Published on

Showbiz Extra • Hunyo 16 – 30, 2015

Ni Isagani Bartolome

   sarah.piolo.matteo
 
Mateo Guidicelli, Sarah Geronimo & Piolo Pascual

Bagong movie nina Sarah at Piolo – The Breakup Playlist

Sa unang pagkakataon ay magkakasama sa bagong pelikula ng Star Cinema ang Pop Princess na si Sarah Geronimo at ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa The Breakup Playlist.

Ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa isang musician na si Trixie (Geronimo) at Gino (Pascual) na umibig sa isa’t isa.

Sa ginawang presscon ay di maiwasang tanungin ang dalawa kung sino ang kanilang inspirasyon noong gawin ang project. Alam naman ng lahat na in love ang Pop Princess ngayon kay Mateo Guidicelli. Walang nababalitang special someone si Piolo kaya trabaho lang ang kaniyang inspirasyon sa kasalukuyan.

Marami ang nag-aabang kung magkakaroon ba ng kissing scene ang dalawa sa naturang pelikula at kung okey naman si Sarah tungkol dito.

Excited din na binalita ng dalawa na bagong Piolo at Sarah ang makikita nila sa bagong handog na ito Star Cinema.

Medyo natagalan ang pagsasama nina Sarah at Piolo dahil gusto nilang maging perfect ang material na kanilang gagawin at ayon sa Pop Princess ay ito na ang tamang proyekto sa uanag tambalan nila ng Ultimate Heartthrob.

Ang The Breakup Playlist ay pamamahalaan ng magaling na director na si Dan Villegas na gumawa ng blockbuster movie na English Only Please.

Tiyak na magugustuhan ng mga tagasubaybay ng dalawa ang The Breakup Playlist na magsisimula na ngayong July 1.

Have a comment about this article? Send us your feedback.