Published on

Showbiz Extra • Hulyo 1 – 15, 2015

Ni Isagani Bartolome

   Megan Young
 
Megan Young

Megan Young – bagong Marimar

Excited si Megan Young nang malamang siya ang gaganap sa remake ng Marimar. Unang ginampanan ng Kapuso Actress na si Marian Rivera ang nasabing role at naging successful ito noon. Sa telenovelang ito nabuo ang love story nina Dingdong at Marian na ngayon ay mag-asawa na at malapit na ring magkaanak. Talagang sinubaybayan ng mga manonood ang Marimar noon.

Ngayon ay muling bibigyan buhay ang nasabing telenovela ng GMA Kapuso Networks.

“Kinilig ako dahil it’s a big break. Natutuwa ako kasi ito ang unang project ko pagkatapos ng reign ko bilang Miss World” pahayag ni Megan.

Kahit kinakabahan ang dalaga ay mas nanaig ang excitement kaya puspusan na ang kanilang paghahanda para sa nasabing serye.

Ayon sa Beauty Queen ay nag-woworkshop na sila ng kaniyang leading man na si Tom Rodriguez at kapatid na si Loren Young.

“Maraming activities ang kanilang ginawa sa nasabing workshop tulad ng dance at may diving lesson pa. Inamin ni Megan na nakakarelate din siya sa character ni Marimar.

“Si Marimar kasi, she’s like any other Pinay who strives for the best. Gagawin niya ang lahat para matupad ang kaniyang mga pangarap.”

Sa kaso ni Megan ay ganoon din ang kaniyang ginawa dati. Kahit may takot siya noon na baka hindi manalo sa pageant ay tinuloy pa rin niya ito.

“Matalo o manalo, at least nagawa ko.”

“Si Marimar ganoon din. Kahit nag-fail siya, in the end she’ll make sure na yung failure ay magiging encouragement sa kaniya to strive for the better,” pagtatapos ni Megan.

Magsisimulang mapanood ang Marimar ngayong Agosto sa GMA Telebabad.

Have a comment about this article? Send us your feedback.