Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoDisyembre 16 – 31, 2019

ni Paquito Rey Pacheco 

Sa lahat ng ating mga kababayan na narito sa Canada at nasa Pilipinas na bayang ating sinilangan, sana ay makamit nila ang kanilang hinihiling sa buhay ngayong Bagong Taon.


Matupad naman sana ang pangako ni Mayor Brian Bowman na ang Winnipeg ay makikipagtulungan sa mga provincial officials na maging maayos ang kapaligiran. Ang lawlessness ay isa pa sa mga pangunahing problema ng city at province na dapat malunasan. Wala na bang naaagawan ng bag na nangyayari sa mga namamasukan na umuuwi sa halos hating gabi, sa mismong bus stops ng Winnipeg Transit?


Ang diwa at espirito ng Disyembre ay hindi gaanong nabigyan ng halaga dulot ng political activities dito sa Canada at US. Ang Liberal at Conservaties dito according to polls still neck and neck on popularity. Gayunman, ang Trudeau’s minority government still at the helm of Canada’s federal government.


Tungkol sa impeachment hearing, sinabi ng Democrats na ang US president Donald Trump ay isang panganib sa democracy. Ang tugon naman ng Republicans, impeachment against the president ay isang pagkukunwari lamang. Ang lower house ay kontrolado ng Democrats samantalang ang upper house naman ay Republican.

Ang panghihimasok ng FBI sa Trump campaign ay pangigiit lamang daw, sabi ng US Attorney General William P. Barr. Kung ang impeachment case against the US president ay matutuloy, hindi po ba Republicans will act as jurists?

Pilipinas

Sa nakaraang halos two weeks of December, naging abala ang government officials sa paghahanda ng South East Asean Games (SEAG). Halos nasapawan na rin ng Christmas season ang usapan tungkol sa pagkapatalsik kay VP Leni Robredo as Co-Chair of ICAD na naging political issue. Gayunman, sinabi ni Miss Leni na ipagpapatuloy daw niya ang kampanyang walang napapatay sa anti-illegal drug campaign ng gobyerno.

Ginigiit ng VP na ang pinagbabawal na doroga ay nanggagaling sa China sa kabila ng sinabi sa kaniya ng PDEA head, Aaron Aquino na ang halos lahat ng bansa ay pinanggagalingan ng bawal na doroga at hindi rin sila makaiwas sa dulot na problema. Halimbawa daw sa US, ang problema ay nagsimula noong panahon pa ni former President Richard Nixon at hanggang sa ngayon, ang problema daw ay walang iniwan sa terrorism and revolutionary movement.


Nabalita na ang International Criminal Court (ICC) to investigate President Duterte tungkol sa anti-illegal drug war ng gobyerno. Tila malabo. Ang Pilipinas ay malayang bansa na may sariling mga batas na pinatutupad. Ang pinagbabatayan ng ICC ay ang Philippine Commission on Human Rights (PCHR) na Executive Order only of the Corazon Aquino government na walang patibay ng kongreso. Ang nasa Article IX of the 1987 Philippine Constitution ay four Commissions lamang. Constitutional Commission, Civil Service Commission, Commission on Elections and Commission on Audit.

Ibang-iba na ngayon ang political situation. Ang mga mamamayan ng malayang bansa na kaparis ng Pilipinas ay hindi na rin magkakaroon ng tunay na pagkakaisa.


Sapagkat December, ang political news sa Pilipinas ay waring matulad na lamang sa winter ng mga bansang may four-season weather. Nasapawan na ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.


Sarili na ngayon ng gobyernong Duterte ang anti-illigal drug campaign sa Pilipinas. Ang mga addicted ay hindi pa rin maaaring maawat. Kahit na ang mga nanggaling sa rehabilitation centres ay malamang mabalik na muli sa hanap-buhay na “kapit sa patalim.”


Natanggap na kaya ng mga kasambahay sa Metro Manila ang pangakong pagkakalooban sila ng 5,000 pesos minimum monthly? Malinaw ang balita subalit malabo kung matutupad. Nasa pag-uusap pa rin ng mga may-bahay at ng kasambahay ang panukalang batas ni Senador Francis Pangilinan na lider ng LP.


Habang nananatiling wala sa priority ng gobyerno ang Rural Economic Development ng bansa, ang Pilipinas ay mananatiling importor of rice at iba pang mga pagkain ng mga mamamayan. Alalahaning patuloy ang paglobo ng populasyon na sa ngayon ay waring walang mabisang solusyon. Patuloy na lumalapad ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Ang isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ni Digong ay ang mga oligarch kahit na hindi sila gaanong marami.

Ang pagpapatupad sa Republic Act 11203 known as the Rice Tariffication Law ay nangangailangan ng alalay at ganap na suporta ng gobyerno sa mga magsasaka ng bigas. Kung wala ang totohanang suporta, ang problema ay mananatiling makakapinsala kapuwa sa kapakanan ng mga magsasaka at ng taumbayan sa kanilang pangunahing pagkain na hindi malulunasan sa pamamagitan lamang ng mga pangako.


Ang 2020 hanggang sa 2022 ay malamang na maging political years na muli sa Pilipinas. Alalahaning sa simula pa lamang ng Duterte government ay hinangad nang maamiyendahan ang 1987 constitution. Marahil may panahon pa para ang depekto ng constitution ay maituwid na angkop sa kalagayan ng bansa sa ngayon.

Si former Manila Mayor Lito Atienza na ngayon ay partylist member of local government ay nagmungkahi na ang paghahalal ng President and Vice-President ay dapat in-tandem. Opo naman sapagkat sa ngayon ay maliwanag ang pangit na scenario. Ang isa pang kailangang magkaroon ng amiyenda ay tungkol sa current local government code, na nagiging sanhi ng political dynasties.

Samantala, binalita ng spokesperson and Under-Secretary Jonathan Malaya of the Department of Interior and Local Government na isa pang panukala sa pagbabago ng konstitusyon by the Inter-agency Task Force ang napadala sa House Committee on Constitutional Amemdment ng kongreso chaired by Rep. Rufus Rodrigues. Kabilang umano ang tungkol sa political and election reforms na bawal ang balimbing.


Halos lahat ng mga kagawad ng Supreme Court sa ngayon was appointed by President Duterte. Gayunman, ang bawat 14 SC justice members ay may independent actions sa bawat kaso na may kinalaman sa interest ng taumbayan. Ang kapasiyahan ng mayoryang bilang ng mga mahistrado naman ang pagbabatayan ng magiging pasiya ng head of the Supreme Court.


Sinabi ng Pangulong Duterte na ang Martial Law sa Mindanao na magwawakas ngayong ika-31 ng Disyembre ay hindi na palalawigin.

Kasabihan

Libre ang mangarap ng maganda, subalit ang panaginip ay hanggng doon na lamang.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

Have a comment on this article? Send us your feedback