
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Ang waring ika-152 taon ng Canada ay nagpapaalala sa katatagan ng bansa na tuwirang produkto ng pandarayuhan ng mga taong nagmula sa iba’t ibang bansa. Mabuhay, Maligayang bati sa lahat ng mga dito ngayon ay naninirahan.
Pagkaraan ng biglang pagsara ng Family Reunification program, may bagong pakulo ang Ottawa. Tungkol ‘yon sa pagtanggap ng caregiver na umano ay bukas sa 2,750 per year na kasama daw ang immediate members ng pamilya. Gayunman, ang kanilang application ay tatanggapin lamang kung mayroon silang job offer for five years dito sa Canada. Pagkaraan ng two years, maaari na silang magharap ng kahilingan for permanent residence.
Ang three political parties parties dito sa Manitoba ay naghahanda na para sa nakatakdang provincial elections sa September 10. Nabalitang ang Manitoba’s Premier Brian Pallister ay may planong amyendahan ang pinaiiral ngayong provincial pension. Sana naman ay maganda at hindi pangit na kaparis ng dati.
Ang mapipiling speaker ay kailangang katugon sa mga legislative reforms na nais mangyari ng pangulo. Malamang magkaroon din pagbalasa sa mga kagawad ng official family. Tiyak na ipagpapatuloy ng pangulo ang paglilinis sa mga tanggapan ng gobyerno at pribado na hindi nakakatugon sa mabuting paglilingkod sa mga mamamayan. Hindi dapat ang paglilingkod sa bayan ay gawing paraan sa pagpapayaman.
Tuloy pa rin ang kampanya sa peace and order. Kabilang ang solusyon sa anti-illegal drug. Paghikayat sa mga rebeldeng NPA na magbagong buhay para sa katahimikan at pagkakaisa ng mga Pilipino sa sariling bayan. Ang mga kagawad ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso, sana ay hindi maging hadlang sa hangaring mapatatag ang pangkabuhayan ng bansa.
Tinanggap ng Pangulong Duterte ang alok ng China na joint probe tungkol sa Recto Bank incident. Subalit dapat daw ang pag-uusap ng Maynila at Beijing ay gawin sa isang bansang neutral at kasama sa pag-uusap tungkol sa nabanggit na pangyayari.
Nabalita na sa halip federal form of government ang priority ngayon ng Pangulong Duterte ay maamyendahan na lang ang 1987 constitution. Sinabi rin ng pangulo na ang two years na martial law sa Mindanao, nananatiling malabo pa rin ang hinahangad na katahimikan sa maraming lugar doon. May mga lugar na pinangyayarihan ng banditry and armed rebellion na kagagawan ng Moro separatists at mga local Communist rebels
Ang proyektong Bulacan-New Manila International Airport ay nabalitang nakatakdang pasinayaan sa loob ng kasalukuyang taon. Ang proyekto ay tiyak na magkakaloob ng maraming trabaho na about 100,000 workers hindi lamang sa Bulacan at Pampanga bagkus ay sa iba pang kalapit na mga lalawigan.
Bubuhayin ang may 27,000 hectares sa baybayin ng Bulakan na 25,000 nito ay para sa NMIA na may four lanes sa baybayin ng Bulacan, mula sa Valenzuela hanggang malapit na sa hangganan ng Pampanga. Minamadali ang proyekto dahil masikip na ang lugar ng pangunahing airport ng Pilipinas.
Ang former military airports sa Sanglay Point, Cavite ay kasalukuyang inaayos para magamit as domestic airport. Inaakang mailalagay na sa ayos sa loob ng four or five years. Gayunman, maaaring magkaroon din ng problema ang mga passengers na nagmumula sa ibang bansa para sa kanilang connecting flight for various provinces ng Pilipinas.
Rainy season na sa Pilipinas. Panahon na rin ng mga gawaing pangkabukiran. Magpapatuloy ang pagtatanim ng palay at iba pang mga kauring pagkain ng mga mamamayan. Marami nang lugar ng bansa ang kasalukuyang nagtatanim at umaani na ng kanilang tanim na palay. Gayunman., ang mga magsasaka ay dumadaing tungkol sa nangyayaring mababang presyo ng kanilang inaaning palay. Sana ang problemang ito ay malunasan sa pamamagitan ng NFA. Ngayon ang panahon na dapat silang mamimili ng palay, imbakin at ilaan sa panahon na kailangan ng taumbayan ang murang bigas. Ang pondo ng gobyerno na nilalaan sa importation ng bigas ay dapat gamitin na muna nila ngayon.
Sa panahon ng rainy season ay hindi dapat nangyayari ang katulad ng nararanasan ng ngayon. Sa loob ng may anim na buwang tag-ulan, sana ay hindi naging problema ang tubig na gamit sa mga tahanan tulad sa Metro Manila kung maraming imbakan ng tubig na mapagkukunan. Hindi dapat na sa Angat Dam lamang ang panagot na mapagkukunan ng tubig. Sa Taiwan karaniwang maliliit lang ang imbakan ng tubig na tinaguriang sahod-ulan na gamit pambukid at pantahanan. Bakit hindi magawa sa Pilipinas?
Kahoy mang sa tubig laging nakababad, kung idadarang sa apoy tiyak maglilyab.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.