
Opinions
![]() |
May cracked na windshield? |
![]() |
Ano nga ba ang function ng windshield? Sa tawag pa lang, ito ay nagsisilbing shield o protection sa hangin, sa mga bugs, small debris at ito rin ay nagsisilbing suporta ng framework ng iyong sasakyan. Ang anumang damage sa windshield ay maaaring maglagay sa kapahamakan sa driver at maging sa kaniyang mga pasahero. Anu-ano ba ang mga common na kadahilanan ng pagkaka-crack ng windshield? Ang pinaka-common ay iyong mga gravel stones na na-kick ng mga dumadaang sasakyan o kaya ay ng sinusundang truck. Kaya nagkakaroon ng tinatawag na stone chip. Ang iba pa ay kung nakapagpalit ng windshield dati at medyo hindi maganda ang ginamit na urethane sa mga gilid at di na-cure maige ang chemical. Ang windshield ay mawawala sa alignment at matutuyo na ang urethane nang wala sa ayos ang salamin. Hindi ito mapupuna, subalit sa bawat vibration na nasusustain ng salamin sa tuwing tatakbo ang sasakyan, ang stress ay nadaragdagan at maaaring pagmulan ng crack. Siyempre pa, hindi puwedeng ipagsawalang bahala ang impact ng ating very cold weather. Kaya mapupuna natin na maaaring noong summer maliit lang ang crack subalit matapos dumaan ang winter at ngayong umiinit na naman ay lumaki ang crack. Simple lang di ba, yung pagbabago ng temperature na sinasagupa ng salamin ay nakapagbibigay ng matinding stress dito at pinalalala ang crack. Bakit kailangan nating bigyang pansin kaagad ang cracked na windshield? Ang immediate attention ay nararapat na ibigay sa mga cracked na windshield dahil ito ay maaaring nakaka-block ng view ng driver. Kung ang crack man ay nasa passenger side, ito ay nagsisilbi pa ring hazard dahil kapag nag-scan kayo ng visual field para sa mga pedestrians, ibang motorist o di kaya ay impending hazards, ang visual field ninyo ay affected. Maaaring sabihin ninyo na small chip lang naman, small crack lang. Ngayon oo, pero habang lumalaon, ang vibration ng sasakyan ay makapagdudulot ng pagkalat ng crack at maaaring kumalat unexpectecdly. May ibang design ng sasakyan na ang windshield ay nagsisilbing support structure. Kapag ganito ang sitwasyon, and damaged na windshield ay maaaring mag-compromise ng tinatawag na structural integrity. Sa mga rollover na aksidente, ang bubong ay maaaring mag-cave in at mawawasak ang iyong windshield. Ang windshield ay considered na isa sa mga safety features ng sasakyan. In case ng aksidente, ang windshield ay makakapag-prevent sa driver at passengers upang tumilapon sa labas ng sasakyan. Kung ang mga sakay ng sasakyan ay titilapon palabas ng sasakyan sa gitna ng aksidente, ang windshield ay magsisilbing cushion upang mapigil ang pagtilapon nang malayo. Habang maliit pa lang ang chip or crack ito ay bigyan na ng attention. Maaaring i-repair o kung talagang malaki na ay papalitan na ang windshield. Ang crack sa windshield ay isa sa mga safety factors na tinitingnan kapag nagpapa-safety ng sasakyan. Huwag ipagpaliban ang pagsangguni sa MPI upang mapalitan ang windshield. Ang MPI ay nag-launch recently ng tinatawag na e-GlassClaim program, ito ay electronic processing ng glass claim na naka-deploy sa mga accredited repair facilities, hindi na kailangan pumila sa MPI service centres, ang shop na mismo ang mag-o-open ng claim at ang kailangan lamang ay ang inyong driver’s license at copy ng registration ng sasakyan na involved. Ang MPI website ay may dedicated section upang malaman ninyo ang mga accredited e-GlassClaim processing shops na malapit sa inyong tirahan o trabaho. Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic. |