Published on

Setyembre 1 – 15, 2018

ni Paquito Rey Pacheco 

Nabalitang nakatakda nang tapusin ng US and Mexican officials ang bagong patakaran ng North American Free Trade ( NAFTA). Inaasahan na ang Canada ay muling mahikayat na maki-isa sa nabanggit na trade agreement.


Ang nabalitang trade conflict between US and China ay maaaring may kinalaman din sa World Trade Organization. Possible din umano na makapagpabago sa ekonomiya ng mga umuunlad na bansa.


Samantala, nabalita na noong nakarang taon halos 72,000 ang bilang ng mga drug addicts na namatay, ayon sa US Center of Disease Control. Binanggit ang mga lugar na kabilang ang state of Florida, California, Ohio at Pennsylvania.

Pilipinas

Noong ika-30 ng August, minsan pang ginunita ang araw ng kapanganakan ni Marcelo H. Del Pilar. Ang kinikilalang Father of Philippine Journalism. “Plaridel,” ang kaniyang pen name. Sinilang noong 1850 sa Cupang – ngayo’y Barangay San Nicolas, Bulacan, Bulacan.


Nakakalungkot ang nangyari sa NAIA noong halos middle of August. Maliwanag na isang problemang hindi naiwasan. Isipin na lang, kung hindi naman nangyari ay walang makakaisip na kailangang magkaroon ng solusyon. Ngayon lumutang ang mga inaakalang paraan para hindi na maulit ang nabanggit na pangyayari. Sanhi sa masikip na NAIA, naisip ang kaukulang solusyon. Dapat daw magkaroon ng mga additional Airport. Nabanggit ang proyekto ng Philippine Air Lines (PAL) ng San Miguel Corporation na Bulacan International Airport na may suporta ng Philippine International of Chamber of Commerce.


Dapat lang na si Associate SC justice Teresita De Castro ang napiling kapalit ni Maria Lourdes Sereno. Siya ang pinaka-senior sa tatlong nasa short list ng JBC at hindi kukulangin sa 40 taon ang karanasan sa judiciary. Gayunman, sanhi sa mandatory retirement, sa October 8, halos 45 na araw na lang ang kaniyang panunungkulan as SC Chief.


Ang peace and order ay mananatiling laman pa rin ng mga pangunahing balita, so with anti-illegal drug, Cha-cha, terrorism, corruption sa mga tanggapan ng gobyerno at political fever sanhi sa nakatakdang 2019 national and local mid-term elections. Malabong talikuran ng pangulong Duterte ang nabanggit na mga pambansang problema. Sanhi ng kampanya sa pagbabago natural lang na kung may positive, hindi naman maiiwasan ang negative effect sa mamamayan.


Tungkol sa illegal drug, ang pamamayagpag ay hindi lang pala sa Metro Manila. Ang problema ay mahirap magkakaroon ng solusyon. Sa dinami-dami ng mga isla sa Pilipinas, imposibleng mabantayang lahat ng nabanggit na mga lugar. Tiyak na nagagamit sa pagpupuslit papasok ng ano mang bagay sa bansa.


Halos lahat daw ng opisina at departamento ng gobyerno ay may graft and corruption na ayon sa pangulo ay nagpapasakit ng kaniyang ulo. Binalita ang nangyari sa V. Luna Medical Center kaya daw ang mga opisyal ay tinanggal niya sa katungkulan. Sinabing sa nakaraang dalawang taon ng kaniyang pamumuno, nalaman niya kung gaano ka-grabe ang problema. Binanggit din ang tungkol sa OFWs. Iniiwan ang mga pamilya, nagtatawid dagat para humanap ng ikabubuhay at mapag-aral ang mga anak. May mga kaso ng nasisirang pamilya. Nakakaranas ng abuso ng mga amo at bangkay nang inuuwi sa Pilipinas.


Samantala, ang federal form of government na nais ipalit sa kasalukuyang democratic presidential ay mahabang proseso. Maaaring kulangin sa panahon. Waring mahirap maihabol para sa isang plebiscite sa 2019 national and local elections ang hinandang panukalang federal charter.

Nagbabala ang business group. Nagpalabas ng joint statements vs Federalism. The Philippine Chamber of Commerce and Industry, Employers Confederation of the Philippines, Financial Executives Institute of the Philippines, Management Association of the Philippines, Exporters Confederation Inc., Makati Business Club at Cebu Business Club. Sang-ayon sila sa pinahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III and Economic Secretary Ernesto Perina’s reservation sa draft Federal Constitution na hinanda ng Consultative Committee na tinalaga ng Pangulong Duterte. Partikular na tinukoy ang financial provisions about division of revenues and spendings of the National and Federal Regions.


Ang PDP-Laban ay may sugat na kailangan munang maghilom. The regional political party na Hugong sa Pagbabago (Alliance for Change) ni Sara Duterte ay malamang na maging national political party. Kasi, mismong ang pangulong Digong ay nanumpa as member ng HnP. Natural lang naman na ang pangulo ay maghangad ng masasandalan. Kasi, ang PDP-Laban sa ngayon ay walang iniwan sa bangka na gegewang-gewang sa gitna ng maalong dagat. Kailangang magkaroon ng katig ang magkabilang panig. Iyon ang alliance ng Sara-Imee at Gloria.


Ang Presidential Communication Operation Office (PCCOO) ay nagpaalala sa kanilang mga officials and employees na pag-ingatan ang pagpapalabas ng mga balita sa social media. Sinabing maaaring magbunga ng public opinion na iba ang maging kahulugan.


Nabanggit ko dito, na noong panahon ng Noynoy Aquino, ang NFA ay inalis sa Department of Agriculture at nilipat sa Executive Department. Recently, nabalita, na ayon sa COA, 5.1 billion pesos na para sa food security was deposited to the Land Bank under the NFA savings account. Ang nabanggit na pera ng NFA ay hindi ginamit sa pamimili ng palay. May iba daw pinagkagastusan. Nagkautang pa daw ngayon ang NFA sa Land Bank ng halagang 5.1 billion pesos. Ang gobyernong Duterte ngayon ang nagbabayad sa Land bank ng nabanggit na halagang utang ng NFA.

Marahil alam ni Senador Kiko Pangilinan kung saan ginamit ang perang pambili ng palay. Kasi, nasa Malacañang siya noon bago siya kumandidatong senador. Ngayon, nabalitang mismong ang nasa Malacañang ay may planong buwagin na ang NFA. Baka nga kailangan, dahil ang nilalayon ng NFA kaya natatag ay hindi naman tinutupad. Ang katungkulan ay mamili ng palay during harvest time. Imbakin at kung kailangan ay bigasin at ipagbili sa subsidized price sa mamamayan. Hindi kasi naging priyoridad ng mga sumunod na gobyerno sa Marcos-Lopez administration ang rice and corn production. Ang kailangang pagkain ng mga Filipino ay inasa through importation. Foreign farmers ang nakinabang.


Ang plano ng gobyernong Duterte na pagbili ng mga Russian weapons and other military equipment ay hindi minabuti ng US defense officials. Subalit noong ika-23 ng August, binalita ng pangulong Digong na ang Washington daw ay nag-aalok ng tulong sa military modernization Program ng Pilipinas. Ang alok ng tatlong matataas na opisyal ng US ay hindi tinanggap ng pangulong Duterte. Sa halip ay sinabing isoli na lang nila sa Pilipinas ang Balangiga Bell na sagisag ng kabayanihan ng mga sundalong Filipino during the Philippine-American war.

Sabagay, sabi nga ng mga kritiko, ang alok ng US na tutulungan ang Pilipinas sa military modernization program ay dapat pag-aralang mabuti. Kasi noon daw panahon ni Noynoy ang binentang dalawang barko ng US sa Pilipinas ay luma. Ang mga barko from China and Russia ay bago. Sinabi ng Russian Ambasador sa Pilipinas, Igor Khovaev, sana daw respetohin ang relasyon ng Pilipinas at Russia.

Kasabihan

Karanasan lamang, ang mabisang guro sa kaalaman ng tao.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback