Published on

Usapang Auto       Vehicle owners' right to repair bill (C-273)

 

 

 

Ang ating topic ngayon ay medyo lalayo muna tungkol sa mga sasakyan. Tatalakayin natin ang ating karapatan bilang may-ari ng sasakyan at ang ating karapatan at kalayaan na magpagawa kung saan natin gusto.

Marahil ay marami sa atin ang di nakakaalam na mayroong Bill o batas na ipinapasa sa Parliament ngayong linggong ito. Ito ay ang Bill C-273 o ang tinatawag na Vehicle Owner’s Right to Repair Bill. Ano ba ito? Ano ang implikasyon nito sa motoristang katulad natin? Ano ang epekto nito sa mga independent repairers, repair shops at maging ang mga mekaniko. Bakit kailangang maging involved sa Bill na ito?

Ang mga higanteng automotive manufacturers ay nagsasagawa ng collective efforts upang malimitahan ang access sa mga tools, training at diagnostic and repair software or information sa mga independent repairers. Ang karamihan ng lehitimong mga repair shops ay bumabayad ng subscription sa mga repair information companies tulad ng Alldata at Mitchell1 upang magkaroon ng access sa mga wiring diagrams, repair procedures, TSBs (Technical Service Bulletins) at nang makapagsagawa ng accurate na pagre-repair ng mga sasakyan. Mas bago ang sasakyan ay mas nangangailangan ng mga sophisticated na tools and equipment, updated working knowledge ng technicians at OEM na mga piyesa.

Ang collective efforts ng mga manufacturers na ito ay isinasagawa upang ang lahat halos ng mga sasakyan ay pumunta lamang sa mga dealers. Ito ay isang maliwanag na anti-competitive undertaking na isinasagawa ng mga dealers. Traditionally, alam naman natin na ang mga independent aftermarket installers at repairers ay mas nakapagbibigay ng cost effective na alternatibo sa mga repair services. Maging ang bilang ng mga independent repairers ay higit na nakalalamang kaysa sa mga dealerships. Ang move na ito ng mga manufacturers ng pagho-hold ng repair information ay nagdudulot ng considerable risk sa mga car owners sa kadahilanan na mapipilitan silang magbayad ng malaki at maging ang pagdi-deal sa inconvenience na idudulot ng ganitong set-up.

Sa ngayon nga na maraming independent repairers ay hindi pa ma-accommodate nang ayos ng mga dealers ang repair demands ng mga car owners. What more kapag sinolo na nila. Ang isa pang consideration ay ang napipintong pagsasara ng 300 plus na dealerships across Canada dahil na rin sa ating present economic crisis. Masayadong nalilimata ang options ng mga car owners sa ganitong set-up.

Ang move na ito ay maaapektuhan rin ang mga aftermarket automotive parts producers and distributors. Kung ngayon na may options ang mga car owners kapag nagpapagawa ng sasakyan – kung, economy, middle of the road o kaya ay premium depende sa pangangailangan, budget at plano sa sasakyan – kapag naipasa ang Bill na ito, ang mga car owners ay limited lamang sa OEM parts na galing sa mga dealers. Ang implikasyon ay mas maraming tao na nakapaloob sa distribution chain ang mawawalan ng hanap-buhay.

Ang pag-apila laban sa Bill na ito ay malawakan. Ito ay pinangungunahan ng Automotive Industries Association of Canada (AIA). Ito ay isang national trade association na kumakatawan sa automotive aftermarket industry sa Canada. Ito ay $16.1 billion na industriya na nagbibigay ng hanap-buhay sa mahigit na 220,000 na Canadians at residente ng bansa. Kasama sa industriyang ito ay ang mga nagma-manufacture, nagdi-distribute at nag-i-install ng mga replacement parts, accessories, tools at equipment.

Kaya, ang tanong ay “Ano ang ating magagawa?” Bilang car owner, karapatan mo kabayan na magkaroon ng freedom of choice kung saan mo ibig i-maintain, i-pagawa ang sira ng iyong sasakyan nang naaayon sa iyong financial capability. Ang pagkakaroon ng concern sa issue na ito ay makakatulong di lamang sa pansarili kundi sa pangkalahatan na kapakanan ng aftermarket industry ng automotive. Bilang constituent ng ating local government, ang pagpapa-alam sa ating MP ng ating mga concerns tulad nito ay makakatulong nang malaki upang ang ating gobyerno ay magkaroon ng intelligent decision-making sa pagpasa ng nasabing Bill.

Kung kayo ay may access sa computer, bisitahin po ang www.righttorepair.ca at i-click ang “Take Action” link sa kaliwang bahagi ng screen. I-click ang “Contact Your MP”, i-type ang inyong postal code para malaman kung sino ang inyong MP.

Kung nais ninyo ng mas malawakan na discussion tungkol sa topic na ito ay bumisita sa website www.righttorepair.ca.

Have a comment on this article? Send us your feedback