
Opinions
![]() | Ang mga dapat alamin sa safety inspection |
Nalalapit na naman ang summer, marami na naman ang magbebenta at bibili ng sasakyan. Siyempre pa, kakailanganin ang pagsasailalim sa tinatawag na Safety Inspection upang mailipat ng pangalan ang pag-aari ng sasakyan. Kung ikaw ay magbebenta o dili kaya ay bibili, anu-ano nga ba ang dapat nating isa-alang alang upang pumasa sa Safety Inspection ang isang sasakyan?
Paano ba malalaman na safetied ang isang sasakyan. Kinakailangan na ito ay suportado ng lehitimong Safety Certificate at hindi yung Safety Certificate na “Raon Style” baga. Dahil dito nakasalalay ang pagiging “safe” o ligtas ng sasakyan na binibili o ibinebenta.
Anu-ano ba ang nasasaad sa Safety Certificate na ito? Halos lahat ng bagay sa ating sasakyan ay parte ng safety maliban lamang sa ating makina at transmission. Tama po ang aking binanggit sa inyo ang dalawang bagay na nagpapatakbo sa ating sasakyan ay hindi kasama sa safety inspection. Hanggat ito ay umaandar at tumatakbo kahit na ito ay may problema sa tulo ng fluid ng transmission o kaya ay tulo ng langis ng makina ay possible pa rin na pumasa ng safety.
Kung nakailaw ang check engine light at air bag light, ito ay inilalagay lang as an advisement o noted lang, pero hindi puwedeng ibagsak sa mga bagay na ito. Nakasaad sa table ang ilan sa mga bahagi ng sasakyan na kasama sa safety at ang mga bagay na karaniwang ikinababagsak nito.
Medyo marami, ‘di ba? Kung ang problema ng sasakyan natin ay nakatala dito, mangyari na magdalawang isip muna bago ipasafety ito at siguradong hindi papasa.
Kailangang isa-isahin ang ating mga sasakyan sa kadahilanan na kinakailangan na masigurong ligtas ang sasakyan na inyong ibebenta o bibilin. Ito ay hindi lamang para sa pansariling kaligtasan o kaligtasan ng bumibili, kundi para sa kaligtasan ng general public na maaaring malagay sa piligro sa kalsada kung hindi ligtas ang ating mga sasakyan.
Para sa mga nagbebenta ng sasakyan, maliban sa kagustuhan nating magkaroon ng extrang pera, kalakip nito ang tinatawag na “social responsibility” sa ating kapuwa. Kaya’t makabubuti na siguraduhing ligtas ang ipapasang sasakyan. Marahil ay hindi rin natin gugustuhin na makabili ng sasakyang hindi talaga ligtas na maaaring makapaglagay sa panganib sa buhay natin o di kaya ng mga mahal natin sa buhay.
Have a comment on this article? Send us your feedback