
Opinions
![]() |
Coronaversary na natin,wala ka bang regalo sa akin? |
ni Noel Lapuz
Isang taon na tayong namumuhay kasama ang COVID-19. Ang automated reminder ng Facebook of your memory posts last year ay may kaugnayan sa pandemic na ito. The good thing with Facebook ay documented ang mga events ng ating buhay when we entered into this new normal. Heto ang round up ng ilan sa mga impacts ng pandemia sa ating buhay:
Noong una, marami sa atin ang excited mag-work from home sa maraming dahilan. Biruin mo, hindi ka na kailangang gumising nang mas maaga compared sa usual. Na-lessen din ang iyong prep time bago pumasok. Tipid ka din sa bus fare or parking. You can do little household chores during your break. You have more time with your family members.
However, mayroon din itong mga hindi magandang naging dahilan. Isang divorce lawyer sa Canada ang nag-ulat na dumami di-umano ang kaso ng divorce during these times ng pandemia. Ang isa sa mga dahilan ay ang pagiging source of animosity ng COVID-19 sa mag-asawa. Ibig sabihin may mga kaso daw na pinag-aawayan ng mga mag partners kung paano i-approach ang risks ng pandemic. On top of that, ang posibilidad ng away mag-asawa ay tumaas dahil sa mahabang oras na inilalagi ng bawat isa sa bahay. Isa sa mga mabigat na naging problema din ng ilan ay ang violence sa loob ng tahanan. If your home is a safe refuge, mapalad ka. Pero marami ding mga tao na iniiwasang mag-stay sa bahay dahil hindi sila safe dito.
Ang working hours ng mga empleyado na nasa WFH (work-from-home) ay mas mahaba kumpara sa usual work hours nila kung sila ay nasa opisina. Ito yung risk of overworking dahil may easy access ang mga empleyado sa kanilang virtual office. Ang ironic dito ay nasa bahay ka nga pero mas mahaba pa rin ang iyong oras sa pagtatrabaho at maaaring less ang iyong interaction sa mga kasama mo sa bahay kahit nandiyan lang sila.
Isa pa, the sense of excitement of being home ay nawawala. Kapag nasa office ka at malapit ka ng umuwi ay mayroon kang normal at minsan ay subconscious na feelings about being home. This is very true kung mayroon kang anak na maliit. Ang sabi nga, nawawala ang pagod sa trabaho kapag sinalubong ka ng inyong anak sa pagdating mo sa bahay.
Tumaba ka ba? Hindi ka nag-iisa. Ang ating eating habits at exercise schedule ay grabeng naapektuhan ng pandemia. Ang sabi nga ng mga health experts, habang ang buong mundo ay nakatutok sa coronavirus, mayroong sumulpot sa likod nito na tinawag nilang “shadow pandemic” or anino ng pandemia. Ito yung ED or eating disorder. Hindi dapat ikahiya ang disorder na ito at kung kailangang magpakonsulta sa doctor ay gawin mo ito.
Kahit ano pang technology ang gamitin natin that tries to copy our real interaction with other people, wala pa ring katumbas ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa tao nang personal. Maraming mga factors ang nawawala sa remote communications. Isa na rito ay yung tinatawag na non-verbal cues. Noong bata ako, nakukuha ako sa tingin ng Nanay ko kapag kailangan niya akong disiplinahin. In the same way, ang mga gestures of agreement or disagreement ay naipapakita din sa mga in-person meetings. Ang mga elements na ito ay mahalagang bahagi ng decision making lalu na sa mga organizations. Isa pa, naniniwala ako na tayong mga tao ay dinisenyo para maging sociable sa iba pa nating katulad. We are social creatures na kailangang makipag-interact para mabuhay nang maayos.
Matagal na akong fan ng bus community. Marami na akong naisulat na mga insidente at kultura sa loob ng bus sa Winnipeg. Pinatay ng pandemia ang bus community. Kung regular kang bus rider ay makaka-relate ka dito. Hindi lamang kasi pagsakay ng bus ang nagaganap sa loob nito kundi ito’y pagbubuklod ng mga tao patungo sa iba’t ibang direksyon para sa iba’t ibang adhikain.
Ang pinsala ng pandemia ay ramdam na ramdam ng industriya ng hospitality at tourism. Kabilang dito ang mga bars ang restaurants. Bagama’t nagsulputan ang mga deliveries ay wala pa ring makakapantay sa in house experience kapag kayo ay nagpunta sa inyong paboritong bars or restaurant para mag-celebrate. Opo, celebration. Yun ang element na nawala. Hindi lang profit ang nabura sa loob ng isang taon o mahigit na, kundi ang spirit of celebration. Walang movement, walang kita, walang tawanan, walang kasiyahan.
Sa kabila ng mga negatibong impacts na idinulot ang COVID-19 sa atin ay worthy naman ng proper recognition ang time na ibinigay sa atin ng mga pakakataong ito para mag-meditate, mag-assess at magpahilom ng mga sugat ng ating buhay. Panahon ito ng spiritual reflection anuman ang inyong mga paniniwala. Isa lang naman ang hinihintay natin kundi ang pagbabalik ng dating buhay bago umatake ang pandemiang ito. Ang mga sakripisyo natin ngayon ay para sa kinabukasan nating lahat at ng mga susunod na henerasyon.
Matatapos din siguro ang digmaang ito. Sana, sa muli nating pagkikita ay hindi na tayo nakamaskara at mayayakap na nating muli ang isa’t isa.
Coronaversary na natin, wala ka bang regalo sa akin?
Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Batang North End ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.