
Opinions
![]() |
Air filter |
![]() |
Ang Air filter ay isang simple subalit importanteng parte ng tinatawag na “intake system” ng sasakyan – dahil sa pamamagitan ng air filter, humihinga ang makina ng sasakyan.
Ang makina ay nangangailangan ng tamang mixture ng fuel at air upang tumakbo ng maayos. Sa pamamagitan ng air filter, ang mga dumi at iba pang mga foreign particles sa hangin ay nasasala at napipigilang pumasok sa engine ng sasakyan. Malaki ang impluwensiya ng air filter sa gas mileage ng sasakyan. Kapag madumi ang air filter, kapos ang takbo ng makina kaya ang tendency ay mag-gasolina ng husto upang makuha ang nais na power sa makina. Naaapektuhan din ng maduming air filter ang tinatawag na Emission Control System na siyang nag-ko-control ng air and fuel mixture ng sasakyan. Ang maduming air filter ay maaari ring pagmulan ng faulty spark plugs na siyang nag-i-ignite ng fuel sa combustion chambers. Magkakaroon ng tinatawag na fouling o mis-firing ng spark plugs dahil masyadong maraming gasolina ang papasok subalit di sapat ang air. Kaya kinakailangan na magpalit ng air filter, at least once a year o mas madalas pa lalo na kung ang sasakyan ay madalas na bumibiyahe sa mga dirt roads o heavy ang pollution dahil mas mabilis dumumi ang air filter.
Hanggang sa muli para sa susunod na auto tip.