Published on

Pilantik • Oktubre 16 – 31, 2018

ni Paquito Rey Pacheco 

Tungkol sa isyu ng lumalalang peace and order sa Winnipag, sinabi ni Mr. Tim Diack noong ika-3 ng September sa press conference na kung siya ay mahahalal na mayor, ang kaligtasan ng mga pasahero sa Winnepeg Transit ay isa sa kaniyang tututukan. Maglalagay ng audio and video directly sa mga pulis.

Sa totoo lang, Police ang higit na nakakaalam sa iba’t ibang uri ng lawlessness na nagyayari dito sa Winnipeg at kung papaano ang Winnipeg ay hindi na muling maturingang isa sa pangunahing lunsod sa Canada na pugad ng kriminalidad.


Malapit na ang nakatakdang civic election dito sa Winnipeg. May walong kandidato sa mayor. Incumbent na si Brian Bowman, Tim Diack, Omar Hayatt, Jenny Motkaluk, Doug Wilson, Venkat Machiraju, Don Woodstock at Ed. Ackerman.

Ang mga kandidato for municipal councils ay may mga kani-kaniyang riding na maliit ang lawak, kumpara sa mayoralty candidates na buong city sa kabila ng maikling araw ng kampanya. Sa totoo lang, ang current mayor indirectly ay nagagamit ang kaniyang posisyon kahit wala pa sa takdang official campaign period. There are about 750,000 voters.


US, Canada and Mexico Agreement (USMCA), ang bagong trade agreement na kapalit ng North American Free Trade Agreement (NAFTA). Ang pangunahing layunin umano ay mapangalagaan ang pangkabuhayan, industriya at manggagawa ng tinaguriang bansa sa North America. Nabalita na maraming kapitalista ang naghahangad na makapamuhunan sa iba’t ibang uri ng businesses sa Canada. Isang welcome news na karagdagang trabaho sa taumbayan na makakabuti sa pangkabuhayan ng bansa.

Pilipinas

Hanggang sa ngayon, ang iniwang negative effect ng bagyong Ompong sa kabuhayan ng bansa ay damang-dama pa rin ng mga mamamayan. Mataas na presyo ng mga bilihin. Karagdagang pagpapalabas sa pera ng gobyerno at paghina ng purchasing power nito. Inflation ang taguri na katulad ng panahon na mga pabagobago ng klima. Bigla na lang dumarating. Nagpapabago sa normal na galaw ng pangkabuhayang kalagayan ng bansa.

Hindi kaagad-agad maihahanap ng dagling sulusyon kung sa loob lang ng 12 buwan. Ang mataas na presyo ng krudo ang isa sa pangunahing dahilan. Ang paghahatid ng kailangan sa buhay ng taumbayan ay hindi agad makakarating sa kanila. Alalahaning gasolina ang gamit sa mga sasakyan. Ang mga makina ay hindi magagamit kung walang langis.

Ang mga dakdak ng biglang naging eksperto sa inflation and economy issues ay hindi na dapat pansinin. Inuluit ko ang aking sinabi dito noon. Ang pangunahing sanhi ng inflation sa kabuhayan at poverty ng taumbayan ay because of the population explosion.


Binalita ng pangulong Duterte sa meeting ng gabinete noong ika-9 ng October na hindi seryosong sakit ang kaniyang karamdaman, batay sa findings ng mga doctor na kaniyang kinunsulta. Nangangahulugang malamang namananatili siyang pangulo hanggang sa 2022, na kaniyang termino.

Una sa nabanggit na balita, sinabi ng DOJ Secretary, Menardo Guevarra na alam ng pangulong Duterte ang tungkol sa health issues na nasa 1987 Constitution kaya siya mismo ay kumunsulta sa mga doctor na ang resulta umano ay cancer-free.


Ang forced retirement sa pagka-CJ ni Teresita De Castro sa loob ng 41 na araw ay nagwakas na noong October 8. Ang kailangang humalili sa kaniya ay dapat daw na matapat, ayon sa retiradong dean of law sa Lyceum of the Philippine University. May independent but political and/or seniority, para manumbalik na independent institution ang Supreme Court.

Si Associate Justice Antonio Carpio na pinaka-senior Associate Justice ang nakatagang acting CJ ng Korte Suprema. Kasama siya sa listahan ng apat pang senior associate justices, nominated by the Judicial and Bar Council (JBC) na sina Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo and Estela Perlas-Bernabe.

Gayunman, kailangang nagharap sila ng letter of acceptance for CJ sa ika-15 ng October. Doon sa listahan ng JBC pipili ang pangulo ng kapalit ng nagretirong CJ. Ang problema ngayon, sabi ng pangulong Duterte, pinag-iisipan pa niya kung sino ang kaniyang itatalaga. Naghahanap daw siya ng karapat-dapat na kapalit ni former CJ Teresita de Castro. Talagang mahirap daw humanap ng inaakala niyang nararapat. Waring may pahiwatig na hindi niya nais sumunod sa napagkaugaliang based on seniority.


Ang kaso naman tungkol sa amnesty ni Senador Trillanes ay dapat ipaubaya na lang sa kasaysayan. Sa madali at malaong panahon ay tiyak namang magkakaroon ng resulta ang nakasalang na kaso ng senador sa Makati trial court tungkol sa validity ng kaso.


Puspusan na ang ginagawang paghahanda sa May 10, 2019 mid-term elections ng mga political parties. PDP-Laban ang mayorya at minorya ay koalisyon na pinangungunahan ng LP. Si VP Leni Robredo as their Chairperson at Sen. Francis “Kiko”Pangilinan naman ang pangulo. Kabilang sa koalisyon ng opposition party ang Akbayan, Magdalo, Tindig Pilipinas at Aksiyon Demokratiko.

Ang local elections ay karaniwang magulo kumpara sa national. Nagsimula na nga ang patayan na may kinalaman sa local elections gayong walong buwan pa bago ganapin ang elections. Ang pinaghahandaan sa national ay mga kandidatong 12 senadors kapuwa ng mayorya at minoryang koalisyon ng LP.


Sa totoo lang, kahit na may takdang panahon for gun prohibition during the election period, walang katiyakan para ganap na mapigilan. Nangyari na noon at tiyak na mangyayari din ngayon during the local campaign period. Lubhang maraming armas ang nasa kamay ng taumbayan.


Sanhi ng election fever, hindi kukulangin sa anim ang bilang ng mga kagawad ng gabinete na kusang mawawala sa kani-kanilang katungkulan. Kakandidato sila sa national as senators at ang iba ay sa local as representatives, governors, city and town mayors.


Ang resulta ng mid-term elections will define the leadership of president Duterte. Hindi pa malinaw kung ang Smartmatic machine na ginamit sa Philippine electons since 2010 ay gagamitin pa rin ngayon sa 2019. Ang whereabouts of the Comelec chairman noon, hanggang ngayon ay walang balita kung nasaan na siya ngayon.


Binalita noong ika-4 ng Oktubre ng Deputy AFP Chief of Staff Antonio Parlade, Jr. na hindi kukulangin sa 18 ang bilang ng Colleges and Universities ang infiltrated by the Communist Party of the Philippines (CPP). Nilinaw naman ng AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na may hawak nga silang mga dokumento.

Sinabing kanilang nililinaw kung totoo. Sakaling totoo, marahil hindi naman daw lahat ng nabanggit na educational institution na nasa listahan ay aktibo. History repeats it self na naman. Totoo naman na sa Metro-Manila ay may mga college and university na pinagmumulan ng activism movement.


Samantala, sinabi ng US Vice President Mike Pence na ang namumuong tension sa US at China ay hindi lang tungkol sa trade, but armed conflict sa South China Sea. May kinalaman din sa freedom of navigation sa nabanggit na karagatan na kabilang ang Japan na kanilang pinaghahandaan.


Ang nabalitang joint petroleum exploration proposal ng Pilipinas at Israeli firm sa Northwest part of Palawan ay isang pang magandang proyekto na magkakaloob ng positibong resulta sa ekonomiya ng Pilipinas. Nabalitang ang Memorandum of Agreement (MOA) tungkol sa proyekto ay napirmahan na ng pangulong Duterte.

Kasabihan

Karaniwang hindi dumarating ang hinihintay sa takdang panahon.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback