
Opinions
Ni Isagani Bartolome
![]() |
|
Rachelle Ann Go
|
|
![]() |
|
Nadine Lustre
|
Nagtapos na ang kontrata ni Rachelle Ann Go sa West End Musical na Miss Saigon noong ika-9 ng Mayo. Happy ang magaling na singer sa kinalabasan ng kaniyang performance sa naturang show. Dito napatunayan at nakita ang husay ni Shin, palayaw ni Rachelle sa pag-awit.
“Ang Saigon diary has come to an end, but this is just the start of something amazing” post ni Shin sa kaniyang social media account.
Nagkaroon din ng farewell party para sa kaniya ang buong cast ng Miss Saigon dahil nagkalapit-lapit sila habang ginagawa ang naturang musical.
Umuwi lang sandali si Rachelle sa Pilipinas pagkatapos maimbitahang magperform siya sa Bali, Indonesia para harapin ang isang mahalagang career turn.
Ito ay ang rehersal para sa bago niyang gagawing Broadway show na Les Miserables.
Kinuha siya ng production team ng Les Miz para sa role ni Fantine, na muling magbubukas sa June sa London.
Next time na muling babalik sa bansa ang magandang singer ay para ipagdiwang ang kaniyang kaarawan sa August at itatapat na rin dito ang blessing ng bagong bahay ng kaniyang pamilya. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ni Rachelle ng karangalan sa Pilipinas.
Marami ang nagdududa na nagpa-enhance ng mukha ang bagong Kapamilya Star na si Nadine Lustre. Tingin ng marami ay lalong gumanda at tila may nagbago sa mukha ng teenstar.
Diretsahan naman sinasagot ng kapareha ni James Reid ang mga akusasyon sa kaniya. Takot daw siya sa operasyon at hindi siya masyadong fan ng enhancement o surgery. Marahil ay ang kaniyang pagpayat ang dahilan kung bakit napagkakamalan siyang nagparetoke ng mukha.
Lately kasi ay malaki ang ipinayat ni Nadine na lalong nagpaganda sa kaniya.
May mga nagsasabi rin na mula nang maging Kapamilya Star ang dalaga ay nag-iba ang kaniyang aura at lalong lumakas ang sex appeal.
Muling mapapatunayan ang lakas ng loveteam nila ni James Reid sa pelikulang Para sa Hopeless Romantic under Viva Films at Star Cinema. Kasama rin sa nasabing movie sina Julia Barretto at Iñigo Pascual.