
Opinions
![]() |
Agosto 1 - 15, 2011 |
Good news ang pangako ni Consul General Pedro Chan ng Toronto na pararatingin niya sa DFA na magkaroon ng sariling Philippine Consulate Office dito sa Winnipeg. Ang pangako ay reaksyon sa nangyaring kapalpakan ng consular services noong July 9& 10. Tanong: May super-lakas kaya siya para pakinggan at mangyari ang hinihiling ng Filipino community sa Manitoba? Panahon na naman ng Folklorama. Good news na maraming nag-volunteer. Bad kung hindi naman participants sa show, ang hangarin lang ay makapag-libre ng mga kamag-anak. Hindi ba abuse of authority ng mga opisyal sa MPNP na denied agad ang aplikante na may kamag-anak sa ibang probinsya ditto sa Canada? Sana nilagay sa application ang patakaran para hindi nasayang ang panahon at perang ginagastos ng applicants? Baka makabawas ‘yan ng boto sa mga NDP candidates for October 4 provincial elections. Naglulundagan na ang mga tripulante ng Manitoba NDP? May butas na ba ang kanilang Bangka. Ang “teka-teka muna” naman sa kampanya ng PC ay posibleng makasira sa kanilang hinahangad na majority government? Without Layton, hindi malayong mapilayan ng husto ang Federal NDP. Ang kinabukasan ng partido na manatiling official opposition is in limbo. Ang USA debt default kung mangyayari ay malaking bukol kapuwa sa Democrats and Republicans. Pangit din ang balitang maraming Pinoy teacher sa Maryland ang natatanggal sa pagtuturo. Hahalinhan sila ng mga citizen. Sa Pilipinas“Wangwang” pa rin ang tema ng second SONA ni PNoy. Tuloy ang paghahabol sa mga korap o titigil? Natural ang komentong pintas ng mga nasa oposisyon. Sa 2016 pa malalaman kung totoo ang kanilang dakdak. Natuwa ang Malacañang dahil kinatigan ng US Congress ang posisyon ng Pilipinas tungkol sa kaso ng West Philippine Sea. Pero teka, nagbabala ang Beijing, “none of Washington’s business” na makialam sa South China Sea case. Sinabing ang Tsina at Pilipinas ang dapat mag-usap tungkol sa China’s territorial claims. Aba, ang AFP ay mayroon daw bagong-Boka-de Giyera. Ha, anong bago? Luma ‘yon. Tuturuan pa ang mga tauhan ng Philippine military kung pano gagamitin. Tungkol sa PCSO scam. Nasugatan daw ng malalim ang Catholic Church, ayon sa pangulo ng CBCP. Naku, may dati nang sugat ang simbahang Katoliko. Noong first Aquino government, mismong si Bishop Emeritus Oscar Cruz ay may krusada na laban sa Jueteng. Alang-alang kay Tita Cory, hindi na lang kumibo ang mga tao sa mga sinasabi ng yumaong Cardinal Jaime Sin na supporter at kaibigan ng Nanay ni Noynoy. “Okey daw tumanggap ng pera ang church galing sa Jueteng at kahit galing pa sa magnanakaw para “pantulong sa mahihirap”? Pitong Obispo lang naman ang inanyayahan ng Senado tungkol sa tinanggap na pera mula sa PCSO. Nagpapatunay na ang higit na maraming Obispo ay may delicadeza. Nanatiling matibay laban sa kurakutang nangyayari noon sa gobyerno. Ang sugatang karismo ng Church ay sinamantala naman ng mga matatabil at matatamis na dila. Nagtatag ng kani-kanilang pangkat. Naki-sawsaw na rin sa gusi ng gobyerno na hawak ng mga politiko, na umaasang ang kapalit ng pera ay boto. Hihintayin pa kaya ni Juan Miguel Zubiri ang konpirmasyon ng nangyaring dayaan sa Maguindanao? Sana magpaka-lalaki naman. Huwag nang isangkalan ang “due process.” Overdue process na ang nangyari sa protesta ni Koko Pimentel. Sina Zaldy A., Lintang B. at Garci ay walang iniwan sa tungkong-kalan na kung saan sinasalang ang nilulutong mga pagkain noong araw. Malalaman sa testimonya ng tatlo kung ang eleksiyon sa Mindanao noong 2004 at 2007 ay totoong niluto. Huwag asahan na ang mga kasong corruption, plunder at ang binubuhay na election cheating sa panahon ng administrasyong Arroyo ay matutuldukan sa lalong madaling panahon. Baka may apo na sa bunsong anak si Kris Aquino wala pang ending ang drama. Ang litrato daw ni GMA sa palasyo ay “takpan na lang ng kay FPJ,” ayon sa mga supporter ng kaibigan ni Erap. Malabo ‘yon kahit napatunayang si Gloria ay guilty at nagsabing, “I am sorry.” Naproklama na eh. Ang reklamo ay nilusaw ng dalawang “ Mr. Noted” kongresista at senador noon. Sorry na lang sa mga nadaya. Sana, iwasan nang maulit ang malalabong bahagi ng Philippine History na sinulat ng ilang dayuhang historian. Kung si GMA ay napatunayang nandaya, dapat nang ituwid ang binaluktot na sistema sa pagtatamo ng kapangyarihan. Ang PCSO at Pagcor na “Gatasang Baka” daw noon ng gobyernong Arroyo ang pinipiga ngayon. Ilalayo daw ang funds sa mga politiko. Aba, sa mga politiko ding nakapuwesto sa mga departamento ng gobyerno ang bagsak. Parang tubig sa mabahong ilog, malapit sa palasyo. Sa dagat din ang tuloy. Ang tinaguriang “Dirty Harry” ng Maynila at “Asyong Salonga” ng Tondo ay nabalitang maglalaban sa pagka-Mayor ng lungsod sa 2013. Sabi ni Erap hindi kasi tinupad ni Lim ang pangako sa mga mahihirap. Teka, interesado rin daw ang Ping Lacson-Isko Moreno tandem na tumakbo? Malayo pa ang 2016 pero nakapako na ang mga plano sa presidential elections nina VP Jojo Binay at Mar Roxas. Kumakalat na rin ang posibilidad ng Chiz-Bombong tandem or Marcos-Escudero kontra trapong presidentiables. Heto ang kuwento: Inay, sobra na ang ginagawang abuso sa akin ng asawa ko. Hihiwalayan ko na! Aba, huwag, ineng, bawal sa Church ang diborsyo,” agaw ng Ina. Oo nga Inay, pero si Mayor ang nagkasal sa amin, hindi Pari,” sabi ni ineng. Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhaynewspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: frpacheco@shaw.ca |
1