Published on

Batang North End ni Noel Lapuz

May hahamon ba kay Vivian Santos?

ni Noel Lapuz

May naka-chat akong dalawang posibleng tumakbong councillor ng Point Douglas Ward na maaaring makalaban ni incumbent Councillor Vivian Santos kung tatakbo pa siya. Bukod sa kanila, ay tatakbo rin diumano si “Ate” ng FB Pinoy group.

Maraming Pilipino ang nakatira sa Point Douglas Ward dahil sakop nito ang mga sumusunod na neighbourhoods: Weston, Brooklands, Omand’s Creek, Logan, Centennial, West Alexander, Pacific, South Point Douglas, Exchange District, Portage & Main, China Town, Civic Centre, Burrows Central, Burrows Keewatin, Shaughnessy Park, Inkster Gardens, Tyndall Park, Inkster Industrial at Oak Point.

Babae at lalake ang naka-chat ko. Yung babae ay kilalang-kilala sa community. Miyembro siya ng isang political party at malakas ang impluwensya sa mga Pilipino, katutubo at mga Tsino. Bukod dito ay sakto lang ang kaniyang edad para i-represent ang ward na ito kung papalarin siya. Nakapanayam ko na siya sa aking sa public forum program sa Facebook at lumaban na rin pero hindi pinalad sa nakaraang federal election. Kung tatakbo siya bilang Konsehal ng Point Douglas ay medyo kakabahan ang kampo ni Vivian Santos na kilalang mula sa lahi ng mga Intsik at nakapag-asawa ng Pilipino.

Yung isa namang puwede sumabak sa derby ng Point Douglas ay born and raised sa Winnipeg pero may dugong Pinoy. Dati siyang sumubok sa provincial election pero hindi rin pinalad. Aktibo siya sa mga neighbourhood ng bandang McPhillips area at may koneksyon di-umano sa kasalukuyang pederal na gobyerno. Pinoy na pinoy ang kaniyang tikas pero tila hindi na nakakapagsalita ng Tagalog.

Bukod dito ay may mga bulong-bulungan din sa iba’t ibang parlours at karinderya ang posibleng pagsabak sa pulitika ng isa sa mga admins ng pinakamalaking Pinoy FB group dito sa Winnipeg. Kapansin-pansin ang kaniyang involvement sa mga community events tulad ng mga vigils sa mga cases na naging biktima ang mga Pinoy, advocacy sa peace and order at pagpa-patrol sa ating mga komunidad. “Ate” kung siya ay tawagin at tiyak na maraming makukuhang boto sa mga Pilipino kung matutuloy ang kaniyang pagtakbo sa Point Douglas man o sa katabing ward na kung saan dito siya nakatira.

Hindi ko alam kung tatakbong muli sa pagka-Konsehal si Anthony Ramos, dating School Trustee ng Winnipeg School Division na lumaban pero natalo ni Mike Pagtakhan na nagsilbi naman bilang konsehal ng Point Douglas ward ng 16 taon mula 2002 hanggang 2018. Naging tahimik ang kampo ni Ramos simula ng ito’y hindi pinalad sa civic elections nong 2014. Samantala, si Mike Pagtakhan ay napabalita noong araw na tatakbong Mayor pero wala na akong balita kung ito ay matutuloy pa o hindi na. Matatandaan na sumubok din si Mike Pagtakhan para maging opisyal na kandidato ng Liberal Party sa Winnipeg North federal seat pero tinalo siya sa party convention ni Mang Kevin Lamoureux na hanggang ngayon ay walang talo sa kaniyang puwesto bilang MP ng naturang riding.

Ang iba pang mga kilalang community leaders na tumakbo sa Point Douglas ward noong 2014 at 2018 civic elections ay sina: Rebecca Chartrand, Kate Sjoberg, Dale White at Dean Koshelanyk.

Magiging napaka-interesting kung may lulutang pang mga Pinoy-Canadians na lalaban sa ward na ito bukod sa mga napabalitang maaaring tumakbo.

Kung gusto ninyong tumakbo bilang konsehal ay heto ang mga qualifications at proseso mula sa opisyal na website ng City of Winnipeg:

Eligibility

Persons eligible to be a candidate for councillor must meet all of the following criteria:

  • a Canadian citizen;
  • 18 years old or older on Election Day, October 26, 2022;
  • a resident of Manitoba;
  • a voter; and
  • not be disqualified by law.

Becoming a candidate for Councillor involves two important steps:

1. Registration Process; and

2. Nomination Process

Registration process

Candidates for Councillor must register with the senior election official before soliciting donations or incurring any campaign expenditures.

Through this process, a candidate becomes authorized to commence an election campaign. The candidate must identify the account utilized for all funds, an official agent and their auditor. Once registered, the candidate will receive nomination papers.

Candidates must complete a registration form and all applicable consent forms. Candidates must submit these, in-person, to the senior election official.

Registration for candidates for councillor begins on Thursday, June 30, 2022 and ends at 4:30 p.m., Tuesday, September 20, 2022.

Abangan natin simula June 30, 2022 kung sinu-sino ang mga poporma sa pagka-konsehal ng Point Douglas.

Abangan ang talpakan!

Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Batang North End ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback