Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoAgosto 16 – 31, 2019

ni Paquito Rey Pacheco 

Puspusan na ang political campaign ng PC, LP and NDP for Manitoba’d September 10 snap elections. Nagpahayag na ng kani-kanilang mga pangakong panilo ng boto sa mga mamamayan. Kabilang sa mga pangunahing adyenda ni Premier Brian Pallister ang tungkol sa balanced budget, health care na hindi raw magkakaroon ng negative effect sa mga mamamayan.

Sinabi ng LP leader Dougald Lamont na isa sa kanilang plano ay magkaroon ng Manitoba Business Development Bank. Ang kawalan umano ng investment capital ay makakapigil sa kaunlarang pangkabuhayan and job creation ng probinsiya. Ang NDP leader Wab Kinew ay nangako naman ng balanced budget, repairing health care and creation of jobs at maayos na kabuhayang ng Manitobans.


Hinikayat ng US President Donald Trump ang World Trade Organization (WTO) na sana ay hilingin sa China na ang mga developing countries ay pagkalooban ng maayos na pakikitungo. Sana nga dahil ng trade talk ng Washington at Beijing ay hindi magkakaloob ng positive effect sa maraming mga bansa na bago pa lamang mga developing countries.


Nabalita na ayon sa US Supreme Court, ang president ay may karapatan na gumamit ng military funds for the construction of the US-Mexico boarder wall for security and rule of law. Kasalukuyang nagkakaroon ng mahigpit na patakaran sa immigration.

Pilipinas

Sisimulan na daw ngayong 2019 ang pagpapagawa ng New Manila International Airport sa Bulacan. Noong July 31, nakuha na ng San Miguel Corporation ang pagtatayo at pangangasiwa sa 735 billion pesos nang mawalan na ng interest ang Swiss capitalist sa takdang bidding.

Ang NMIA sa 2,500 na ektaryang paliparan ay may apat na runways at tinatayang baka magamit na sa susunod na five or six years. Ang highways from Metro Manila na patungo sa Bulacan ay karugtong ng Manila Bay Express Way. Ang planong railways naman ay mula Tutuban hanggang Malolos.

Nabalitang by about September daw ang ground breaking ng NMIA at ang simula ng airport construction ay before 2019 Christmas.


Bagaman nakaraan na ang 2019 national and local elections, marami pang mga pangyayaring political killings. Mayors, councillor and barangay officials ang mga nagiging biktima. Kabilang sa mga problema ang tungkol pa rin sa illegal drugs. Sa Metro Manila, nabalitang out of 896 barangays, 89 lamang ang drug free na isa pa rin sa seryosong problema ni Mayor Isco Moreno.


Sa October 18, ang current Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ay sumapit na sa kaniyang age 70 mandatory retirement. Ang Senior Associate Justice Antonio Carpio ay dapat sanang maging kapalit. Subalit ang problema naman ay about 8-days lamang ay mandatory retirement din ni AJ Carpio.

Ang Court of Appeal Associate Justice Rodil Zalameda was appointed to the Supreme Court na pumalit sa puwesto na binakante ni Associate Justice Mariano del Castillio who reached his mandatory age for retirement of 70 years, July 29.

Ang mga Associate Justices na maaaring makapalit naman ni Bersamin ay sino man kina AJ Diosdado Peralta, Estela Perlas-Bernabe, Marvic Leomen and Benjamin Caguioa. Ang deadline for nomination is August 20. Nabalita naman na sina Leomen and Caguioa not interested.

Bagaman ang both house of congress are dominated by the leadership of president Duterte, ang panukalang parusang kamatayan na sinusulong ng ilang mga mambabatas ay waring hindi magkakaroon ng smooth sailing. Kung baga sa barkong nasa gitna na dagat ay may malalaking alon na nasasagupa.


Ang pangit na epekto ng lindol na nangyari sa Batanes ay isang wake-up call. Dapat ipatupad nang puspusan ng mga namamahala ang government code for the construction of buildings sa mga lugar na tinaguriang nasa ring of fire. Ang Batanes ay datnan at panawan ng mga bagyo subalit hindi nangyayari ang katulad ng pinsalang dulot ng lindol.


Si Dr. William Dar was appointed by President Duterte as Acting Secretary of the Department of Agriculture. Ngayon ang DA ay nasa mabuting kamay. Gayunman, kailangan niya ng tulong para mapakinabangan ang mga biyaya at kayamanang taglay ng lupa. Ang mga financial institutions na tulad ng Land Bank of the Philippines and Development Bank of the Philippines ay kailangan ni Dr. Dar.

Ang pagbubukas ng mga karagdagang taniman ng palay at mais ay dapat makasama sa build, build, build projects ng gobyerno. Pagkain ang pangunahing kailangan ng tao. Kabilang sa problemang kinakaharap ngayon ng Acting DA head ay papano malulunasan ngayon ang problema na mababang presyo ng palay.

Kasabihan

Madaling mangako subalit ang katuparan ay karaniwang malabo.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback