Published on

Nobyembre 1 – 15, 2018

ni Paquito Rey Pacheco 

Ang incumbent mayor ang nagwaging kandidato for Winnipeg 2018 mayoralty elections. Muling nag-bow si Brian Bowman resulta na nakaraang October 24 Civic Elections. Ang problema ng pitong kandidato ay kakaunting exposure at maiksing kampanya.


Napapanahon ang malakas na suporta ng mga mamamayan dito sa Winnipeg sa Canada-wide handgun ban. Sa mga insidente ng iba’t ibang uri ng karahasan sa city, ang negative effect nito ay hindi dapat ipagwalang-bahala lamang ng city but province officials.


Nabalitang ang kaunlarang pangkabuhayan ng China ay waring naging mabagal sanhi ng trade battle with US due to trade tariff issues. Sa arms modernization issues naman, ang Russia umano ay higit nakakaungos sa nabanggit na dalawang super power.

Pilipinas

Patuloy ang umiinit na scenario sa nakatakdang May 14, 2019 mid-term elections. Nakapagharap na ng certificate of candidacy ang mga kandidato for the national and local elections. Marami nang napapatay sa mga hot election places. Naka-red alert ang mga tauhan ng AFP-PNP. Inutos sa kanila ng pangulo na bukod sa pangangalaga sa katahimikan ay maging neutral sa kinakaharap na halalan. Sa national, ang political parties ay naghahanda na ng kani-kanilang 12 senatorial candidates. About 152 ang nagharap ng COC. Siksikan ang mga kandidato ng mayoryang partido. Sa ibang political party sila maghahangad na makasama. Bukod sa Liberal Party na kinikilanang leading opposition party at sa partylist na more or less ay 180 ang nagharap ng COC.


Nakakalungkot ang umiiral na election system sa nakaraang 45 taon. Mula nang mawala ang two-party at napalitan ng multi-party, lumitaw na ang kabulukan ng misguided democracy na umiiral sa Pilipinas. Sana, maibalik na ang nakasaad sa 1935 constitution para maiwasan ang pangit na nangyayari ngayon. Karambola ng mga kandidato na waring kalamay na sari-sari ang sahog.


Noong ika-20 ng October, nabalita na mula sa isang leadership forum na ginanap sa Washington, DC., nagsalita si VP Leni Robredo. Sinabi daw na ang pangulong Duterte ay kabilang na ngayon sa mga populist president na may kalupitan at/o mapagmalupit na leader. Nakakasira daw sa democracy. Ang mga Filipino, sabi ng VP ay mapagmahal sa kalayaan at hindi papayagang ang Pilipinas ay muling magkaroon ng tyrannical rule.


Mula nang umiral ang nabanggit na political system sa pagpili ng magiging lider ng Pilipinas, ang nangyari pagkaraang makapaghalal ng pangulo, ang mga alipores ng nabigong lider ay naging mga political butterfly or star apple. Ang bagong halal na lider ay walang iniwan sa padre-de-pamilya. Nagkaroon na ng political relations mula sa mga partido.


Inamin ng pangulong Duterte na ang kaniyang pangakong mawawala ang corruption, criminality and illegal drug ay malamang na hindi ganap na mawala hanggang sa katapusan ng kaniyang termino sa 2022. Gayunman, mataas pa rin ang pagtitiwala ng mayoryang bilang ng mga mamamayan sa kaniyang liderato.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang daw nagkaroon ng pormal na kasunduan tungkol sa oil exploration project sa West Philippine Sea. Ang Pilipinas at Israel with its investor ay may Memorandum of Agreement (MOA) na pirmado na ng Pangulong Duterte. Sa nakaraang halos 46 years, hindi nangyari ito. Aminado si Pangulong Duterte na ang mataas na presyo ng langis ang malaking problema. Opo naman. Sa totoo lang, ang umiiral na halaga sa importasyon ng krudo ang tunay na nagpapahina sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang negative effect nito ang hadlang sa layunin ng Train na dahilan din ng mahinang kakayahan ng peso sa foreign exchange.


Noong ika-13 of October, ang UN Secretary General ay nanawagan sa mga lider ng bansa na sikaping mapigil ang paglaganap ng illegal drug trade. Ang Pilipinas ay kabilang na ngayon sa UN Human Rights Council (UN-HRC). Sinabi ni Salvador Panelo na ang kampanya ng DU30 administration vs illegal drug ay nasa tamang direksiyon.

Kaiba naman ang reaksiyon ng Anakbayan partylist Rep. Tom Villarin. Hindi daw karangalan kundi isang pananagutan sa mga mamamayan. Ang kahulugan daw ay maraming bilang ng taumbayan ang magiging biktima ng EJK. Ang pahayag ay sinangayunan naman ni former Rep. Neri Calmonares, Chairman ng Makabayan block.


Noong ika-22 ng October, ang Makati Regional Trial Court 148 ay tumangging magpalabas ng subpoena na pag-aresto kay Senador Sonny Trillanes. Gayunman, waring may kahinaan ang desisyon sapagkat ang legalidad ng Proclamation 572 ng pangulong Duterte tungkol sa amnesty ay sinangayunan din ng korte. May problema pa rin ang senador. Noong ika-15 ng Oktubre, nabalitang siya ay pinatatawag ng Pasay City Court prosecutor tungkol sa kaniyang kasong sedition. Hiniling ni Tillanes sa prosecutor na ibasura ang kaniyang kaso. Ang DOJ Secretary Menardo Guevarra ay nagsabi naman na ang mga dokumento ang pinakamatibay na saligan sa kasong sedisyon ng senador.


Halos pitong buwan na lang at ang 2019 election ay magaganap na sa bansa. Sana naman, maging maayos kumpara sa mga nakaraan. The result will determine the leadership of the president hanggang sa 2022.

Kasabihan

Ang kabutihan at kasalanan ay kapuwa may kabayaran.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback