Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoAgosto 1 – 15, 2019

ni Paquito Rey Pacheco 

Ang federal election is about three months away, subalit ang provincial elections sa Manitoba na nakatakda sa July 20 ay nais maging batayan for the October 21 national elections.

Nangako ang Manitoba’s Liberal Party Leader Dougald Lamont na haharangin ang pagsara at mapanatili ang emergency rooms sa Seven Oaks, Concordia at Victoria. Ang layunin umano ay for Manitobans have access for care na malapit sa kani-kanilang residence.

Binanggit na ang PC ay totoong may health care subalit walang accountability system. Marami nga bang tinanggal na mga tauhan sa mga pagamutan na dahilan ng mga reklamo mula sa mga mamamayan na natira sa mga malalayon lugar ng lalawigan. Ang isyu tungkol sa ER will surely determine the Manitoba provincial elections.

Ang Manitobans ay labis na nababahala tungkol sa balitang maraming unregistered and restricted guns dito sa Manitoba. Inaakalang ang maluwag na batas ay maaaring magdulot ng problema sa peace and order ng city at probinsiya.

Pilipinas

Ang nilalaman ng 4th SONA ng Pangulong Duterte ay pinarinig na at marahil ay naparating na, hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa maraming lugar sa ibayong dagat. Kabilang sa mensahe ng pangulo ang patuloy na mga pagbabago para sa kapakanan ng mga Filipino.

Tumagal nang halos isang oras at kalahati. Sinabing patuloy ang tungkol sa war on illegal drugs, corruption and rebellion. Gayon din ang tungkol sa foreign investment sa bansa at sa mga infrastructure project, tulad sa agriculture and other rural development programs na pangkabuhayan ng mga mamamayan.

Nanawagan na kailangang magtulungan para mabigyan ng tulong sa kabuhayan ang milyon-milyong bilang ng taumbayan at mahango sa kahirapan.Nangakong ang kaniyang kampanya sa pagbabago will end only until the end of his term sa 2022 as president. Ngayong ang both house of congress ay kontrolado na ng mayoryang political party, ang mga priority programs ng gobyerno ay maaaring madali nang mapagtitibay.


Tuluyan na kayang mawawala ngayon sa radar ng gobyernong Duterte ang panukalang federal form of government? Sa halip, ang hangad ng pangulo ay mapalitan ng panukalang pagbalangkas ng new constitution. Ang resulta ay nasa kamay na ngayon ng mga kagawad ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso.

Ngayon lang, mismong ang Speaker Alan Peter Cayetano ay naghahangad na ng extension sa term limit of elected local officials. Sakaling mangyayari, possible na amendment na lang sa current constitution ang resulta na taliwas naman sa nais ng pangulong Duterte na New Constitution.


Pinag-iisipan daw ng Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang possibility na ang Pilipinas ay kumalas sa UN Human Rights Council (UNHRC) matapos na ang hinarap na resolution ng Iceland ay mapagtibay na alamin ang war on Illegal drug sa Pilipinas.

Ang Iceland ay siyang pumalit sa US na kumalas sa UN Human Rights Council dahil sa nabanggit na HR issue. Sa ngayon ang Pilipinas ay walang kinatawan sa Iceland at ang Iceland ay walang ambassador sa Pilipinas.

Nabanggit din ng Foreign Affairs Secretary na the Philippine government was rejecting the UN Human Right Council (UNHRC) resolution na naghahangad ng investigation into the human rights situations sa Pilipinas, tulad ng ginanap na 41st regular session sa Geneva, Switzerland.


Tungkol naman sa West Philippine Sea/South China Sea issue. Sinabi ng Supreme Court senior associate, Antonio Carpio na “Many non-war choices to wield legal win against China.” Opo nga, maaaring daanin through diplomatic approach, subalit ang EEZ ayaw kilalanin ng China. Ang nais naman ng mga political opposition ay komprontahin ng pangulong Duterte ang China.

Alalahaning sa EEZ issues, hindi lang Pilipinas ang sangkot kundi kabilang din ang mga iba pang claimant na China, Taiwan, Vietnam and Malaysia.

Hanggang sa ngayon ang US ay walang kibo tungkol sa nabanggit na issues. Di ba ang Manila and Washington ay may Mutual Defense Treaty? Waring ang US has no interest at waring nanunood lang. Marahil ayaw din na masangkot sa gulo against China na may kinalaman sa international sea lane.


Binanggit din ng pangulo sa kaniyang SONA ang pangakong dagdag na suweldo sa mga guro at pagpopondo sa mga government educational institution. Ang dahilan nga kaya naatraso ay sanhi sa corruption na ngayon ay kabilang sa mga pangunahing problema ng gobyerno.


Magtatalaga raw ng Department of Overseas Filipino (DOF), para sa mga nais magtrabaho sa ibang bansa. Sinabing ang Land Banks is for the development of land at hindi for commercial transactions but financing agricultural programs with the Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang tanggapan ng gobyerno.


Nabalita na hinahangad ng pangulong Duterte to buy palay from farmers bago umangkat ng bigas. Ang reaksiyon ng president, marahil ay sanhi sa reklamo ng mga magsasaka na sobrang mura ang halaga ng kanilang inaaning palay. Opo naman, alinsunod ‘yon sa katungkulan ng National Food Authority (NFA) na hindi nasunod sa nakaraang mga 47 taon. Always import na foreign farmers ang natutulungan.


Ang planong pagbabalik ng Reserved Officer Training Corp (ROTC) na binanggit ng pangulo ay naglalayong daw na mabalik ang desiplina na ngayon ay waring hindi na nabigbiyan ng halaga sa mga pamantasang ng gobyerno at pribado. Mandatory ang utos for grades 11 and 12.


President Duterte to convene the Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ang layunin ay for priority measures para sa remaining talong taon ng Duterte administration. Marami nang mga panukalang batas na dumaan sa congress na madali nang mapagtibay.

Kasabihan

Lahat ng kasaysayan ay may katapusan.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback