Published on

Showbiz Extra • Mayo 1 – 15, 2015

Ni Isagani Bartolome

  nora.brillante
 
Nora Aunor & Brillante Mendoza
  erich.daniel
 
Erich Gonzales & Daniel Matsunaga

Nora Aunor at Brillante Mendoza – magpapasiklab sa Cannes Film Festival

Muling magpapasiklab ang nag-iisang Superstar ng bansa na si Nora Aunor sa darating na 68th Cannes International Film Festival ngayong Mayo.

Kalahok doon ang pelikulang Taklub ng award winning director na si Brillante Mendoza. Ang Taklub ay isa sa mga pelikulang napili mula sa Timog Silangang Asya para makasali sa Un Certain Regard section ng naturang festival.

Dahil ditto, siguradong muling pag-uusapan ang mahusay na director at ang magaling na aktres.

Ang nasabing pelikula ay tumutukoy sa mga taong nakaligtas sa super typhoon Yolanda. Ilalarawan dito ang kanilang naging kahindik-hindik na karanasan at survival tale captured and presented by Mendoza.

Mataas ang respeto at paghanga ng European Film group sa director dahil sa mga pelikula nitong tinanghal noon tulad ng Kinatay at Thy Womb.

Added premium kung baga sa Taklub ang bida rito na si People’s National Artist Nora Aunor na inaasahang magbibigay muli ng karangalan sa ating bansa.

Last time na may kasaling movie si Guy sa Cannes International Film Festival ay ang Bona na ginawa ng late great film master na si Lino Brocka. Tiyak na isang kasaysayan na naman ang iuukit ni Aunor sa pelikula niyang ito.

Siya lamang ang bukod tanging Filipina actress na ang mga movies ay tinanghal sa tatlong nagungunang film festival sa mundo.

Sa Cannes International Film Festival pinalabas ang Bona; sa Berlin Film Festival naman isinali ang Himala; at sa Venice Film Festival na pinuri at pinalakpakan ang kaniyang pelikulang Thy Womb.

Erich Gonzales at Daniel Matsunaga – Sila naman ba ngayon?

Mukhang nagkakamabutihan na ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Binalita ni KrisAquino sa kaniyang show na nag-break na ang businessman boyfriend at si Erich kamakailan.

May sinabi pa ang Queen of All Media na hindi na ‘in pain’ ang dalaga sa pakikipaghiwalay nito sa dating kasintahan na inabot din ng apat na taon ang naging relasyon.

Naging obvious tuloy na si Daniel ang dahilan kaya naka “move on” agad si Erich.

Unang nagkasama ang dalawa ng maging co-hosts sila ni Kris sa morning show nitong Kris TV.

Nagkatrabaho silang muli sa teleseryeng Two Wives at doon sila naging close at doon mukhang nagkagustuhan.

Kahit wala pang direktang pag-amin na nagmumula sa dalawa ay makikita naman sa mga posts nila na lagi silang magkasama.

Kahit ang nanay ng Brapanese hunk ay mukhang botong boto kay Erich para sa kaniyang anak na binata.

Sa IG post nito ay tinawag niyang my youngest daughter ang actress. Very supportive si Mommy Gege sa lahat ng nakakarelasyon ng kaniyang anak.

Kahit noong magkarelasyon pa sina Daniel at Heart Evangelista ay sweet din ito sa dating girlfriend ng anak.

Marami lang ang nag-react at nagsasabi na mabilis ang mga pangyayari dahil kabe-break up pa nga lang ni Erich sa dating boyfriend ay may kapalit na ito agad agad.

Have a comment about this article? Send us your feedback.