 |
Batsoy Tagalog a la Nanay Perla
|
ni Chef Alex Canlapan
Kilala ang Batsoy (Batchoy) sa Pilipinas bilang isang putaheng may sabaw at tanyag ito sa probinsya ng Iloilo. Gaya rin ng mga lutong pagkain, isa ito sa may iba’t ibang istilo ng pagluluto. Nais kong ibahagi sa in’yo ang pamamaraan na aking natutunan sa aking Nanay Perla. Isa rin ito sa aking paboritong ulam na may sabaw. Tamang tama rin ito sa panahon natin ngayong tag-lamig. Isang mainit na sabaw na may timpla ng luya ay tiyak na guguhit sa ating lalamunan.
Simulan na natin ang pagluluto. (30 to 40 minutes cooking time)
Mga kailangang sangkap
- 1 kg sliced lean pork (puwede rin liempo ang iluto)
- 1⁄2 kg pork liver o atay ng baboy (optional)
- 1⁄4 kg cooked meat blood (betamax) diced
- 1⁄4 cup ginger root o luya (chopped)
- 1⁄2 cup onion (chopped)
- 2 tbsp garlic (minced)
- 1⁄2 cup fish sauce o patis (o ayon sa inyong panlasa)
- 1⁄2 tsp ground black pepper (durog na paminta)
- Five pieces long green chili
- (siling berde)
- One bunch of chili leaves (dahon ng sili)
- Cooking oil Two litres water
Paraan ng pagluluto
- Magpainit ng inyong kaldero. Kapag bahagyang mainit na ang inyong kaldero, lagyan ito ng cooking oil.
- Igisa ang onion, garlic at ginger root, halu haluin ito hanggang dalawang minuto o halos magkulay brown na ito.
- Isama at isangkutsa ang karne ng baboy, hayaan nang ilang minuto hanggang kumatas ang broth nito.
- Ihalo ang nahiwang pork liver, timplahan ng fish sauce at black pepper. Haluin muli at takpan.
- Kapag nanuyot na ng bahagya ang sinangkutsang laman, buhusan ito ng 2 litrong tubig. Pakuluin.
- Magdagdag ng mga panimpla ayon sa inyong panlasa.
- Kapag husto na sa pagkulo at inyong panlasa, idagdag ang hiniwang cooked meat blood.
- Pakuluing muli. Ilagay ang mga siling berde.
- At kung ito ay ihahain na, maaari nang lagyan ng dahon ng sili.
Maaari rin maglagay ng misua or sotanghon kung ito ay inyong nais. Tamang-tama para sa anim hanggang walong katao ang recipe na ito.Sana ay nakatulong ang pagbabahagi kong ito sa dagdag kaalaman ng isang pamamaraan sa pagluluto ng batsoy.
Nais ko rin pong ipaalala na hindi dapat nating nililimitahan ang ating kakaniyahan na maging malikhain sa ating pagluluto sa apat na sulok ng ating kusina.Salamat at isang masayang pagluluto.
Para sa inyong mga katanungan at suhestiyon, mag email lang po kayo sa akin sa: alexcanlapan74@gmail.com
Have a comment on this article? Send us your feedback