
Opinions
![]() |
Hulyo 16 - 31, 2011 |
Good news ang balitang sinisikap ng Manitoba government na manatili ang kasalukuyang patakaran nito sa Provincial Nominee Program. Bad naman ang plano ng bagong gobyerno sa Ottawa “to put a cap on immigration.” A wake-up call for immigrant families adversely affected by such a move, if implemented. Sponsorships for parents of Canadians may take longer. Dito sa Winnipeg, alin man sa NDP at PC ay hindi nakakatiyak makaungos sa October 4 provincial elections. Sa rural Manitoba na tradisyonal balwarte ng PC, eh, baka maraming magulat sa hindi inaasahang resulta. Nasungkit na kasi ng Conservatives ang kapangyarihan sa Ottawa. Binabraso na ngayon ng adminstrasyong Harper ang sulusyon sa controversial issues. Halimbawa ang biglang tinakdang anti-labour resolution against Canada Post employees. Palibhasa’y pangarap, kaya hanggang ngayon, “American dream” pa rin ang naririnig na sinasabi ng mga Kano. Nangangarap maiwasan ang matinding resesyon sa bansang mayaman pero nakabaon sa utang. Sa PilipinasHonesty and integrity ni Noynoy ang ibinalitang matatag na pondasyon ng kaniyang administrasyon. Nabalik daw kasi ang tiwala ng mga tao sa gobyerno, na nawala sa panahon ng gobyernong Arroyo. Aba, nadidiyeta na raw ang mga kakampi ni GMA dahil sa pagtitipid ng gobyerno ni PNoy. Ah, ‘yon ba ang dahilan kaya may 32 konresista at 18 gobernador na dating mga alipores ni Gloria ay kumabit na kay Noynoy? Saan kaya manggagaling ang 1.8 trillion pesos na panukalang badyet ni PNoy para sa 2012? Tax collections and duties from customs ay hindi sapat. Uutang na naman? Dahil kailangan, tiyak kakagatin ng nangungutang ang diktang mataas na interes ng nagpapautang. Ang CCT dole out sa mahihirap ng Aquino administration ay halos kaparis ng Emergency Employment Agency fund noong panahon ng Papa ni Gloria. One-day millionaire ang mga nakatanggap ng pera. Ang pondo naman ng EEA ni Cong Dadong ay nalusaw sa grass-cutting employment dahil lumalago din naman ang pinuputol na damo. Sayang, ang taxpayers’ money ay nalagay sa “non-productive investments.” Mabisa nga yata ang galonggong-Peking duck diplomacy. Nabalitang napakalma ng Maynila at Beijing ang tungkol sa West Philippine Sea issues. Hindi kaya puro drawing lang ‘yon para matuloy ang planong trip ni PNoy sa China sa Agosto o Setyembre. Mula pa noong panahon ng Papa ni Gloria, magaganda ang sinasabi sa SONA ng mga naging presidente ng Pilipinas. Gayunman, karamihan ng resulta ay “SANA.” Sa ika-25 ng kasalukuyan buwan naman ang SONA ni PNoy. Buti pang ilibro na lang. Makakatipid pa sa malaking gagastusin sa mga taga-palakpak. Alam na ng maraming tao, ang mga problemang pamana ni Gloria kay PNoy. Sulusyunan na lang. Kung puro ngawa at kulang sa gawa, baka ang kaniyang “mga boss” ay patuloy na masuya. Noong panahon ni GMA, ang pamimigay ng mga ambulansya sa bayan-bayan ng PCSO ay okey. Ang mali, eh, kung nagagamit sa personal na serbisyo ng mga local officials. May wangwang pa, wala namang pasyenteng sakay. Kahit may pahintulot si GMA sa mga pinalabas na pondo ng PCSO, kung wala namang katibayang nagkaroon ng sariling pakinabang, paano makukulong? Hinamon ng Filipino migrants si Pres. Noynoy na lumikha ng maraming trabaho sa bansa kaysa palakasin ang labour exports program. Tama, dapat nga bakal na finished product, hindi tao ang export ng Pilipinas. May kompiyansa pa rin daw si PNnoy kay Ms. Leila De Lima. Makalusot kaya sa CA ang kaniyang DoJ secretary? Hindi kaya ma-delilemma dahil pati hatol ng CA at Korte Suprema ay kinontra ni Aling Leila? Sino mang cabinet member na nakaharang sa “matuwid na landas” ng gobyerno ay dapat nang sagasaan. Sana patalsikin na ang mga pasaway kahit sila’y kabilang sa KKK ng presidente. Dadagdagan daw ni Mar Roxas ang singil ng LRT at MRT sa pamasahe. Naku, alam kaya niyang ‘yon ay panibagong dagdag na sakit sa ulo ni PNoy? Ang pamamahala ni PNoy ay nakapako ngayon sa paglilinis ng gobyerno. Papaano kaya niya pakikitunguhan ang mga bumalimbing na naglalaway sa pork barrel? Marami sa kanila ay walang utang-na-loob. Kung baga sa aso ay mga “pit bull.” Si Gloria na kanilang dating amo, nagpakain at nag-alaga sa kanila noon ay kinakagat ngayon? Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhaynewspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: frpacheco@shaw.ca |
1