
Opinions
![]() |
Oktubre 1 - 15, 2011 |
Handa nang magpasiya ang Manitobans kung aling partido ang uugit ng probinsya. Pangunahing isyu ang health care, unemployment and crime. Maligayang bati sa mga magwawaging kandidato. Sa mga hindi nagkapalad, better luck next time. Mahalagang makilahok sa eleksiyon ang mga may karapatang bumoto. Mga politiko ang nagpapatakbo sa makinarya ng gobyerno. Sino man ay walang karapatang magreklamo sa hindi nila gustong palakad kung sa paghahalal ng mga opisyal ay hindi sila interesado. Refugee-immigration reforms ang nabalitang pangunahing adyenda ng nagsibalik na mga MP sa Ottawa. Magiging abala ang NDP at Liberal sa pagpili ng papalit sa kani-kanilang interim leader, kaya walang gaanong pressure ang Harper government mula sa partido ng oposisyon Umaasa si Pres. Barack Obama sa kaniyang re-election sa November 6, 2012 US Presidential Elections. Sinabing higit na mataas ang kaniyang popolaridad ngayon kumpara noong 2008. Banta ng second recession ang pangunahing problema ni Barack. Sa PilipinasNasa Japan si PNoy nang manira at nagpabaha sa maraming lugar ng Luzon si Pedring kabilang ang Metro Manila. “On top of the situation” naman daw si Noynoy. Ibig sabihin, alam niya ang nangyayari at pinakikilos ang gobyerno by remote control. Kung umaasa pa ngayon si PNoy sa tulong ng US sa Pilipinas, tila wala sa panahon. Bumagsak ang stock market sa maraming dako ng mundo na tiyak iniinda ng mga Amerikano. Sayang ang malaking halagang ginastos sa kaniyang dalawang US trip sa loob lamang ng 12 buwan kung mga pangako lamang ang kapalit. Nakakuha raw si PNoy ng may 15-million dollar investment for Coco industry. Nasa papel pa rin ‘yon. Isa pa rin daw good news, “nakapila ang mga foreign investors na nagtitiwala sa kaniyang pamamahala.” Aba, posibleng biglang mawala na lang sa pila ang mga nangakong investor sa Pilipinas sanhi sa banta ng second recession. “PNoy invites Obama to visit the Philippines.” Bakit? Inisip kaya niya ang malaking perang magagastos sa paghahanda ng isang state visit? Akala ko nagtitipid ang gobyerno? Teka, baka isa ‘yon sa dahilan kaya tinipid ang badyet ng State universities and Colleges at planong hijack sa pondo ng Judiciary. Hanggang sa Amerika ay kinaladkad pa ni Noynoy ang isyu ng responsible parenthood. Tama ba ‘yon? Anong akala niya sa kaniyang mga “boss;” tanga? Ipaubaya na lang sa may gusto o ayaw gumamit ng contraceptives. Inupakan pa ang Catholic Church ng kaniyang mahal na ina. Sinundan pa ng state visit sa Japan. Layon daw na patibayin ang relations between the Philippines and Japan. Bakit, kete-pone na ba? Hindi. Naku, sa “daang baluktot,” na yata nagagastos ang pera ng taxpayers. Sa mga travel na sa halip isakripisyo sa kapakanan ng mga mahihirap at karaniwang naghahanap buhay tulad ng mga sumasakay sa LRT-MRT. Ang Pilipinas ay posibleng maging susunod na Asia’s tiger economy. Ayon kay Datu Timothy Ong na chairman ng Asia Inc. Business Forum. Binanggit ng pangunahing negosyante sa Brunei na, “kailangan lang magtagumpay ang kampanya ng Aquino government sa peace and order at laban sa corruption. Malaking tulong ang persepsiyon ng mga tao na si PNoy ay hindi kurap, subali’t hindi ‘yon sapat makapagpatibay sa pondasyon ng kaniyang pamamahala. Job creation ang panlaban sa global recession. Now na, malabo kung aasahan lang ang mga pangako ng foreign investors gaya ng Japan. Bago tumulong sa iba, una muna ang kanilang bayang hangad makabangon sa problema. Tumaas nang may pitong porsiyento ang popolaridad ni PNoy sa opinion ng mga naninirahan sa NCR, ayon sa latest survey. Ang palagay ng marami na waring bale-wala kay PNoy ang hinakdal ng kaniyang mga “boss” laban sa sinisingil ng LRT-MRT at VAT sa mga Highway ay tatanggapin ng mga taong apektado. Abangan ang resulta ng mga susunod na survey. Pinarangalan ang mga senador na sabi’y nanguna sa pagpapaalis ng US military bases sa Pilipinas. Kung hindi pumutok ang Mount Pinatubo, mapaalis kaya ang puwersa ng mga Kano sa Zambales at Pampanga? Malabo. Ang mga ginaganap na imbestigasyon laban sa kurapsiyon ay waring tela-drama. Demanda nang demanda wala pa namang mangandang nangyayari sa mga nakademanda. Marami nang trainer plane crash na nagaganap sa Bulakan at Pangasinan. Binubusisi kayang mabuti ng mga autoridad ang background ng mga nagsisipag-aral maging piloto sa Pilipinas? Sa Makati ay maraming matataas na gusaling katulad sa New York. Ang mga Arabo at Iranian ay galit sa mga gobyernong sa palagay nila ay tuta ng Amerika? Kung ang bagong hirang na mga opisyal ng Bureau of Customs na sina Rufino Biazon at Danny Lim ay hindi nakahandang mawalan ng mga kaibigan o yumukod sa mga bata-bata ng ilang kongresista at senador, huwag asahang malilinis ang maruming ahensya. Ang tatlong sangay ng gobyerno, ayon sa konstitusyon ay malaya sa isa’t isa – executive, legislative and judiciary. Subali’t ang nababalitang planong kompiska sa dalawang-bilyong pisong judiciary funds na hindi nagamit ay palpak gawin ng Malacañang sa isang constitutional body. May katwirang mag-protesta ang mga namamasukan sa judiciary. Ang state universities and colleges ay may dagdag daw namang 10 per cent sa 2012 proposed budget. Hindi dapat magprotesta at magreklamo ang mga estudyante, sabi ni Finance Sec. Abad. “Panakip lang sa inflation,” ang sinasabing halaga, “sagot naman ng mga estudyante.” Sa totoo lang, tipid na budget ang dahilan ng declining quality of education sa Pilipinas. Sana ang student power ay hindi maging mitsa ng gulo. Ang pangakong good governance with transparency ng gobyernong Aquino ay malayong mangyari hangga’t ang Freedom of Information bill (FoI) ay hindi sinusulong ni PNoy na maging batas. Marami nang naiinip sa balitang pinagaaralan pang mabuti. Bakit nagbabantulot kung walang hangad na magtago ng bulok? KatasGood news. Higit maraming local investor ang namumuhunan ngayon sa Pilipinas, kumpara sa mga dayuhan,” ayon sa Dept. of Trade and Industry. Kumpiyansa daw sa gobyerno ng mga kapitalistang lokal ang paborableng konsiderasyon at dahilan. Ang mensahe ay wake-up call sa mga opisyal ng gobyerno na gumugugol ng panahon at malaking nagagastos sa mga foreign trip para mag-aanyaya ng mga foreign investment sa bansa. Karaniwang paper promises lamang naman ang nagiging kapalit na pasalubong sa mga mamamayang umaasa, hanggang tuluyan nang malibing sa limot ang mga pangako. Karaniwang maraming hinihinging konsiderasyon ang mga dayuhang kapitalista bago maglagay ng investment. Una ay kung may makakatas muna sa bansa bago maglaan ng kanilang sariling puhunan. Pangunahin ang garantiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang turing ay counterpart investments ng kanilang sariling kapital. Kung ang kompanya ay nakalahok sa manufacturing of export product, ang bahagi ng capital at pakinabang mula sa mga niluwas na mga produkto ay hindi na bumabalik sa Pilipinas. Isang malungkot na pangyayari, ang gobyernong Filipino ay waring ginigisa sa sariling mantika. KuwentoSabi ng ama, “Pinagkakapuri kita anak,” habang niyayakap ang teenager na nakakuha ng scholarship sa Montreal. “Salamat Tatay, pero napakahirap para sa akin na iwanan kayong dalawa ng Nanay ditto,” agaw ng anak. Sagot naman ng ama, “Buti kaya, ang nanay mo na lang ang isama mo para malibre naman ako sa araw-araw na sermon. Maraming salamat po sa inyong mga komento na natatanggap ko sa pitak na ito. Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhaynewspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: frpacheco@shaw.ca |
1