Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoAgosto 1 – 15, 2018

ni Paquito Rey Pacheco 

Napapanahon ang paghahanda ng Canada’s federal government na higpitan ang pagpapatupad ng handgun law, sinabi ng Public Safety Minister, Ralph Goodale. Gayunman, inamin ng minister na ang amyenda sa batas at pag-uuri ng mga armas ay hindi madaling gawain. Kailangan pa rin ang pagpapalakas sa criminal code.


Binalita ng MP, Doug Eyolfson na ang panukalang Universal Pharmacare sa Canada ay sisikaping mapagtibay ng Ottawa before the 2019 Federal Elections. Sinabi naman ni Kevin Lamoureux, MP sa Winnipeg North, na ang napagtibay na resolution during the recent LP-MPs meeting sa Halifax ay napapanahon. Nais ng Ottawa that the necessary medicine and services be included to Canada’s Universal Pharmacare programs.

Pilipinas

Malaman ang mga binitiwang pangungusap ni President Duterte sa kaniyang ikatlong SONA noong ika-23 ng nakaraang buwan. Sinisikap na maihanap ng sulusyon ang iba’t ibang uri ng problema ng bansa na balakid sa kaniyang hinahangad na pagbabago. Nabanggit ang tungkol sa corruption sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno na ayon sa pangulo ay ninanakaw ang pera ng taumbayan. Nais maging maayos ang mga negosyo sa bansa at madaling paglilingkod sa mamamayan na dumudulog sa tanggapan ng pamahalaan. Ipagpapatuloy ang independent foreign policies at proteksiyon sa mga OFWs.

Hindi kukulangin sa 10 na iba pang makahulugang pagbabago sa kabuhayan at katatagan ng bansa ang binanggit ng pangulong Digong. Katahimikan at kaayusan ng bansa ang nananatiling pangunahing problema ng Pilipinas na kaniyang tututukan. Kabilang sa priyoridad ang social and education services.

Patuloy ang puspusang kampanya ng Duterte administration laban sa illegal drug. Sinabi ng Pangulo na ang mahalaga sa kaniya ay “human lives, kumpara sa human rights,” bilang sagot sa Amnesty International.


Naitalaga nang lahat ang pitong commissioners ng Commission on Elections for the May 13, 2019 mid-term national and local elections. Ang Chairman ay si Sheriff Abas. The newly appointed commissioner ay si Judge Antonio Kho, Jr. Sina Abas at Kho ay manunungkulan hanggang 2022.


Ang pangunahing political and economic issues ngayon ay tungkol sa federal form of government and the Build, Build, Build project of the administration. Minamadali ng Duterte administration ang panukalang federal form of government. Kailangan bang madaliin? Marahil dapat munang maipaliwag nang ganap sa taumbayan ang klase ng gobyernong ipapalit sa kasalukuyang sistema. Hindi kaya higit na mabuting amyendahan na lang muna ang umiiral na 1987 constitution? Minadali rin noon kaya maraming probisyon ang dapat maituwid na lang sa ngayon. Sana ang charter ng federal form of government ay ihanda na lang muna. Ipaliwanag sa taumbayan and then through plebiscite ay tiyak na malalaman kung tatanggapin ng mayoryang bilang ng mamamayan ang uri ng gobyernong nais ipapalit sa kasalukuyan.

Ano bang uri ng federalism ang nais ipalit sa current system of government? Federal-presidential state ba na kaparis ng sa US, o federal-parliamentary na katulad sa Canada? Tungkol sa katatagang pangkabuhayan ng mga mamamayan, halos pareho din ang resulta. Sa US, halos magkakasabay ang lugar na maayos ang kabuhayan. Kaya naman alalay na lang from the national government ang kinailangan. Sa Canada naman, hindi sabay-sabay ang pagpapaunlad sa mga lugar ng bansa. Inaalam muna ng national government ang kalagayan ng local government. Doon muna binubuhos ang tulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

Sa kalagayan ngayon ng Pilipinas, alinman sa nabanggit na sistema na ginawa sa US at Canada ay mahirap matularan. Halimbawa, sa Metro Manila, higit na maraming negosyo na mapagkukunan ng pondo ang gobyerno. Hindi lalampas sa 10 ang mga lugar ng bansa na may gayong kakayahan na mapagkukunan ng national and local taxes. Ang matatag nang lugar ay lalong uunlad samantalang ang developing lamang ay mahihirapang makahabol.


Ang Build, Build Build project naman ng gobyerno ay magandang pakinggan. May sapat bang pondo ang gobyerno para sa mga panukalang proyektong pangkabuhayan? Walang gaanong problema sa lupa at manggagawa. Saan naman manggagaling ang salapi na kakailanganin? Nabalitang ang utang ng Pilipinas ngayon mula sa local and foreign creditors ay mga 1.19 trillion pesos. The high inflation ng bansa ay dulot umano ng global trend na apektado ang mga developing countries. May kinalaman din ang mataas na halaga ng US dollar sa foreign money exchange. Gayunman, nabalitang ayon sa World Bank, tinatayang ang local output or gross national product grew 6.7 per cent at mananatili ngayon sa 2018. Nabalita rin na ang direct foreign investment from July 2016 hanggang March ng current year will be more or less 16 billion dollars.


Ang Bangsamoro Organic Law (BOL) ay bagong batas. Paano kung may komontra at magharap ng petisyon sa Korte Suprema at mahatulang ang nabanggit na batas ay unconstitutional? Kailan ba raw nagkaroon ng pagkakasundo ang ating mga kapatid na muslim sa Mindanao? Nakakalungkot ngang pangyayari. Mula’t sapol kasi sila ay may iba’t ibang tribu tulad ng mga Tausog at Maranao. Noong panahon ng Ramos administration, natatag ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Nur Misuari ang Chairman.

Hindi rin nagkaisa ang ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao. Nagkaroon naman ng breakaway group na Moro Islamic Liberation Front (MILF). Mula sa MILF ang Moro Islamic Freedom Fighter (MIFF). Pangunahing sanhi kaya maraming nagsilisan at ngayo’y nasa iba’t ibang lugar ng Luzon.

Ngayon ay Bangsamoro Organic Law ang kapalit na ng ARMM. Magkaroon na nga sana ng tunay na pagkakaisa ang ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao na ang lugar ay hindi na lang maging promised land kundi tunay na lupang magandang panahanan.


Nabalitang ang SONA ng pangulong Duterte ay muntik na hindi mangyari na ang dahilan ay tungkol sa speakership kudeta sa kapulungan ng mga kongresista. Ang former president, Gloria Macapagal Arroyo na current representative ng Pampanga ang speaker na ngayon, hindi na si Rep. Pantaleon Alvarez. Ilang senador ang nangangambang baka ang puntirya ni Speaker Arroyo ay maging prime minister sakaling ang federal form of government ang maging sistema ng gobyerno a Pilipinas. Nagbabala ang ilang kritiko at politiko. Sinabing si GMA ay beteranang mang-aagaw ng kapangyarihan.

Gayunman, nabalitang ang mayoryang bilang ng mga senador ay malabong pumayag. Hindi na rin maiiwasan ang reorganisasyon sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso. Si Gloria na kaunaunahang babae na naging speaker ay nangakong itataguyod ang mga pangakong pagbabago ng pangulo.


Samantala, pangulong Duterte ay pinapurihan ni Acting Chief Justice Antonio Carpio. Sa SONA ay binanggit ni Digong na ang Pilipinas ay maninindigan sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. Pinapurihan din ang Independent Foreign Policy ni Digong at mabuting pakikitungo nito sa China.


Dalawang tulay na may dalawang lanes ang nakatakdang gagawin sa Pasig River. China ang panggagalingan ng pondo na kabilang sa Build Build Build project ng gobyerno. Ang mga lugar ng panukalang mga tulay ay nagkaroon na ng ground breaking ceremony.


Ang Amerika at Pilipinas ay magkaibigan, magkahangga at magkakampi. Sinabi naman ng ilang kritiko na kaya naman ang turing ng US sa Pinas ay kanila pa rin na teritoryo. Isang sanhi pa rin kaya ang pinaiiral na patakaran sa kabuhayan ay kapitalismo.

Katas

Sa loob ng 2019 malalaman ang inaakalang magiging ending ng Duterte government.

Kasabihan

Hindi lahat ng nais mangyari ay nakukuha sa santong-paspasan!

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback