Published on

Setyembre 16 – 30, 2018

ni Paquito Rey Pacheco 

Hindi lihim sa atin na ang Canada ay maraming problema – politically at financially. Dito sa Winnipeg, lawlessness ay malaking problema pa rin. Ayon kay G. Fred De Villa ng Winnipeg Breakfast Council, ang namumuno ng City ay waring walang malasakit sa pagkakaroon ng katahimikan.


Noong ika-9 ng September, isang pangkat ng mga kababaihan dito din sa Winnipeg na tinaguriang Group 204 ay nagkaroon ng panayam na ginanap sa PCCM. Ang tema ay tungkol din sa mga nangyayaring karahasan ngayon. Si G. Tim Diack, na isa sa candidates for mayor at kasalukuyang police officer ay kanilang inanyayahan.Tinanong kung ano ang kaniyang gagawin if elected mayor.


Ang kasalukuyang relasyon ng US at Canada sa ilalim ng pamumuno ni Trump at Trudeau ay walang iniwan sa magkapit-bahay na hindi magkasundo. Dahil sa trade issue, ang Canada ay nawalan na nga ba ng papel sa North American Free Trade Agreement (NAFTA). Nabalita kasi na sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na “no NAFTA deal is better than a bad deal.” Tugon daw sa sinabi ng President Trump na ang US at Mexico ay may bagong kasunduan regarding NAFTA. “It is up to Canada to get on board.” Take it or leave it.” Mahirap matiyak sa ngayon kung ano ang nasa isipan ng mayoryang bilang ng Canadian.

Pilipinas

Ang karaniwang laman ng mga balita sa bansa ay tungkol sa peace and order pa rin, anti-illegal drug, katahimikan sa Mindanao, pangkabuhayan at 2019 mid-term national and local elections. Subalit sa halos kalahati ng September, ang mainit na mga balita ay tungkol sa planong pagpapatalsik kay Digong sa pagka- Pangulo. Pinangunahan umano ni senador Trillanes at grupong Magdalo na kasabwat ang NPA-CPP. Hinamon ng pangulo ang grupo ni Trillanes sa military na patalsikin siya sa puwesto. Ok daw kung magagawa nila. Sinabing maikli ang nalalabing three-years na kaniyang termino subalit hindi siya nagsisisi.


Ang maiinit na balita ay nagmula sa amnesty issues ni Trillanes na binale-wala ng pangulo. Sinabing peke, dahil ang amnesty ni Trillanes sa kaniyang dalawang kasong rebelyon ay si former DND Secretary Gasmin ang nagpasiya, hindi si former president Noynoy Aquino. Tila nagulat at nabigla si Trillanes. Hindi niya inaasahang mangyayari sa akalang napatawad na siya sa kaniyang kasong rebelyon. Nadagdagan pa ang problema ng senador dahil ang TRO na hinain ng kaniyang mga abogado, hindi pinatulan ng Supreme Court. Si Trillanes ay sundalong marino. Ang mga sundalo ay may sariling hukuman. Ang court martial na nagdidisiplina sa mga kagawad ng AFP- PNP. Si Trillanes ay naturingang malaya subalit nakakulong sa kaniyang senate office. Alam niya na sa sandaling may pinalabas na subpoena ang korte, sa kulungan naman ng AFP or PNP ang kaniyang bagsak.


Kung patuloy na mangingibabaw sa bansa ang economic oligarchy at maruming politika, abuso sa freedom of expression at umiiral ngayong trade globalization ay talagang problema. Sa negative effect ay kabilang ang Pilipinas sapagkat isa rin sa mga developing countries. Talagang ang bansa ay mahihirapang makaahon sa kahirapan. Dapat maunawaan ng mayoryang bilang ng mga mamamayan ang dahilan ng mataas na halaga ng mga bilihin. Tama ang sinabi ng pangulong Duterte na ang sanhi ay dahil sa mataas na halaga ng krudo na nanggagaling sa ibang bansa. Lahat nga naman na kailangan sa kabuhayan ng mga tao ay apektado. Sinabi ng pangulo na ang problema ay tinututukan daw ng mga ekonomista ng gobyerno. Ginagawa ang lahat na maaaring gawin para malunasan ang nabanggit na problema. Alalahaning lahat ng bansang ang kanilang pera ay nakatali sa US dollar tulad ng Pilipinas ay apektado ang kabuhayan.


Ang mga opisyal ng Department of Agriculture, particular the National Food Authority (NFA) ay nabigong mapangalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka. May punto ang panawagan ni Senador Cynthia Villar at Buhay Representative Lito Alienza. Dapat magbitiw na sa katungkulan ang DA secretary at pinuno ng NFA. Nakakatawa ang suhestiyon ni Secretary Pinol. Nabalita na ang rice smuggling daw ay gawing legal. Ano ba ‘yan? Smuggling is smuggling. Smuggling is illegal. Ang hanap-buhay ng mga farmer na tanging pinagmumulan ng mga pagkain ay gusto bang tuluyang mawala dulot ng smuggling? Hindi ba nila alam na sanhi ng kanilang kapalpakan, ang pangulo ang tiyak na magpapasan. Kaya naman kaagad tinutulan ng pangulong Duterte ang ideya. Binalita ng President na ang NFA Administrator Jason Aquino ay gusto nang magpahinga. Maghahanap na raw siya ng kapalit.


Ang buffer stock ng NFA ay hindi palay kundi imported rice na malimit naatraso ang pagdating sa Pilipinas kung kailangan. Isang dahilan kaya maraming bodega ng NFA ang nawalan ng laman. Sana, sinabayan ng NFA ang pribadong magbibigas na namimili ng palay. Ang halaga ay karaniwang mababa sa panahon ng harvest time. Ang NFA ay may palay na maaaring bigasin habang hinihintay ang pagdating ng imported rice. Talagang ang imported rice ay hindi maaaring imbakin sa matagal na panahon. Sayang ang dollars na ginamit sa rice importation na nagkakaroon ng bukbok. Kahit sinasabing maaaring kainin. Opo nga subalit kung may amag na, baka po makalason.


Ang corruption sa gobyerno ay isa sa nais ng pangulong Duterte na mawala. Sa importation po ba ng bigas ay walang corruption? Sana ang importation ng bigas ay hindi naging priority ng DA-NFA Council. Ang nangyari, hindi magsasakang Pinoy ang natutulungan kundi Vietnam at Thailand farmers.

Sinabi ng pangulong Digong na ang rice shortage issue ay just politics. Opo nga, subalit ang nabalitang maraming pumila ngayon sa NFA rice ay may negative political results. May katutubong batas – the law of supply and demand. Ang pagpila ng mga tao sa bigas ay isa pang political issue na malamang gamitin ng opposition parties sa 2019 elections.


Ang nangyari ay maliwanag na isang wake-up call that history might repeat itself. Alalahaning dahil sa rice issue, former presidents ay nawala sa pagkapangulo. Carlos P. Garcia, napatalsik ni Diosdado Macapagal at napaalis naman ni Ferdinand E. Marcos. Gayunman, waring malabo mangyari ngayon. Matatag ang liderato ng pangulo.

Kasabihan

Kabutihan, kasalanan, may katugong kabayaran.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback