
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Maligayang bati sa inyong lahat. Ngayon ay buwan ng Puso. Ang iwing pamana kung hindi pilak ay ginto.
Ang problema sa Philippine passport, sana ay maayos na. Maraming nagharap ng kahilingan for renewal, halos tatlong buwan hindi pa nabibigyan ng aksiyon. Ang mga passport data umano ay tinangay ng contractor na gumagawa ng travel document. Inaalam ng National Privacy Commission ang dahilan.
Maraming cheap item ang mabibili sa mga tindahan. Gayunman, kailangang suriin muna, lalo na sa mga pagkain. Sana basahin muna ang nakasulat na expiration dates na babala sa mga consumer. May mga gamot din umano na hindi dapat nang gamitin.
Labis na nagaalala ngayon ang Washington tungkol sa kalagayan ng Taiwan at China. Ang kakayahan ng China na umano ay matatag na pangkabuhayan at military capabilities ang sanhi ng inaakalang problema. Hindi basta-basta maaaring matalikuran ng Amerika.
Ang trade war ng China at US ay nabalitang nagpapahirap sa maraming bansa dahil sa epekto ng mataas na halaga ng US dollar sa foreign exchange. Sabi ng mga kritko, kahit ang US ay apektado rin. Kailangang ang US na mismo ang magkusang kumilos. Mag-devalue ng kanilang currency.
Kasalukuyan nang umiinit ang political situation for the 2019 mid-term national and local elections.
Dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon na sa ngayon ay tinatayang nasa 111 million, mga 20 per cent na lang nito,mahigit-kumulang, ang tiyak nakakaranas ng kahirapan sa buhay. Kahit ang illegal drug trade ay pinapasukan sanhi ng iba’t ibang uri ng pangangailangan. Tiyak na isa sa mga magiging isyu na ipupukol sa liderato ng Pangulong Duterte, ngayong panahon nang kampanya sa election.
Nabanggit ko na sa pitak na ito ang tungkol sa batas na separation of state and the Catholic Church. Muli kong inuulit, ang batas hanggang ngayon ay nananatiling butas. Malala na ang argumento ng Estado at mga ilang pinuno ng Simbahang Katoliko. Sinabi ng mga kritiko, baka inaakala ng mga opispo na ang pangulong DU30 mapapatalsik nila sa puwesto na kaparis ng nangyari kina Marcos at Estrada?
Nagharap ng panukalang batas si Senadora Lisa Hontiveros na umano ay remedyo sa mga kasal sa simbahan. Sa Vatican lang balitang karaniwang nasusunod ang tagubilin ng simbahan tungkol sa pagmamahalang “till death do us part.” Hindi katulad sa Pilipinas, maraming hindi nagpapahalaga sa sagradong kasunduan.
Sana baka higit na mabuting pagpayuhan muna ni Ms Hontiveros ang mga nais ngayong magpakasal sa church. Legalized na lang muna. Magsama ng about four years or so nang malalaman kung matatag na ang pondasyon ng pamilya. Saka nila gamitin ang sagradong sumpaan na doktrina ng Catholic Church.
Ang peace talks naman ng Duterte government at CPP-NPA ay parang laro ng sanggol na close-open. Mahigit nang 50 taon ang nakaraan, bigo pa rin sila sa kanilang hangaring mangibabaw na makapag-hari sa Pilipinas. Peace and order ang nais ng mga nakaraang gobyerno sa Pilipinas at gayon din ng gobyerno ngayon. Waring malabo pa rin.
Ang mga nabanggit kong problema ay malamang magpatuloy sa kabila ng election fever. Ngayon lang ang dalawang sangay ng gobyerno, the executive and legislative, ay may financial undercurrent issues. Tungkol ‘yon sa 2019 budget na dahil sa sinasabing singit at palusot ay hindi napagtibay sa takdang panahon.
Gitgitan na sa mayoryang political party ng pangulong Duterte ang mga senatorial candidates. Ang kailangan lamang ay 12 ngunit halos nasa tatlo na lamang ang kulang. Marami kasi ang bilang ng mga re-electionsts na nasa mayorya at mga kapanalig from independent parties. Sa panig naman ng LP lead coalition parties, possible na kahit si Mar Roxas ay hindi makalusot.
Kung ang mananalo sa senatorial candidates ay mga kandidato ng pangulo at iba pang mga kaalyado, ang LP lead opposition political parties sa mataas na kapulungan ng kongreso ay mananatiling paralisado. Waring mahihirapang makabangon hanggang sa 2022 presidential national and local elections.
Nabalitang ang kapangyarihan ng Presidential Anti-corruption Commission (PACC) ay nadagdagan. Ang pangulong Duterte ay nagpalabas ng Executive Order No. 73 noong ika-28 ng December 2018 na nagbibigay ng dagdag na kapangyarihan sa PACC. Ang Presidential EQ ay nagtataglay ng kapangyarihan na magrekominda ng mga violation sa Anti-Red Tape Authority ng mga kasong for imbestigations.
Marahil dapat na ngang mapawalang bisa ang Mutual Defense Treaty and Enhanced Defense Cooperation Agreement of the Philippines and United States. Gayon din ang mungkahi ni Defense Secretary Lorenzana. May naging pakinabang ba ang Pilipinas sa nabanggit na kasunduan na patuloy ginigiit ng US ngunit waring labag sa 1987 Constitution.
Sinabi naman ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na kailangang igiit ng gobyernong Duterte ang pagkamayari ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine batay sa The Hague decision na ayaw namang kilalanin ng China. Opo nga subalit kailangan na ang pag-uusap ay sa mahinahong paraan. Hindi kayang takutin ngayon ang China na waring nais mangyari ng Supreme Court Associate Justice. Ang US naman kasi, waring nawiling akala nila, ang Pilipinas ay teritoryo pa rin nila.
Heto ang nakasaad sa Article XVIII, Sec. 25. ng 1987 Constitution: “After the expiration in 1991 of the Agreement between the Republic of the Philippines and the United State of America concerning Military Bases, foreign military bases, troops or facilities shall not be allowed in the Philippines except under a treaty duly concurred in by the Senate and, when the Congress so requires, ratified by the majority of votes cast by the people in a national referendum held for that purpose, and recognized as a treaty by the other contracting State.”
Matupad kaya ang pangako ni Pangulong Duterte na hindi siya bibili ng mga military arms and equipment sa US. May posibilidad nga, dahil sa Independent Foreign Policy ng administrasyong DU30, maaaring may mga ibang bansang mapagkukunan na mababa ang halaga at hindi lang pantay ang kapabilidad kundi higit pa. Kaso baka masamain ng US.
Patuoy ang pagtutok ng pangulo sa corruption issues sa mga sangay ng gobyerno. May mga departamento na umano ay tinututukan ngayon ang Presidential Anti-corruption Commission. Kabilang ang Department of Labor and Employment Authority (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at National Commission on Indigenous People (NCIP). Ang Road Board naman ay kasalukuyang nasa parilya ng presidential desisyon.
Ang labanan ng mga sumabit sa orihinal na political party ng Pangulong DU30 ang isa pang dahilan kung kaya ang 2019 Government Appropriation Act (GAA) ay nabigong mapagtibay sa takdang panahon. Malinaw na produkto ‘yon ng Multi-Party System na nasa 1987 Constitution. Sabi nga ng mga kritiko, balimbing political system. Sana nga, mapag-aralan na kung dapat nang mabalik sa dating two-political-party system.
Kailan ba nagsimula at nangyaring ang Pilipinas ay naging tambakan ng mga basura from foreign countries? Unang nabalita ang basurang nagmula sa Canada. Sinundan ng nanggaling sa South Korea na ibabalik na raw? Ngayon pangulong Duterte ang nagiging janitor na dulot ng garbage problem. Sapat na bang maibalik na lamang sa pinanggalingan?
Karunungan ang magandang puhunan ng isang bata sa kaniyang kinabukasan.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.