Published on

Sulong PinoyFiesta Duathlon 2014

 

 

Ni Norman Aceron Garcia

larawan2

larawan1

Kahit malamig ang klima dito sa Winnipeg, hindi tayo nakukulangan ng mga race na maaaring salihan mula spring hanggang fall. Pinakasikat ang Manitoba Marathon na dinaraos taon-taon tuwing Father’s Day sa Hunyo na sinasalihan ng mahigit 13,000 runners. Nandiyan din ang Bird’s Hill Duathlon Series at Winnipeg Police Services Half-Marathon tuwing Mayo, Color Me Rad 5K tuwing Hulyo, Rotary Club Half Marathon tuwing Septembre, Winnipeg Fire Paramedic Service Half Marathon tuwing Oktubre, at maraming pang iba. Sa dami ng iyong pagpipilian, mawawalan ka ng dahilan na huwag mag-ehersiyo at makilahok sa mga masasayang race na ito.

Sa July 6, 2014, matutunghayan ng Winnipeg ang kauna-unahang Fiesta Duathlon 2014 na gaganapin sa Kildonan Park. Natatangi ang race na ito dahil ang tema ay Fiesta, na kahalintulad ng ating nakaugaliang pagdiriwang ng pista sa Pilipinas. Ang event na ito ay pampamilya na maaaring salihan ng lahat, edad-lima pataas. Ito ay gaganapin mula 7:00 a.m. hanggang 11:00 a.m. sa parking lot sa likod ng Rainbow Stage.

Sumali!

Mayroon dalawang event dito: ang Short Distance (1K run, 2K bike, 1K run) at ang Long Distance (2K run, 4K bike, 2K run). Dalawang bagay lamang ang kailangan upang makasali sa iyong unang duathlon: running shoes at bisikleta. Maaari mong gamitin ang kahit anong klaseng bisikleta (road/racer bike, mountain bike, commuter bike, atbp.) ay mayroon ka. Ang mahalaga lamang ay siguraduhin mo na maayos ang mekanismo ng pedal at preno at nasa tamang pressure ang mga gulong.

Mahigit tatlong buwan pa bago mag-race kaya marami ka pang panahon na paghandaan at ikondisyon ang iyong katawan. Marami kang masasaliksik sa Internet na mga “beginner’s running program” na maaari mong sundan upang ma-enjoy mo ng iyong unang duathlon. Kung ikaw ay baguhan sa running, gawin mong dahan-dahan ang progression ng intensity at huwag agad-agad raratsada sa mabilis na pace at mahabang distance upang maiwasan ang injuries. Huwag mo ring kakalimutan ang kumain ng maliliit na servings ng balanced meals, lima o anim kada araw na binubuo ng recommended proportion na 60 per cent carbohydrates, 20 per cent protein at 20 per cent fat.

Mag-volunteer!

Kung hindi mo nais mag-karera ngunit gusto mo pa rin maging bahagi ng Fiesta Duathlon, maaari kang makilahok bilang volunteer race marshal. Ang mga race marshals ay ang mga mamamahala sa start at finish area, traffic control at water and aid stations. Mahalaga ang tungkulin ng mga marshals upang maging ligtas at maayos ang event na ito.

Taunang event

Ang Fiesta Duatlon ay sanctioned event ng Triathlon Manitoba, ang organisasyon na nangangasiwa sa pagtataguyod ng triathlon sa buong Manitoba. Ayon kay Kevin Freedman, Executive Director ng Triathlon Manitoba, nagagalak siya na magiging taunang event na ang Fiesta Duathlon sa Kildonan Park dahil maipagyayabong ang sport na triathlon sa Filipino community sa Winnipeg. Malay natin, 12 o 16 taon mula ngayon, isa sa mga bata na lumahok sa Fiesta Duathlon ang magiging Olympian na mag-wawagayway sa bandila ng Canada at Pilipinas.

Ang Fiesta Duathlon 2014 ay pagtutulungang isakatuparan ng iba’t ibang Filipino organizations tulad ng FMC-APEGM (Filipino Members Chapter – Association of Professional Engineers & Geoscientists of Manitoba), IAM (Isabela Association of Manitoba), Sulong Cycling Group, Pinoy Trail Bikers – Winnipeg, at UPAA-MB (University of the Philippines Alumni & Associates in Manitoba).

Si Norman Aceron Garcia ay fitness trainer at isa sa mga founders ng Sulong Triathlon Group (STG) na kasapi ng Triathlon Manitoba. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.sulongtriathlon.org.

This column is based on personal experience and by no means to be deemed as instructional. Dennis is also a registered architect. Please visit our website at www.sulongtriathlon.org and like us on Facebook at Sulong Triathlon Group.

Have a comment on this article? Send us your feedback

KPFD2014