
Opinions
![]() |
Happy Birthday, Nanay! |
ni Noel Lapuz
![]() |
|
Si Nanay at Tatay sa Baguio City noong dekada 80 |
|
![]() |
|
Summer in Winnipeg, Aling Anita & Mang Narcing |
|
![]() |
|
Nanay at Tatay attend a family event in Winnipeg |
|
![]() |
|
Lapuz clan’s annual camping trip, Hecla Island, 2018 |
Alam kong halos lahat ng talakayan, articles, commentaries at mga social media posts sa ngayon ay patungkol sa issue ng racism sa buong mundo. Hindi na ako magsusulat ng tungkol dito dahil sa dami ng mga opinyon mula sa iba’t ibang sector at indibidwal.
Mas mahalaga sa akin ang aking topic at very personal dahil ito ay pagpupugay ko at pagdiriwang ng ika-80 na kaarawan ng aking pinakamamahal na Nanay. Nandito siya sa Winnipeg kaya wala akong dahilan para ma-homesick. Bunso akong anak at nag-iisang anak na lalake sa apat na magkakapatid. Kahit 50 years old na ako ay lagi ko pa ring dama ang pagiging bunso sa aking Nanay. Makaka-relate sa akin ang mga anak na very close sa kanilang mga magulang. I always have the feeling of being a small child na naglalambing sa kaniyang magulang. The feelings never change kahit matanda na ako.
Napakahalaga sa akin ng paggalang at pagmamahal sa mga magulang. Alam kong ang values kong ito ay bunga ng pagpapalaki sa akin nang wasto ng aking mga magulang. Iyan din ang aking pilit na ginagawa sa aking mga anak; ang hubugin sila para maging mabubuting tao. Ito ang simple at hindi kumplikadong paraan upang makabuo ng isang maayos na mundo. Simulan ang maayos na kaugalian at buhay sa tahanan.
Matutupad lamang ang isang maayos na tahanan kung ang mga magulang ay wasto ang pagpapalaki sa kanilang mga anak. Alam kong hindi lahat ng pamilya ay ganito. Alam kong walang perpektong magulang at walang perpektong tahanan pero ang bottom line ng maayos na kaugalian ay babalik sa kung sino ang nagpalaki sa ’yo at kung ano ang pundasyon ng iyong ugali. Saan pa ba magmumula ito kundi sa bahay? At sino ba ang role model natin sa bahay? Siyempre ang mga magulang natin.
Mapalad ako dahil sa mga magulang ko. Hindi sa yaman nasusukat ang pagiging maayos na pamilya kundi sa kung paano nagpo-produce ng mabuting mamamayan ang isang tahanan. Ang mga pinakamaliit na units na ito ng ating komunidad ang pinagsisimulan sa kung ano ang magiging anyo ng mundo in the future. Kung ang pag-ibig, katapatan, kabaitan, kasipagan at malasakit ay hinubog sa bawat tao sa loob ng tahanan ay wala tayo sigurong magiging isyu sa corruption, racism at krimen.
Utang ko sa aking mga magulang ang sinusunod kong alituntunin sa buhay. Kaya’t lagi akong nagpapasalamat sa kanila. At kahit paulit-ulit akong magpasamalat ay hindi ako magsasawa.
Nagtataka lang ako sa mga taong bastos sa magulang, walang galang sa mga magulang at walang utang na loob. Bihira siguro ang ganitong sitwasyon pero tiyak na mayroon din. May kani-kaniyang dahilan sa mga ganitong sitwasyon pero napaka-rare siguro.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa buhay at lakas na ibinibigay niya sa aking Ina sa pagdiriwang niya ng kaniyang 80 years na kaarawan!
Full of love and care ang aking Nanay mula noon hanggang ngayon. Baby pa man ako hanggang ngayong matanda na ay consistent at unconditional ang kaniyang pag-ibig. At dahil diyan ay hindi ako mahihiya na sabihin sa buong mundo na mahal na mahal ko ang aking Nanay.
Sa dami ng matatalino at eksperto sa mundo ay hindi pa rin tayo exempted sa mga problema at nabubulaga pa rin tayo dahil hindi natin control ang lahat. Dahil sa mga pagkakataong ito ay bumabalik pa rin tayo sa basics ng buhay. At sa kada pagbalik natin sa basics ng ating buhay ay bumabalik din tayo sa pundasyon ng ating kaugalian na hinubog sa ating tahanan at tinuro ng ating mga magulang.
Ang message ko sa lahat ngayong panahon ng crisis at gulo. Mahalin ninyo ang inyong mga magulang.
Bago bawian ng buhay si George Floyd, ang sabi niya “I can’t breathe!” at tinawag niya ang kaniyang Ina, “Mama.” Tulad ni George, let’s always reach out to our Moms kahit sa huling hininga ng ating buhay.
Happy Birthday, Nanay!
Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).