Published on

Showbiz Extra • Hunyo 1 – 15, 2015

Ni Isagani Bartolome

  Enrique Gil & Liza Soberano
 
Enrique Gil & Liza Soberano
  Pasión de Amor cast
 
Pasión de Amor cast

Just the Way You Are – bagong movie ng Star Cinema

Matapos pag-usapan ang ending ng teleseryeng Forevermore ay muling magpapakilig ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil sa bago nilang pelikulang Just the Way You Are ng Star Cinema.

Directed by Theodore Boborol, ang bagong movie ay hango sa Wattpad book na The Bet.

Ayon sa libro, ang character ni Enrique na si Drake ay magkakaroon ng betting games with his buddies, involving courting the unsuspecting Sophia na gagampanan ni Liza Soberano.

Kapag na inlove na si Sophia kay Drake ay saka ito aamin na everything was just a game.

Pinatunayan ng dalawa ang lakas ng kanilang tambalan dahil sa supporta na kanilang nakuha sa katatapos nilang teleserye. Pinatunayan nina Liza at Enrique na malakas ang kanilang loveteam dahil sa dami ng sumubaybay sa Forevermore.

Dahil dito, inaasahang magiging blockbuster ang pelikulang ito na ang titulo ay hango sa awitin ng sikat na singer na si Bruno Mars.

Ang Just the Way You Are ay ipapalabas na sa June 17.

Pasión de Amor – magsisimula na!

Daring ang bagong soap ng Kapamilya Network na Pasión De Amor. Pangungunahan nina Colleen Garcia, Ellen Adarna, Arci Munoz, Ejay Falcon, Joseph Marco at Jake Cuenca.

Medyo sexy ang theme ng Pasión de Amor na hango sa sikat na Colombian telenovela, Pasión de Gavilanes, na ipinalabas noon sa ABS- CBN.

Umamin ang mga pangunahin star ng soap na kailangan nilang mag-diet at exercise nang husto dahil sa mga maiinit at mapangahas na mga eksena sa nabanggit na teleserye.

Si Eric Quizon ang magiging director at ito bale ang kaniyang unang project na gagawin sa bakuran ng Dos.

“Inalagaan ko sila bilang actors. We think of our audience at 6 p.m.” ayon kay Eric na nagbigay ng assurance na pasok sa early primetime ang mga maiinit na eksena ng kaniyang bagong proyekto.

Samantala, sinabi ni Ellen Adarna, bawal ang tumaba ng isa man sa kanila during the making of Pasión de Amor. Umamin ang dalaga na nadagdagan ang kaniyang timbang noong nakaraang taon kaya todo-todo ang ginawa niyang paghahanda para sa seryeng ito.

Si Jake Cuenca ay nagbawas din ng 25 pounds para dito. Marami kasi ang pumuna sa pangangatawan ng actor nang sumali ito sa Bench fashion show last year. Kailangan din niyang sumabay sa kaniyang mga kasama na sina Joseph at Ejay na parehong fit ang mga pangangatawan.

Tuwang tuwa naman si Arci Munoz sa tiwalang ibinigay ng Kapamilya Network sa kaniya. Umaasa ang aktres na ito na ang kaniyang final stop dahil halos naikot na niya ang tatlong pangunahing studio ng bansa. Naging talent siya ng GMA 7 at TV5 noon.

Have a comment about this article? Send us your feedback.