
Opinions
ni Paquito Rey Pacheco
Sana nga ngayong 2020 ay maging maligaya ang buhay ng lahat na ating mga kababayan na nasa loob at labas ng Pilipinas na bansang ating sinilangan.
Ang nakaraang diwa ng Disyembre ay naging makulay. Higit na naunang pinagdiwang sa Pilipinas at kasunod naman ang ating mga kababayan na nasa iba’t ibang bansa at mga pansamantalang nangingibang bayan.
Pinagtibay ng US, Canada at Mexico ang bagong North American Free Trade Agreement (NAFTA) na mula pa noong 2017 ay walang iniwan sa winter weather. Nakasundo na rin umano ang US-China tungkol sa pagtigil ng kanilang trade war na nagkakaroon ng negative economic effect sa mga developing countries. Ang reaksiyon ng mga expert on economics and trade, China daw ang winner sa pangyayari. The negative effect sa kabuhayan ng mga naninirahan sa mga developing countries ay hindi lang daw sa pagkain bagkos ay sa iba pang mga pangangailangan tulad ng krudo at gasolina.
Ang kaso on abuse of power regarding article of impeachment vs US President Donald Trump ay napagtibay na noong ika-16 ng Disyembre sa lower house of Congress na kontrolado ng Democrats. Hiniling ng US president ang madaliang pagdinig sa kaniyang kaso.
Waring pinipigil naman ng Democrats dahil ang upper house ay kontrolado ng Republicans. Sila ang magsisilbing mga mahistrado na didinig sa kaso na inaakalang madaliang mabigyan ng hatol na possible acquitted in time for the 2020 US presidential elections.
Ang 2020 at 2022 ay inaakalang magiging political years. Normal lang naman na ang minoryang LP ay naghahangad na makabangon. Ang relasyon ng gobyerno sa China ay isa sa mga pangunahing tema. Mula sa joint mineral explorations hanggang sa West Philippine Sea ay pilit na pinalulutang. Normal lang naman na ang minoryang political parties ay hindi nasisiyahan sa performance ng majority political party. Gayunman ang popularity ng pangulong Duterte ay mataas pa rin.
Ang Department of Finance and Asian Development Bank ay nabalitang lumagda sa isang kasunduang nagkakahalaga ng 623 million dollars suporta para sa Philippine infrastructure projects. Ang nabanggit na kasunduan ay nilagdaan nina Finance Secretary Carlos Dominguez at Asian Development Bank vice president for operation Ahmed Saeed tungkol sa kalusugan at employment sa planong Bataan-Cavite bridge at Metro rail transit from Ortigas Metro Manila to Taytay, Rizal province.
Nabalitang ang Department of Agriculture, sa tulong ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines ay magkakaloob ng tulong na 5,000 pesos for small farmers affected by the implementation of the Rice Tariffication Law. Gayunpaman, waring ang Pilipinas ay malabo nang maging self-sufficient sa bigas na pangunahing pagkain at isang issue for security ng mga Filipino. Ang pangunahing priority ng gobyerno na build, build, build, kumpara sa agriculture sector na producers ng mga pagkain ng mga Filipino ay waring napag-iiwanan.
Ako po ay radio broadcaster na noong 1960’s sa DZFM mula pa noong panahon ng mga naging pangulo ng Pilipinas. During former President Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal and Ferdinand E. Marcos, Sr. Naalala ko tuloy ang nasa kasaysayan na waring hindi alam ng marami sa ating mga kababayan. First time po na ang Pilipinas ay nakapag export ng bigas sa Indonesia noong about 1970’s. Sanhi po ‘yon sa information campaign ng gobyerno for rice production na tinaguriang Masagana 99 Rice production program.
Ang build, build, build and other infrastructure’s project ay hindi masama subalit sana naman ang tungkol sa rice issue na lagi kong nababanggit dito sa Pilipino Express ay maging pangunahing programa din ng gobyerno.
Ang Pilipinas ay waring walang iniwan sa lugar ng Florida, USA na datnan at panawan ng mga bagyo. Maraming gusali ang nasasalanta hindi lamang dahil sa malakas na hangin kundi mga pagbaha. Kada taon, halos humigit-kumulang sa 20 taon ang nararanasan sa iba’t ibang dako ng bansa bukod sa nangyayaring mga sunog at lindol. Malaking pera ang naaaksaya sanhi sa nagiging negative effect ng nabanggit na mga kalamidad. Hindi kaagad-agad naibabaiik sa normal ang naging kalagayan. Alalahanin na lamang na ang lahat ng mga nabanggit na mga pangyayari sa ating buhay ay isang uri ng pagsubok sa buhay ng lahat na may buhay.
Kapalaran natin, hindi man hanapin ay kusang darating.
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.