
Opinions
![]() |
Engine performance |
![]() |
Pag-usapan naman natin ang engine performance, o kung paano nagtatrabaho ang makina. Ano nga ba o paano nga ba nagtatrabaho ang ating mga makina? Maganda ba o hindi up-to-par ang performance nito? Paano natin malalaman na ang ating mga sasakyan ay nakapaglilingkod sa atin nang maayos. Bagamat ang bawat sasakyan sa ating panahon ngayon ay nag-ooperate sa pamamagitan ng computer, hindi ibig sabihin nito na wala na tayong dapat pang gawin. Tayo pa rin, bilang may ari ng sasakyan, ang panginoon nito. Ang ibig kong sabihin ay nakasalalay sa atin ang ikagaganda at ikatatagal ng buhay nito. Ano ba talaga ang dapat nating gawin? Unang una siyempre ay ang tamang maintenance nito. Napakasimple nito. Tingnan ang ating maintenance book o user manual kung mayroon kayo o mag-download naman sa Internet kung wala kayo nito. Napaka-importante ninyong malaman kung kailan ba dapat palitan ang langis ng ating sasakyan. Kasama dito ang transmission fluid, coolant, power steering fluid, differential fluid at ang brake fluid. Brake fluid ay kasama sa dapat ninyong palitan sa takdang numero ng kilometraheng tinatakbo. Ang maintainance na ito ay may malaking partisipasyon ng magandang performance ng makina. Ang mga bumubuo ng paggana ng makina, mapaganda o pangit man – mechanical, electrical, fuel at emission – ating himayin: MechanicalLahat ng bagay na gumagalaw at bumubuo sa ating makina ay ang mechanical – piston, balbula, segunyal at iba pa. Ang lahat ng ito ang siyang gumagalaw upang paandarin ang ating sasakyan. ElectricalPaano naman ito aandar? Diyan naman papasok ang electricalna siya namang sumusunog sa gasoline. Anu-anong parte ng electrical ang mga kasangkot dito?
FuelGasolina siyempre, kung wala nito, walang susunugin. Pump– Kailangan ang pump ay may tamang lakas upang itulak ang gasoline mula sa tanke papuntang linya dadaan sa filter papunta sa regulator ng pressure at papunta sa injector o carburator papasok ng makina. Siguraduhing malinis ang filter at inyong injector upang maganda ang performance nito. Injector cleaner ang maimumungkahi namin. EmmissionSa side naman ng emission, pumapasok na ang exhaust o ang ating tambutso. Ang salitang ito ang medyo magpapalawig siguro ng ating kaalaman sa performance. Kasangkot na dito ang iba’t ibang sensors na makikita natin sa ating mga makina. Ang bawat sensor na nasa makina ay kabilang sa engine performance – egr, map, maf, iat, iac, af, ect, tps, o2 at ho2 sensors. Ang lahat ng mga sensor na aking nabanggit ay may kaniya-kaniyang ginagampanan upang masiguro na ang pagkakatimpla ng tamang gasoline at hangin ay maayos. Kadalasan na ating pinagwawalang bahala ay ang may problemang oxygen sensor. Ito ang bantay sa natapos na pangyayari sa loob ng makina. Ito ang nagrereport sa computer kung rich o matapang at lean o matabang ang halo ng gas at hangin. At ang computer naman ang nag-aadjust nito para mabalanse. Karaniwan ng sirang oxygen sensor ay malakas na konsumo ng gas at matapang na amoy ng exhaust at possible ring ikasira ng catalytic converter na ubod naman ng mahal. Isa pang oxygen sensor ay sa likod o pagkatapos ng catalytic converter na siya namang nagbabantay ng performance ng converter kung ito ba ay gumagana nang maayos upang linisin ang masamang hangin galing sa makina. Ang catalytic converter ay nagfi-filter o nagko-convert ng masamang hangin sa hindi napakasamang hangin. Tandaan nating lahat na ang ating sasakyan ay nagseserbisyo sa atin. Kailangan natin ito kaya alagaan natin. Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic. |