Published on

    Belts

 

Mula sa issue na ito, ating babaguhin ang format ng ating Usapang Auto. Tayo ay magbibigay ng mga auto tips in a “chewable form” o iyong bits and pieces para mas maging epektibo sa mga bagong nagkaka-interes sa pagkakalikot ng sasakyan.

Ang pagpapalit ng mga belts ng sasakyan ay isa sa mga maintenance services na kinakailangang nasa tamang panahon, lalong-lalo na ang timing belt.

Ang dalawang factors na kinakailangan na pagbasehan ay ang mileage ng sasakyan at ang age ng belt. Hindi ibig sabihin na dahil hindi mo masyadong ginagamit ang sasakyan ay di naluluma ang iyong belt. Ang matagal na “inactivity” ay nagbibigay rin ng parehong strain sa belt tulad ng regular na paggamit ng sasakyan. Kasabay ng pagpapalit ng belt, makabubuti rin na i-consider na palitan ang mga components na kasama ng timing belt. Ito ay makapagbibigay ng karagdagang safety sa makina ng iyong sasakyan. Isang trabaho lang naman ito. Ang madaragdag lamang ay ang cost ng mga components tulad ng tensioner at water pump (kung ito ay driven by timing belt). Sa panahon ngayon, ang mga aftermarket o replacement parts ay mayroon ng tinatawag na “kit” kung saan lahat ng mga nirerekomendang parts ay magkakasama na sa isang box. Sa ganitong paraan ay naiiwasan na ang pagkuha ng pira-pirasong piyesa na pagkaminsan ay di pa nagma- match. Cost-wise, mas matipid dahil karaniwang mas mura kung “kit” ang kukuhanin.

Hanggang sa muli para sa susunod na auto tip.

Have a comment on this article? Send us your feedback