
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Maligayang Pasko at magandang kabuhayan natin sa 2020.
Ang Liberal minority government ng Canada na pinamumunuan din nanan ni Prime Minister Justin Trudeau ay kasalukuyang nagbabagong tatag. Ang layon ay upang mabuo ang magiging bagong kagawad ng parliament na babalangkas ng mga kakailanganing batas na paiiralin ng gobyerno.
Re-elected Manitoba MP, Kevin Lamoureux was re-appointed as parliamentary secretary to the government house leader. Dan Vandal is Minister of Northern Affairs and Jim Carr is Special Adviser for the Prairies. Sa aking humigit-kuulang na 38 years dito sa Winnipeg, waring mabigat ang pasaning nakaatang ngayon sa balikat ng Trudeau government.
Kung hindi niya makukuha ang kailangang cooperation from various minority political parties, possible na magkaroon ng snap election. Sa halip na ang Liberal minority government wait for four years, possible that within three years or less ngayon ang Liberal minority government will be contested.
Kasalukuyang nakasalang sa parilya ng political arena sa US ang impeachment proceeding vs president Donald Trump sa mababang kapulungan ng kongreso na kontrolado ng Democrats. Ang tagumpay at kabiguan ng political exercise ay nasa kapasiyahan ng mataas na kapulungan ng konreso na kontrolado naman ng mga Republican.
Ang Disyembre ay panahon ng masiglang pamumuhay, kapayapaan at bigayan. Karaniwang pagkakataon for family unification during Christmas and holidays season hanngang sa pagsapit ng Bagong Taon. Subalit marami rin namang kapos sa kabuhayan ang hindi makaiwas sa mga pagsubok sa kanilang buhay.
Humigit-kumulang na sa loob ng two years and six months from now will be the ending of president Duterte’s leadership. Pangunahing problema pa rin ng gobyerno ang tungkol sa anti-illegal drug campaign na waring mananatiling kampanya na kaparis ng sakit na lagnat na pauliulit. Ang Pilipinas ay datnan at panawan ng mga natural calamities na dulot ng kalikasan.
Isa pang malaking problema ng bansa ang tungkol sa mga kakailanganing gastusin ng mga mamamayan para mabuhay. Ang tungkol sa pagkain at mga iba pang mga kailangan sa buhay. Ang populasyon ngayon ng Pilipinas ay about 105 million na.
Kumpara sa Piliinas, bukod sa pagiging mayaman ang China, higit na malawak ang lupang mapapanggagalingan ng mga pagkain ng kanilang mga mamamayan. Ang pangingibang-bayan ng mga Filipino para magkaroon ng hanapbuhay ay mananatiling waring band-aid solution. Kung marami mang pinapalad, gayon din ang nabibigo sa pakikipagsapalaran. May mga umuuwing bangkay na at mga pamilyang nawawasak ang kanilang tahanan.
Inutos ng pangulong Duterte ang temporary suspension of rice importation na ang motibo ay matulungan ang mga magsasaka, lalo na sa mga lugar na kasalukuyang panahon ng harvest time. Dapat lang naman. Ang Mandato ng National Food Authority (NFA) ay mamili ng palay sa mataas na preso na hindi dapat malugi ang mga magsasaka. Ang palay na binigas ng NFA ay ipagbibili as subsidized price sa mga mamamayan.
Ang rural economic development ay kailangan nang matutukan ngayon ng gobyerno. Kung hindi magiging prioridad, ang Pilipinas ay mananatiling importer ng bigas. Sana, simulan na rin ang pagbubukas ng mga karagdagang taniman ng pangunahing pagkain ng mga Filipino. Gayundin ang construction of water reservoirs with irrigation canals and also with feeder roads. Alalahaning ‘yon ang sulusyon para hindi nasasayang ang seasonal tubig-ulan na nagmumula sa dagat na bumabalik din sa pinanggalingan. Malawak pa rin naman ang mga agricultural areas sa Mindanao na katutubong yaman ng bansa.
Dapat ang Build, Build, Build na mga bahay sa sub-divisions ay may kasunod nang Use,Use Use. At ang mga nainirahan sa mga residential areas ay dapat magkaroon doon mismo na hanap-buhay na malapit sa mga tahanan. Buhayin ang cottage industries for family members na magiging karagdagang source na panggagalingan ng kanilang ikabubuhay. Magkaroon na rin doon ng mga mababang paaralan.
Nakita ang butas ng karayom subalit hindi ang butas ng palakol!
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.