
Opinions
![]() |
Auto tip:
Driving style & maintenance costs |
Di miminsan na ako ay natanong ng ilang customers kung bakit ang bilis masira o maubos ng ilang components ng kanilang sasakyan tulad halimbawa ng brake pads at shoes, sway bar links at bushings, shock absorbers o strut, tie rods ends, ball joints at maski na ang mga gulong. Ang mga nabanggit na mga components ng sasakyan ay may tinatawag na life span lamang o may karampatang tinatagal na buhay o gamit. Matapos marating ang life span, asahan na ang mga ito ay pawang bibigay o masisira na. Iyon ay isang factor lamang sa pagkasira ng mga piyesa ng sasakyan. Maliban dito, may iba pang mga consideration kung bakit ang ilang piyesa ng sasakyan ay mas napapadali ang buhay o gamit. Ating bigyan pansin ang mga ilan sa kadahilanan.
Istilo ng pagmamaneho
Maaaring di nare-realize ng karamihan subalit ang istilo ng pagmamaneho ay napakalaking factor sa pagkasira o maagang pagbigay ng ilang components ng sasakyan maliban pa sa mas madalas na pagka-karga ng gasoline at madalas na pagpunta sa repair shops. Kung ikaw ang tipo ng driver na mahilig sa “sudden stops and starts” na istilo, ang iyong fuel efficiency ay nababawasan ng halos 33% na ang equivalent ay humigit kumulang sa 32 cents bawat litro. Ang ganitong driving style ay nagdudulot ng unnecessary wear sa brakes at transmission ng sasakyan. So, magtataka ka pa kung bakit wala pang dalawang taon ang brake pads mo, ubos na kagad. Matay mo pang isipin na baka mahinang klaseng pads ang inilagay sa iyong sasakyan.
Ang pabigla-biglang pagliko ay nagbibigay ng unnecessary stress sa tinatawag na sway bar components tulad ng links, bushing at maging ng sway bar mismo. Ang sway bar kasama ng links at bushings ang nagko-control ng hagis ng sasakyan kapagka lumiliko. Ito ay bumabalanse sa weight ng sasakyan sa pagliko. Kaya nga ang ibang tawag dito ay “stabilizer bar, links o bushings.”
Ang walang pakundangan na pagdaan sa mga lubak na maaari sanang maiwasan kung hindi lagi rumaragasa sa pagtakbo ay isang sanhi ng maagang pagkasira ng mga ball joints at control arms at shock absorbers ng sasakyan. Oo nga at shock absorbers ang mga ito subali’t hindi ibig sabihin ay kailangan na laging idaan basta-basta sa lubak upang masubukan ang bisa nito.
Pagpapanatili ng tamang bilis ng pagpapatakbo
Ang pagsunod sa speed limit ay di lamang nagdudulot ng safe road environment kundi ito ay nakatutulong rin sa fuel efficiency ng iyong sasakyan. Ang gas mileage ng isang sasakyan ay bumababa o umiiksi kapag ang speed ay nadaragdagan. Kaya nga ba ang sabi ni Lolo kapag kasakay mo, “mabigat masyado ang paa mo sa silinyador.” Sa mga makabagong sasakyan ngayon na may tinatawag na PGM-FI or Programmed Fuel Injection, ang daloy ng gasoline ay naka-programa na depende sa speed ng sasakyan. Kapag pinairal ang pagiging kaskasero, lalakas ka sa gasoline at may posibilidad pa na magkaroon ng diperensiya ang makina ng sasakyan.
Kung nais makatipid sa gasoline at repair cost, baguhin ang driving style. Safe ka na, nakatipid ka pa.
Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.