
Opinions
![]() |
Nobyembre 16 - 30, 2011 |
Una sa Diyos at sa mga pinagpalang kamay na nagsagawa ng aking kidney surgery noong October 21st, gayun din sa lahat ng mga dumalaw, nakaalala at nanalangin para sa aking safety and early recovery, maraming salamat po. My first appointment was August 15th. Nakahanda na ang lahat, daldalhin na lang ako sa surgery room nang biglang may nagbalitang my operation was cancelled. The reason: No bed. Biglang naisip ko ang pangako ng mga politiko noong panahon ng kampanya. Priority daw ang health care. Halos five days ang pinamalagi ko sa NSC. Marami akong natuklasang “sakit” ng ospital na dapat malunasan ukol sa wastong pangangalaga sa mga pasyente. But that’s another story. Thanks anyway, but no thanks to the Manitoba NDP government for unfulfilled health care promises. Maraming salamat kay JB Casares sa kaniyang punang pahatid via e-mail tungkol sa nakaraang pitak ng Pilantik. Sinabing “kung ang punterya ni Mar Roxas ay gobernador ng Capiz, hindi sila maaaring magkabangga ni Speaker Belmonte sa 2013 election. Tama si JB. I’m very sorry po. Nagmamadali kasi ako noon sa paghahanda ng aking operasyon. Nai-type ko ay gobernador sa halip na congressman. Sa aking kuro, speakership ng kongreso ang punterya ni Mar bilang preparasyon sa kaniyang kandidatura sa pagkapresidente sa 2016 national elections. Nakatakda sa ika-18 ng Disyembre ang eleksiyon ng limang bagong magiging kagawad ng PCCM board. Natupad ba ni Lito Taruc ang pangakong transparency sa pamamahala ng sentro? Mahalagang magkaroon ng up-dated reports ukol sa financial situation ng sentro bago pumili ng bagong lider ang pamunuan nito. Nakapako ang pinangako ni PM Harper na ang PC government ay walang planong bawasan ang umiiral na patakaran sa pagtanggap ng mga immigrant sa Canada. Kasi, ayon sa mga ginawang pagbabago, noon lamang November 4, suspindido na nang dalawang taon ang pagtanggap ng applications for immigration of parents and grandparents by Canadian residents. Wala ring katiyakan kung ang dalawang- taong moratorium ay tutuparin at maaaring maglubid ng dahilan para magkaroon ng extension. Ang mga Tatay, Nanay, Lolo at Lola ay maaari pa rin daw makarating dito as tourists, under the new Canadian10-year multiple visa. It will come into effect on December 1st. Naku, sa kabila ng mabibigat na requirements, marami pa rin ang maghaharap ng kahilingan na magiging karagdagang problema na naman sa sinasabing backlog ng Ottawa kung hindi magdadagdag ng mga tauhan sa kanilang immigration departments. Pinag-iibayo ni Barack Obama ang kaniyang November 2012 re-elections. Umiinit na rin ang primaries ng Republicans na sa pamamagitan ng konbensiyon pipiliin ang panlaban kay Barack. Sa PilipinasAng mga OFW’s sa Saudi ay nabalitang nagbebenta na ng sariling dugo para matugunan ang financial needs ng mga iniwang pamilya sa bansa, lalo na ngayong nadadama na ang simoy ng Pasko. Maagang humiling ng Christmas wish si PNoy. Sana daw ay ihinto na ng mga tao ang pagpuna sa kaniyang mga ginagawa. Naku, parang mga batang malaki ang paniwala kay Santa Klaus. Hinihingan ng paliwanag ni Sen. Chiz Escudero ang Malacan?ang sa aniya’y malabong dahilan na pagkakaloob ng limang milyong piso sa MILF. Teka, ano nga bang klaseng gobyerno ang nagbibigay ng pera sa mga rebelde? Parang sabungero, ang may-ari ng manok ay may pusta din sa kalaban. Hindi komporme si SP Juan Ponce Enrile na sa Malaysia ganapin ang peace talk meeting ng Philippine Peace Panel at MILF. Oo naman. Ang turing ba ng mga taga-payo ni PNoy ay separate state na ang MILF para gawin sa ibang bansa? Kailangan pa ba ang peace talk? Pa’no magkakaroon ng magandang resulta ang peace talk sa Mindanao kung ang Malacan?ang ay para sa kapayapaan at ang MILF naman ay pa-laban? Ayaw isuko ang lider na pumatay ng 19 na kawal ng gobyerno. Pagkaraang ipahiya ang AFP tungkol sa nangyaring operasyon sa Al-Barka, Basilan, biglang kambiyo si PNoy. Binibigyan na raw ng free hand ang military sa gagawing pakikitungo sa mga rebelde? Ano ba ‘yan, sinampal pagkatapos sinabing sorry? Hindi mapigilan ng gobyernong Aquino ang political killings kaya daw binabawasan ang military aid ng US sa Pilipinas, ayon kay US diplomat Harry Thomas. Sana naman binanggit ang detalyadong ayuda na binibigay nila. Habang hinahanda ko ang pitak na ito, wala pang desisyon ang Supreme Court tungkol sa kahilingan ni Gloria na makapagpagamot sa ibang bansa na tinanggihan ni DoJ Sec. Leila De Lima at ni PNoy. Wala akong karapatang pangunahan ang pasiya ng SC, subali’t sa aking kuro, batay sa probisyon ng constitution, at dahil walang pormal na demandang nakaharap sa korte laban kay Gloria, kaya baka siya payagang makaalis ng bansa. Noong ang daddy ni PNoy ay humiling sa tatay ni Bongbong na magpapagamot sa Amerika, pinayagan ni Marcos si Ninoy kahit alam niyang hindi na ito babalik, dahil may hatol ng firing squad sa kaniya. Matalino si Marcos, sinunod ang konstitusyon na ngayon ay waring binabale- wala nina De Lima at PNoy. May 50 tax evasion cases nang naiharap ang BIR sa DOJ. Ang nabanggit na mga kaso ay natutulog pa rin daw sa ahensya ni Sec. De Lima. Maliwanag na balita lamang sa mga pahayagan, radio at television. Ilang kaso lang ang naiharap sa korte. Walang iniwan sa paputok na “kuwitis.” May sindikato raw sa loob ng Commission On Human Rights. Kasi nabalitang may mga pekeng human rights victim sa panahon ng rehimeng Marcos na nakakakuha ng kompensasyon. Bakit sa ibang mga tanggapan ba ng gobyerno, eh, walang sindikato? Nadadagdagan ang mga protesta ng maraming bansa tungkol sa paghina ng ekonomiya na sabi’y kagagawan ng mga ganid na korporasyon sa US at Europa. Hindi mangyayari ‘yon dito, ‘ayon sa Malacan?ang. Bakit, wala bang ganid na mga negosyante sa Pilipinas? Sa larangan ng kabuhayan, dalawa lang ang uri ng tao sa mundo. Mayaman at mahirap. Kayamanang karaniwang katas ng corruption at kahirapang hindi maibangon ng gobyerno. KatasPatuloy na suportado si PNoy ng mga nainis sa gobyerno ni Gloria. Ngunit nananatiling palaisipan kung ano bang klaseng presidente si Noynoy?
Ang bulkang panlipunan ay patuloy na umuusok. Kapag hindi mapigilan, baka sumabog. Si Noynoy ay matigas na lider, pero ang naghaharing karaniwan daw ay katigasan ng kokote? KomentaryoAyon kay Teddy Boy Locsin sa isa niyang TV commentary, “Bad News for the Ugly.” Kasi nga naman magagandang babae at guwapong lalaki ang karaniwang hinahangaan ng marami. Subali’t hindi rin masama, mayroon namang mga makabagong kaalaman para sa pagsasaayos ng mukha. Isiping kahit sa pelikula, kailangan din ang pangit. Sa ganang akin naman, mas mahalaga ang magandang ugali ng ugly kumpara sa pangit na karakter ng isang tao. Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhaynewspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: frpacheco@shaw.ca |
1