Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoNobyembre 16 – 30, 2019

ni Paquito Rey Pacheco 

Sa nakaraang federal election, ang boto ng Liberal Party ay 159, kulang ng 13 seats para maging majority kaya minority government ang pinamumunuan ngayon ni Prime Minister Justin Trudeau. Kailangan niya ng tulong mula sa isang partido to pass any legislation sa parliament.

Dito sa Manitoba, seven ang sitting MPs na naghangad ng re-election. Four were re-elected. Kevin Lamoureux, Terry Duguid, Dan Vandal, and Jim Carr, na ayon sa balita ay may mabigat na karamdaman.

Noong nakaraang Trudeau majority government ay inabot daw ng about one month bago napili ang head ng mga department sa ilalim ng Prime Minister. Nabalita noong nakaraang second week ng November na ang mga re-elected at hindi pinalad ay tinawag daw ng PM sa Ottawa.

Naalala ko tuloy ang sinabi noon ng former high ranking LP leader, Lloyd Axworthy. Malaki daw ang possibility na mga may pinag-aralan at/o nakakaalam ng mga batas ay maging cabinet member. Sana naman, sa mga re-elected MP dito sa Manitoba ay may mapiling member ng official family ng Trudeau minority government.


Sa susunod na taon, November 5, 2020 naman nakatakda ang presidential election sa US. Nabalita na ang impeachment case ng Democrats against US President Donald Trump ay baka hindi na matutuloy. Sa halip ay patatalsikin na lang daw sa katungkulan ang US president sa pamamagitan ng direct vote. Aba, parang scarecrow lang pala ang motibo ng Democrats. Naku baka matulad lang sa Canada ang mangyari. Republican pa rin, but minority government subalit si Trump pa rin ang sitting president.

Pilipinas

Maraming pagawaing pambayan ang nakaatang ngayon sa balikat ng gobyernong Duterte. Kabilang ang ngayon ay likha ng nangyaring mga lindol na sunod-sunod sa Mindanao, Ang gastusin ay tiyak na makakabawas nang malaki sa kasalukuyang napagtibay nang budget ng gobyerno para sa 2020. Kailangang ang gobyerno ay magpatibay ng supplementary budget.


Kasalukuyang nililinis din ang hanay ng PNP sanhi sa negative effect na may kinalaman sa illegal drug campaign ng gobyerno. Sa totoo lang, ayon sa mga balita, marami pang mga pinagbabawal na produkto ang nakakapasok sa bansa. Kasi nga, dahil sa maraming isla na pinagdadaanan ng mga illegal drug na mahirap mabantayan.


Ang mabuting relasyon ng Pilipinas at China ay minasama naman ng mga kalaban ng pangulo sa pulitika. Natural lang naman ’yon. Subalit alalahaning mula nang mahalal na pangulo ng bansa ang dating Mayor ng Davao City sa loob ng halos 33 years ay kaniyang dineklara ang independent foreign policies na pakikitungo sa lider ng mga bansa. Nagpapatuloy ngayon ang pag-uusap ng mga opisyal ng Pilipinas at China tungkol sa oil and gas development na memorandum of understanding (MOU) na 60-40 shares.

Kumpara sa kaniyang hinalinhang Noynoy Aquino administration. Kaibigan ngayon ng pangulong Duterte ang tinaguriang mga super power na mga bansa. Hindi lang US, kundi sa China, Russia at iba pa. Pinag-aaralang mabuti ngayon ng Department of Energy ang nuclear power technology para sa Pilipinas.

Ang layunin ay kasunod ng alok na tulong ni Russian President Putin sa pangulong Duterte kung nanaisin nitong magtatag ng nueclar power plant sa Pilipinas. Naku, baka maging controversial issue na naman. Naalala ko ang nangyari noon na mula noong during the Corazon C. Aquino administration, hanggang ngayon, ang Bataan Nuclear power plant still sitting there.


Totoo kaya na ang China ay nakahanda na raw para tulungan ang mga bansa sa Asean na magkaroon ng katahimikan sa karagatan? Ang problema kasi, alin man sa Washington at Beijing ay kapuwa waring naghahangad na isa sa kanila ang makilalang tunay na super power sa kabuhayan, kayamanan at pandigmang mga armas.


Tinanggap ni VP Leni Robredo ang alok na katungkulan as co-chair of the Inter Committee Agency on illegal drugs. Hindi na siya matuturingang waring spare tire ng kotse. Malalaman na niya ngayon ang lawak ng problema na kinakaharap ng gobyerno sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaang Duterte.

Maganda ang hangarin niya na zero killings on drug war, subalit waring malabong maiwasan. Ang mga nasisilo ay malamang manlalaban sapagkat may hawak din na mga armas na panlaban. Kung hindi sila ang napapatay, tiyak na may pulis din na nagbubuwis ng kanilang buhay.


Ang nakapaloob sa problema, not only political but economic. Kapit sa patalim na hanapbuhay. May mga already rehabilitated subalit napipilitang bumalik din agad sa illegal drug trade. May kinalaman din ang problema tungkol sa patuloy na population explosion. About three mula ngayon, there will be another national and local elections before the ending of Duterte administration sa 2022.

Sinabi naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang co-chair ng PDEA, VP Robredo ay all talk. Sinagot naman ng VP na siya ay hindi pabaya at bulakbol. Sa totoo lang, maganda ang hangarin ni Ms. Robredo na maiwasan ang nangyayaring mga namamatay sanhi ng anti-illegal drug trade. Naalala ko tuloy ang isang awiting maganda bagaman, luma na. Ang pamagat ay “The Impossible Dream.”

Kasabihan

Huli man kung magaling, maihahabol din.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback