
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Ang federal election ay nagsimula noong ika-11 ng Setyembre. Dito sa Winnipeg, Manitoba, malamang maging mainit ang labanan for MPs sa pagitan ng LPs and Conservatives sanhi sa nakaraan snap elections na si Brian Pallister ay re-elected. Ang sitting MPs dito ngayon na malamang maghangad ng re-election ay pito ang LPs, limang Conservatives at dalawang NDP.
Sa US pinag-aaralan daw ng mga nasa opposition ang possible impeachment sa pangulong Donald Trump. Kung sabagay, ang pagpapatalsik na paraan sa sitting president ay ginagawa sa gayong pamamaraan. Ewan lang kung mapatutupad.
Ang immigration sa US ay open pa raw, subalit sa ngayon ang mga bagong applications are not yet welcome. Ang petition naman ng isang US citizen sa kaniyang pinakasalang asawa na foreigner ay magdadaan pa rin sa masusing imbestigasyon. Ang pagdinig sa kaso ay hindi rin madaling mabigyan ng patibay.
Ang mga aktibista sa Hongkong ay nanawagan ng US support tungkol sa kanilang protesta na pro-democracy movement. Hanggang nananatili ang kasalukuyang sitwasyon sa nabanggit na teritoryo, marahil ay magpapatuloy din ang pangit na kalagayang pangkatahimikan at pangkabuhayan ng mga mamamayan doon.
Patuloy na tinututukan ng gobyernong Duterte ang mga pangunahing issues tungkol sa pangkabuhayan at katahimikan ng bansa. Sa corruption issues ay nangibabaw ang tungkol sa Bureau of Correction (BuCor). Ang planong amendment ng Duterte administration na nagkakaloob ng karagdagang kapangyarihan sa Department of Justice ay kinatigan umano ni Senador Frank Drilon.
Nabanggit ko na sa nakaraang pitak na ito ang tungkol loophole sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), na nakaplaoob sa Republic Act 10592. Ang author ay sina Senador Leila De Lima at Mar Roxas na former Secretary of Interior during the presidency of former President Noynoy Aquino. Ang mga papeles ay nagdadaan at may mga initial na ng mga kawaning dinatnan ng sino mang bagong pinuno ng departamento. Kaya naman ang presumption ay ok na para sa pirma ng pinuno. Siya ang nagpapasan ng pananagutan sa tiwaling transactions.
Kahit ano pa ang sinasabi ng mga nasa kongreso na may mataas ng pinag-aralan, ang aking sariling pangunawa sa GCTA ay may loophole in simple English na kahinaang ng batas. Bakit nakalusot sa mga well learned members of congress? Maliwanag na salamin ‘yon ng kapabayaan. Nagpapatibay ng mga panukalang batas na may loophole? Ngayon, ang sinasabi ay kailangan daw maamyendahan ang batas. Nasayang ang pondong nagastos at panahon.
Kaparis din ngayon ng pamamaraan sa pagangkat ng bigas. Pinaubaya sa mga pribadong negosyante. Nangutang ng kanilang pinuhunan sa mga bangko ng gobyerno. Maraming bodega ang napuno ng NFA rice na hindi maaaring imbakin nang matagal na tulad ng palay. Nabayaran na ba ng mga umangkat ng bigas ang inaasahang kaukulang tariff sa gobyerno? Noong nakaraan buwan nabalitang hindi pa. Ngayon ay kailangang maamyendahan na rin daw ang Rice Tarriffication Law.
Ang isa pang mainit na issue ay tungkol sa South China Sea dispute na nangangailangan ng dalawang pronged approach. Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kanilang igigiit ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea na Exclusive Economic Zone (EEZ) na kung saan ang China ay paulit-ulit na pumapasok sa nabanggit na teritoryo. Sinabing gagawin sa pamamagitan ng diplomatic approach. Ginawa na nga raw ng pangulong Duterte nang unang magsadya sa China noong 2016.
May apat na larangan daw na kasunduan ang natalakay sa pamamagitan ng Bilateral Consultation Meeting (BCM). Political and security, Oil and Gas, Fisheries and Marine scientific research projects ng Manila and Beijing. Ang Senior Associate Supreme Court Justice Antonio Carpio ay nagbabala na hindi dapat makalimutan ang arbital ruling sa West Philippine Sea.
Isang mataas na leader ng Chinese Communist Party ang naging bisita ng pangulong Duterte sa Malacañang noong ika-6 ng Setyembre. Kinilalang Mr. Chen’er na sinamahan sa palasyo ng Beijing Ambassador sa Maynila. Naroon din ang head ng PDP-Laban at iba pang tauhan na nasa executive office. Ang nangyayari ay baka magkaloob ng karagdagang sigla sa Communists Party of the Philippines. Sa simula pa lang nang ang dating naging Mayor ng Davao City for 33 years ay maluklok sa Malacañang ay hinangad na nilang mapatalsik sa katungkulan.
Nananatili pa rin na isang problema sa anti-illegal drug campaign ng Duterte ang umano ay maraming mga former police officials ang sangkot sa tinaguriang “narco generals.” Hindi lang ‘yon. Nabalitang may mga local officials na sangkot din sa illegal drug trade. Totoo nga po, maraming nagiging marupok sa kapangyarihang taglay ng salapi.
History might repeat itself sa pagbabago ng sistema sa pagpapalit ng liderato sa gobyerno. Hindi sa pamamagitan ng armed revolution. Malamang through political but issues on peace and order pa rin. Ang sanhi ay patuloy na population explosion na ang pangkabuhayan ng taumbayan ang tiyak na apektado.
Ang problema tungkol sa peace and order ng bansa ay mananatiling problema ng pangulong Duterte hanggang sa katapusan ng kaniyang mandato sa 2022. Lubhang marami nang mga licenced and non-registered na mga armas ngayon. Hindi katulad noong about 1972.
Nakita ang uling sa muka ng iba, ang nasa sarili ay hindi nakikita!
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.