
Opinions
By Constable Rey Olazo
Dear Sir:
Isa po ako sa bago ninyong mambabasa sa Pilipino Express. Lubos po akong humahanga sa inyong naabot na karangalan bilang isang alagad ng batas sa Pilipinas at gayon din dito sa Winnipeg.
Lumiham po ako sa inyo upang humingi ng payo ukol sa aking anak na panganay. Siya ay 23 years old at sa kasalukuyan ay nagtatrabaho sa isang kompanya bilang item picker. Alam kong sa loob niya ay hindi niya lubos na gusto ang kaniyang trabaho. Nag-aral siya sa Red River College at nakatapos ng pharmaceutical manufacturing pero hindi po siya pinalad na makakuha ng trabaho sa kursong ito. Minsan ay nabanggit niya sa akin ang kagustuhan niyang pumasok sa pagpupulis. Ito ay noong nakaraang taon kaya agad ko siyang sinamahan sa istasyon ng pulis upang alamin ang mga kailangan. Sinabi po sa amin na hindi sila tumatanggap ng mga bagong aplikante at bumalik na lang kami ng susunod na taon.
Bumalik siya nitong nakaraang September 2013 pero sinabi ulit na hindi sila tumatanggap ng bagong aplikante at yaon lamang mga nag-apply noong nakaraang taon ang kanilang ipoproseso.
Lubhang nalungkot ang aking anak at bilang ama ay lubha din po akong nasaktan sa dahilang isang taon po niyang pinaghandaan ang pag-aapply at nakita ko ang kaniyang hangarin na makapaglingkod dito sa Winnipeg bilang alagad ng batas. Masasabi ko pong mabuti siyang anak, madisiplina sa sarili at sa ibang pang bagay. Ang sa akin po lamang sana’y mabigyan siya ng pagkakataon upang maipakita niya ang kaniyang kakayanan. Iginagalang ko ang kanilang proseso ng pagpili ng kandidato sa pagiging pulis ngunit paano kaya makakapag-apply ang aking anak?
Lubos po akong umaasa na mabibigyan ninyo ng sagot ang aking mga katanungan.
Lubos na gumagalang,
Isang mambabasa
Ginoong Mambabasa:
Bago ang lahat, nais ko pong pasalamatan ang inyong papuri at pagbibigay ng importansya sa aking column. Isa pong malaking katuwaan na malaman na ang inyong anak ay nagpupursigi upang mapabilang sa hanay ng kapulisan dito sa Winnipeg.
I can relate to his enthusiasm because I was like him when I decided and went though the process to become a part of the Winnipeg Police Service (WPS).
The Winnipeg Police Service, like other departments of the City of Winnipeg, implements an Employment Equity Program, which means that it ensures that the recruitment, selection and promotion of its present and future employees are being done in a non-discriminatory manner.
Ang ibig pong sabihin ay lahat ng aplikante ay binibigyan ng pagkakataon na mag-submit ng kanilang application, at ito ay ipoproseso nang pantay-pantay.
When one applies for the Police Constable position, the applicant will go through a process that begins with receiving the application package from the WPS Human Resources-Recruitment. Afterwards, the applicant will be scheduled to take a general information type of examination, and the results could be held for at least two years.
If the applicant passes the examination, he or she will be required to do the PAT (Physical Abilities Test) at the University of Manitoba. The cost of the Physical test shall be paid by the applicant. After completing and passing the PAT, the applicant will undergo a panel interview. This interview is focused on the City of Winnipeg’s five-core competencies (Respecting Diversity, Citizen & Customer Focus, Integrity and Trust, Ethics and Value and Results Oriented). If the applicant passes the interview, he or she will undergo a background interview that could last from one to two hours. Once the applicant passes this background stage, he or she will undergo a physical, medical examination, neuro-psychiatric written examination and an interview. Upon the applicant’s completion and passing of the said process, a panel deliberation shall be made to determine the most qualified applicant and whoever gets chosen shall receive an offer of employment as a Police Constable.
Minimum qualifications:
When I applied for the job, I met many people who went with me through the initial stages but I did not see all of them in our Recruit Class. I think the number was close to 500 applicants when I applied, but there were only 50 who made it to our class.
Para sa akin isang karangalan at pagtatangi na mapabilang sa hanay ng kapulisan sa Winnipeg because of the very challenging selection process.
I have communicated with the WPS Recruiting to inquire if there is any on-going recruitment. Sinabihan nila ako na sa ngayon ay hindi na muna sila tumatanggap ng aplikante dahil wala pa naman silang naka-schedule na Recruit Class kung kaya’t hindi sila magpoproseso ng mga applicants.
Please tell your son to visit the WPS Recruitment website from time to time at www.winnipeg.ca/policerecruiting/constable. Makikita sa nasabing website ang lahat ng impormasyon regarding the application, and if the Police Constable position is available.
Bilang magandang panimula, kung sakaling magkakaroon na opening sa Police Cadet ay maaaring subukan ding mag-apply ng inyong anak. Ito ay hindi volunteer position kung hindi isang suwelduhang posisyon. Maaaring makakuha ang inyong anak ng kasanayan at experience na maaari niyang magamit sa kaniyang pag-aapply upang mabigyan ng katuparan ang kaniyang pangarap na maging Police Officer dito sa Winnipeg (Information regarding the Police Cadet program is also available on the website that I have indicated).
Ang aking maipapayo sa inyong anak ay huwag siyang mawawalan ng pag-asa. Sana ay patuloy siyang magsumikap na mapalawak ang kaniyang life experience dahil ito ay isa sa mga katangiang tinitingnan sa pagpili ng karapatdapat na aplikante.
Iwasan din niyang ma-involve sa mga maling gawain at mga maling kaibigan na maaaring magdulot sa kaniya ng diskwalipikasyon at problema sa buhay.
Palakasin niya ang kaniyang katawan at palawakin ang kaniyang karunungan para kapag dumating ang pagkakataon na magkaroon ng recruitment ay masiguro niyang maaari siyang maging isa sa mga best candidates sa para sa posisyon ng Police Constable.
Marami pong salamat muli at pagpalain nawa tayo ng Dios.
Lubos na gumagalang,
Pulis Kababayan
(The names of the letter sender and his son were omitted to maintain their privacy.)
Constable Rey Olazo is a member of the Diversity Relations Section of the Winnipeg Police Service. He can be contacted by e-mail at rolazo@winnipeg.ca. For urgent matters that require Police response please call 911 and for non-emergency you may call (204) 986-6222.