Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoAgosto 16 – 31, 2018

ni Paquito Rey Pacheco 

Nagtatanong si Mayor Brian Bowman bakit ang stadium proposal na ipasa sa pribadong sector ang panganib ay pinabayaan. Sinisisi ng Mayor si former Premier Greg Salinger at Mayor Sam Katz kung bakit the proposal of private sector ay pinabayaan. Ang allocated risk ay binabalikat daw ngayon ng taxpayers na hindi dapat mangyari.


Pinagtibay na raw ng mga official sa Ottawa na ipatupad ang panukalang Universal Basic Income. Nangangahulugan ng minimum salary na ipatutupad sa buong bansa. Gayunman, magastos umano na kakailanganin ang hindi kukulangin sa 40 billion dolars.


Sa larangan ng mga bansang matatag ang kabuhayan, nabalitang may limang bansa ang kapantay na humigit-kumulang sa USA. Binggit ang Brazil, Russia, India, China at South Africa (BRICS) Kailang lang ay nagkaroon umano ng panayam ang mga lider ng BRICS, ginanap sa Johannesssburg South Africa. Hindi malayong ang pagkakaisa ng nabanggit na mga bansa ay magkaroon ng negative effect sa ekonomiya na Amerika.

Pilipinas

Nasabi na ng Pangulong Duterte sa kaniyang ikatlong SONA ang mga patuntunan na prioridad sa nalalalabing panahon ng kaniyang termino. Pangunahin ang tungkol sa katahimikan at kaayusan ng bansa, pangkabuhayan, trabaho at mawala ang corruption sa mga tanggapan ng gobyerno. Magpapatuloy din ang kampanya laban sa illegal drug sa kabila ng mga batikos na tinataggap ng PNP na ginagawa lamang nila ang kanilang katungkulan. Sinabing ang mga gumagawa naman ng mali sa PNP ay parurusahan, gayon din ang mga pribadong mamamayan na ginugulo ang lipunan.

Ang katahimikan at kaayusan ng bansa, sabi ng pangulo sa simula pa ang nasa kaniyang prioridad. Ang problema nga lang, sanhi sa kasalukuyang sitwasyon na may mga 1.8 million guns registered and not. Waring mahihirapan ang pangulo na maiwasan ang patayan. Lalo na ngayong panahon ng kampanya sa elections.


Mismong ang nangyaring political disorder sa PDP-Laban ay maliwanag na karagdagang problema ng pangulong Duterte. Kabilang ang biglang pagka-speaker ni former president Gloria Macapagal Arroyo na hawak ni Rep. Pantaleon Alvarez na waring pamamaga ng political wound sa partido ni Digong.

Ang PDP-Laban sa kapulungan ng mga kongresista ay nahati sa dalawa; grupo nina Pimentel-Alvarez at Rogelio Garcia. Sa nakaraang panayam na ginanap sa Malacañang, sinabi ng pangulo na kailangang magkasundo ang dalawang paksiyon ng partido. Kundi hindi, better to part ways.


Nais ng pangulo na maihanda ng kongreso na ang federal constitution. Ang 2019 national and local elections is about nine months na lang para maiharp sa plebiscite. Malamang kulangin sa panahon. Sa kapulungan ng mga kongresista, because of GMA ay maaariing makalampas, subalit sa senado ay baka Yes or No.

Sakaling makalampas sa kapulungan ng kongreso, alin kaya sa dalawang sistema? Through constitutional assembly (con-ass) or constitutional convention (con-con)? Ang con-ass ay sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga kongresista at senador. Sila rin ang dapat magpapatibay ng Federal Charter.

Tungkol naman sa Con-Con, ang paraan ay sa pamamagitan ng convention. Taumbayan ang maghahalal ng mga delegado sa kondensiyon na maghahanda ng proposed charter. Malalaman lamang kung tatanggapin ng taumbayan o hindi through referendum. Ang proseso ay higit na matagal kupara sa con-ass.


Samantala, ang minadaling Bangsamoro Organic Law (BOL) ay pirmado na ng pangulo. Republic Act 11054, otherwise known as Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM). Katahimikan doon ang pangunahing layunin. Malalaman na kung tagumpay ang motibo ng BOL.


Sa mga walong priority bills ni President Duterte na binanggit ng sa SONA ay kasaman ang pagbuo ng Disaster Management Department, universal health care, labour contractualization, national land use, tax reform for acceleration and inclusion, at rice tariffs. Maliwanag na ang rice tariffs ay tungkol sa importation ng bigas na pangunahing pagkain ng mga Filipino. Ang food production kasi ay nawala sa priyoridad ng nakaraang gobyerno. Sa ngayon, mahina ang purchasing power ng Philippine peso. Kung pag-iisipan, ang masakit na pangyayari, foreign farmers ang gainers sa lalabas na pera ng gobyerno.

Noong unang araw ng August, nabalita na ayon sa Department of Agriculture Secretary, Manny Pinol, ang National Food Authority (NFA) ay mamimili ng palay sa Farmers Cooperatives and Associations sa Region 6. Buti naman sapagkat talagang iyon ang katungkulan ng NFA. Mamili ng palay sa mga magsasaka sa panahon ng anihan at ipagbili ang bigas sa mga mamamayan sa subsidized price.

Teka, bakit naman ang pamimili ng palay na sinabi ni Sec. Pinol ay sa Region 6 lang ngayon? Hindi nabanggit ang iba pang pinanggagalingan ng palay sa Luzon. Tulad sa Nueva Ecija, Pangasinan, Isabela, at iba pa? Pribadong negosyante ang mamimili ng palay, pagkatapos pagbibintangan ng hoarding, hindi tama ‘yon.

Buti na lang, ang kapabayaan sa produksiyon ng palay at mais ay nabigyan ng alalay ng maraming Filipino farmers. Nahalinhan ng piggery, poultry, fisheries at gardening sa maraming lugar ng bansa. May mga puno ng niyog at saging at iba pang prutas.


Nangako si Speaker Arroyo na ang Duterte’s proposal for income tax reform and fiscal incentives rationalizations ay susuportahan sa kapulugan ng mga kongresista. Ang panukala ay magkakaloob ng poteksiyon kapuwa sa mga mamumuhunan at manggagawa sa Pilipinas. Pinangako rin ng speaker na ang budget ng gobyerno ay magiging fair to all lawmakers. Binigyang-diin na ang allocations sa mga mayorya at minoryang kongresista ay may kani-kaniyang distrito na dapat makinabang sa serbisyo. Gayunman, sana po ay mawala na ang pondo na kaparis ng dating tinaguriang karneng baboy.


The National ID System na malaong pinangarap ni former President Fidel V. Ramos ay nangyari na ngayon. Sinabi ng mga nasa Malacañang na ang ID ay makakabawas ng red-tape na nangyayari hindi lang sa tanggapan ng gobyerno kundi sa mga pribadong tanggapan pa rin na pinupuntahan ng mga tao. Magagamit din sa pagkakaloob ng tulong sa mga biktima ng natural calamities, nasunugan at iba pang mga pantulong ng gobyerno at pribadong sector.


Ang dating Court of Appeals Justice, Jose Reyes ay itinalagang Associate Justice ng Supreme Court, kapalit ng Associate Justice Presbiterio Velasco, Jr. na nagretiro noong nakaraang ika-8 ng August. Si Reyes ay ikalimang Associate Justice appointed by President Duterte sa Supreme Court. Nabalitang sinimulan na rin ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagpili ng short list of candidates para sa Chief Justice ng Supreme Court.


Noong ika-6 ng August, nabalitang nagkaroon ng ceremonial signing ang BOL sa Malacañang. Muling nabanggit doon ng pangulo ang tungkol sa katahimikan ng Mindanao. Sinabing kung magpapatuloy ang kaguluhan, mga bata, matanda at maraming kababaihan ang mahihirapan. Subalit ang nangyaring pagsabog sa Basilan ay nananatili palaisipan tungkol sa motibo ng may kagagawan.

Kasabihan

Ang susi sa tagumpay ay pagpapakasakit. Kailangang harapin ang anumang pagsubok sa buhay.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback