsasaad kung pang-ilang linggo ng taon na nakasaad ito ginawa.
Makikita sa ating illustration na nakatatak na “5005” ibig sabihin nito ay ginawa ang gulong na ito noong ika-50 week ng 2005 kaya mage-expire ang gulong na ito sa ika-50 week ng 2009.
Makakatulong sa ating kaligtasan na maging practice natin ang mag-check ng expiration ng ating mga gulong. Ang mga expired na gulong ay maaaring pumutok at magdulot ng fatal accident sa daan.
Sa illustration, makikita natin na ang maximum psi (pressure per square inch) ay 44 lbs. Ibig sabihin, hindi maaaring i-inflate ang gulong na ito nang higit sa 44 lbs. Maaaring i-inflate ang gulong na ito nang mas mababa nang bahagya sa 44 lbs.
Marami sa atin kapag bumibili ng gulong, kapag tinanong tayo ng size, ang sinasabi lamang natin ay kung 14, 15, 17 or 18, subalit upang makuha ang tamang size ng gulong, kinakailangan na makuha natin ang height at profile ng gulong na specified para sa ating sasakyan.
“P195/75 R14” Ang ibig sabihin ng “P” ay passenger; “195” ay ang tire width in millimeters; “75” ay ang Aspect Ratio – Height to Width of Tire; “R” for radial; “14” ay ang size ng gulong;
Kahilera ng size ng gulong, may makikita tayong dalawang numero na may kasunod na letra, ito ang tinatawag na load index/speed rating ng gulong. Ang load index ng gulong ay ang nagsasabi kung ano ang load carraying capacity ng gulong. Halimbawa, sa ating illustration, ang load index ay 92, batay sa load carrying capacity chart na pangkaraniwang ginagamit. Ang gulong na ito ay kayang magkarga ng maximum 1,389 lbs o 630 kilograms na load.
Ang speed rating ay ang kakayahan ng gulong na ma-withstand ang certain speed na nakatakda dito. Sa ating illustration, makikita na ang speed rating ay “S”, ang rating na ito ay may kakayahan na tumakbo ng 112 miles per hour or 180 kilometers per hour. Ating tandaan na huwag na huwag paghahaluin o “mix and match” ang iba’t ibang speed ratings ng gulong sa inyong sasakyan. Ito ay magdudulot ng malubhang problema sa handling ng inyong sasakyan. Hindi rin advisable na magdownsize sa speed rating subalit kung mag-a-upgrade ka ay magiging mainam sa handling ng inyong sasakyan. Ibig sabihin ay mas maganda ang handling capability ng sasakyan kapag lumiliko kung mataas ang speed rating.
Makikita rin natin sa gulong ang tinatawag na termperature resistance o kakayahan ng gulong na magresist ng init. Ito ay nasusukat mula highest to lowest – “A” “B” at “C”. Sa ating illustration, makikita na ang temperature resistance grade ay “B”.
Ang traction grade ay ang abilidad ng goma na tumigil sa basang daan. Kapag mataas ang grade ng gulong, ibig sabihin ay titigil ito sa basang daan kahit sa maiksing distansya lamang kumpara sa gulong na may mababang traction grade.
Sa illustration, ang traction grade ay “A”, ibig sabihin ay may magandang kapit ang gulong na ito sa basang daan kumpara sa grade B at C.
Ang treadwear rate ay ang rate kung gaano kabilis na nakakalbo ang gulong. Mas mataas ang treadwear, mas matagal na ma-wear out ang goma. Kung ang basic na gulong ay may treadwear na 200, ang gulong sa ating illustration ay may kakayahan na tumakbo ng dalawang doble kumpara sa basic na gulong bago ito makalbo.
Sa susunod na pagbili natin ng gulong, ating gamitin ang mga nasabing gabay upang ating ma-maximize ang paggamit at masigurong naaayon sa specification ng ating sasakyan.
Sana ay muling nakapulutan ng dagdag na kaalaman ang ating naging paksa. Hanggang sa muli.