
Opinions
Ni Anne Caprice B. Claros
Tatlong daang taon kami’y bilanggo...
Ni di nakamit kalayaang pangako...
Matanda man o bata ay pinarurusahan...
Ng mga nakakaabusong dayuhan...
Araw man o gabi kami’y bantay...
Ang di sumunod ay walang awang pinapatay...
Kay tagal naming nagtiis sa kamay ng Kastilla...
Sila’y mapangabuso at walang awa...
Dumating ang araw at kami’y lumaban!
Di namin wari, ang tagumpay nami’y pinag-usapan...
Nang ang mga kastilla’y lumisan...
Anong saya ang aming naramdaman!
Ngunit nang ilang araw ang naglipas...
Ang saya nami’y kumupas...
Mga amerikano ay siyang nagdating...
Hindi para kami’y tulungan kundi para kami’y sakupin...
Kami’y napasabak sa mailang-ilang gera
Hanggang dumating ang panahon at kami’y yaong Malaya
Ngayon, heto ang Pilipinas yaong gamit na...
Pinagpasa-pasahan ng mga dayuhang di naawa!
Ngunit kahit kay sakit ng ating napagdaanan...
Tayo pa rin ang siyang perlas ng sinilangan!
Isang bansang nabubudburan ng ganda!
Paborito ng mga turista!
Isang bansang walang kapalit at kasing ganda...
Taas ulo kong isisigaw, Pilipinas aking bansa!
Sa panahon ng gulo ipaglalaban ko hanggang wagas
Ang walang kapalit na mahal kong Pilipinas!
![]() | Tagalog noon, pinalitan ng Pilipino – |