
Opinions
![]() |
Kung ikaw ay nabangga, ano ang iyong gagawin? |
![]() |
Alam mo ba kung ano ang gagawin mo kapag ang sasakyan mo ay naaksidente? Maliban sa nakangangatog na pakiramdam matapos na mabangga sa isa pang sasakyan, ang pagkaka-confuse kung ano ang dapat gawin ay lalo pang nakakadagdag ng anxiety o ng stress sa sitwasyon. Ang mga sumusunod na tips ay pawang galing sa website ng Manitoba Public Insurance (MPI) na halos hindi nabibisita ng karamihan sa atin. Minabuti ko na isa-isahin ang mga ito dito sa ating column upang maintindihan ng karamihan dahil ito ay nasa ating lenguahe. Bago natin ilatag ang mga ito, kung mayroon mang pagkaka-iba sa interpretasyon, ang laman ng website ng MPI ay ang mananaig na interpretasyon. 1. Unang-una, kapag naaksidente sa kalye, alamin kung may nasaktan sa mga kasama. Kung wala naman at maging ikaw na nagmamaneho ay hindi naman napaano, bumaba at kausapin ang nakabangga. Maging mahinahon at huwag kaagad magalit dahil, magalit man ay wala nang magagawa dahil nangyari na ang aksidente. Siguraduhin na magkaroon ng pagpapalitan ng information (license plate number, anong klaseng sasakyan, pangalan at contact number ng kabanggaan, license number). 2. Kung may mga witnesses sa paligid ay mas maige upang magkaroon ng validation ang MPI kung sakaling kakailanganin nito sa pag-a-assess ng collision. Hingin ang kanilang pangalan at contact number upang maibigay sa MPI kung kakailanganin. Kung may dala kang camera, mas mabuting kuhanan ang puwesto ng banggaan para sa mas objective na assessment ng MPI. 3. Matapos ang pagpapalitan ng information, ang susunod na kailangan gawin ay alamin kung drivable o hindi ang sasakyan. Kung hindi drivable, ay maaaring tawagan ang numerong 985-7000, kung sarado ang opisina ng MPI, mayroon silang contracted towing service at ang numerong puwedeng tawagan ay 956-4665. 4. Kung ang sasakyan ay drivable naman, mabuti na i-report kaagad ang aksidente sa MPI. (Tawagan ang numerong 985-7000, upang makapagpaschedule ng appointment upang maestimate ang damage na natamo ng inyong sasakyan). Kung ang mga sumusunod ay involved sa aksidente, mayroon kayong seven days upang mag-report sa pulisya at sa MPI:
Kung may ibang katanungan tungkol sa mga nabanggit ay maaaring bisitahin ang official website ng MPI sa www.mpi.mb.ca/english/claims. Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic. |